Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi na tuloy ang masayasanang bakasyon na isang senior citizen sa Bali, Indonesia,
00:05matapos siyang harangin sa airport dahil sa punit sa kanyang passport.
00:09Yan ang tinutukan ni JP Sarian.
00:14Dahil sa maliit na punit sa passport, naonsyami ang bakasyon ng isang senior citizen sa Bali, Indonesia.
00:21Kwento ng isang pasehero sa nag-viral na post na ito na ibinahagi sa GMA Integrated News.
00:27Pino na ng ground crew sa check-in counter ang maliit daw na punit sa passport ng kanyang ama.
00:32Hindi raw nila ito napansin at mukhang normal wear and tear langan nila ito.
00:37Pinikturan daw ng ground staff ang passport at sinabing ipadadala sa immigration sa Bali.
00:43Nagtanong ulit sila makalipas ang halos kalahating oras at tila tumaasa niya ang boses ng staff.
00:49Ang isa niyang tiyahi nagpunta sa senior citizen check-in counter at agad nabigyan ng boarding pass ang kanyang ama.
00:57Nakalusot sila sa immigration dahil sabi ng staff valid ang passport at normal wear and tear lang ang punit.
01:04Pero sa boarding gate, hindi siya pinasakay ng ground staff sa eroplano dahil hindi raw siya bumalik sa naunang counter.
01:12Pero hindi na raw hinintay ng eroplano ang ama at ang ending, naiwan ito.
01:18Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, iniimbestigahan na ang insidente at batay raw sa kwento ng Cebu Pacific.
01:26Sinabi mismo ng Denpasar ng Bali Airport, hindi namin tatanggapinan kaya huwag niyo nang pasakayin.
01:34Yun ang sinasabi ng Cebu Pacific.
01:38But of course, we have to verify that with Denpasar Airport, if that is in fact true.
01:44Sa pahayag ng Cebu Pacific, naiintindihan daw nilang nakakabahala ang kanilang pinagdaanan.
01:51Sinubukan nilang makipag-ugnayan sa mga pasahero, pero wala pa raw silang nakukuhang sagot.
01:57At nila kahit minor tear o unauthorized markings daw ay maituturing na damaged passport ng foreign immigration authorities.
02:04Iniimbestigahan din daw ng DOTR ang ipapang-post tungkol sa mga umano'y hindi raw pinayagang makalipad dahil sa sirari ng passport.
02:13Do airlines have the authority to check travel documents like passports?
02:20They do, JT.
02:22They need to comply with that clear instruction that they must in no way whatsoever cause any harm to the documents
02:33or tamper with the documents of the passengers in the exercise of their function.
02:39Ipinatawag na raw ng DOTR ang Cebu Pacific at iba pang airlines.
02:45Nais din nilang matiyak na hindi sinadya ang pagpunit o pagsira sa mga passports na inireklamo sa social media.
02:53Kung may, meron tayong makitang gano'n at sorry na lang, sanctions will be imposed on both the personnel and the airlines.
03:00Base sa Philippine Passport Act, maituturing na damage ang pasaporte kung may pagbabago sa pisikal na anyo na maaaring sanhi ng wear and tear o pagkaluma, negligence o pagpapabaya at iba pang dahilan.
03:15Paalala namang otoridad kung may sira ang passport agad itong papalitan sa DFA bago mag-schedule ng biyahe.
03:22Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.

Recommended