Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Thank you very much.
00:30Kung saan inilibing si Pope Francis, nagpapatuloy ngayon ang Novemdiales o siyam na araw na pagluluksa at pagdarasal para kay Pope Francis.
00:39Maari ng madalaw ang kanyang himlayan dito po sa Santa Maria Maggiore matapos ang isang taintim na funeral ceremony na sinaksihan ng libo-libo sa St. Peter's Square.
00:51Narito po ang aking report.
00:53Sinalubong ng palakpakan at pag-awit ang kabaong ni Pope Francis habang inilalabas mula sa St. Peter's Basilica sa Vatican City.
01:05Pagkalapag ng kabaong sa espesyal na altar sa St. Peter's Square, sinimulan ang taintim na funeral mass na pinangunahan ni Italian Cardinal Giovanni Battista Re, ang Dean ng College of Cardinals.
01:23Dinasalan at binasbasan ang kabaong ng Santo Papa.
01:32Sa kanyang homily, nanawagan si Cardinal Re na sanay manatiling buhay ang pamanan ng Santo Papa, ang pag-aalaga sa mga migrant, downtrodden o nasa nailayan ng lipunan at sa kalikasan.
01:44Inulit din niya ang ilang beses na panawagan noon ni Pope Francis na sana tapusin na ang mga gera.
01:53Sa taya ng Vatican, mahigit 250,000 ang dumalo sa seremonya.
01:59Pagkatapos ng funeral mass, muling ipinasok sa St. Peter's Basilica ang kabaong ni Pope Francis.
02:05Inilabas ito sa ibang pintuan sa kaisinakay sa puting Pope Mobile at ipronosisyon sa apat na kilometrong ruta sa Roma.
02:16Sa pagdaan ng kanyang labi, libon-libong nakaabang sa prosesyon ang nagpalaktakan at nagpugay.
02:26Inihatid ang kanyang kabaong sa Basilica of St. Mary Major, ang napili niyang huling himlayan.
02:32Kabilang sa mga sumalubong sa kanya roon, ang grupo ng mga mahihirap na may bit-bit na puting rosas.
02:42Pagpasok ng kabaong sa Basilica, pinangunahan ng kamerlenggo na si Cardinal Kevin Farrell ang burial.
02:49Privado ito na dinaluhan ng mga cardinal at cleric.
02:52Nilagyan ng Cardinal Farrell ng seal ang kabaong at sumaludo ang Swiss Guards.
02:58Alinsunod sa habili ng Santo Papa, inilibing ang kabaong ni Pope Francis sa puntod na payak at may inscription lang na Franciscus.
03:08Sa pagbasbas ni Cardinal Farrell sa kabaong, magpugay ang mga cardinal at cleric.
03:15Ngayong araw, ilang deboto ang nakita ng dumalaw sa libingan ni Pope Francis, lalot binuksan na ito sa publiko.
03:23Tanda rin ito nang simula ng Noemdiales o siyam na araw na pagluluksa at pananalangin.
03:29At ayun na nga kasama ang mga kardinal na Pilipino sa mga nakiisa sa funeral mass at burial ceremony para kay Pope Francis.
03:43Gaya na Luis Antonio Cardinal Tagle na kinamusta ko sa Pontifico Colegio Filipino kung saan nagdao siya ng isang misa.
03:52Pater, eus filhos, eus filhos, eus filhos, santo.

Recommended