Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:30Ang masayang street festival ng mga Pilipino sa Vancouver, Canada na uwi sa bangungot.
00:36Sa gitna ng street party sa Sunset on Fraser community sa Vancouver,
00:40para sa pagdiriwang ng Lapu-Lapu Day, isang SUV ang dumating at bigla silang inararo.
00:46Sa videong ito, makikitang nagkalat ang mga nakabulagtang katawan sa kalsadang kabi-kabila ang mga food truck.
00:53Agad namang nakatugun doon ang mga emergency responder.
00:56Kita ang ilan na yakap-yakap ang mga nasaktan.
01:00Ang mga bata naman, walang nagawa kundi mag-iyakan.
01:11Ayon sa Vancouver Police, nangyari ang insidente pasado alas 8 ng gabi ng Sabado o alas 11 ng umaga ng linggo sa Pilipinas.
01:19May mga nasawi at nasaktan ayon sa mga otoridad, pero wala pang eksaktong bilang.
01:48It would be unfair for me to speculate on exact numbers as the victims were taken to multiple hospitals in the region.
01:58Bago nito, may mga kantahan at sayawan pang nakunan ang mga dumalong Pilipino.
02:03Ayon sa Vancouver Police, nasa custody na nila ang 30-year-old na lalaking driver ng SUV.
02:09Inaalam pa kung aksidente ito o isang pag-atake na may motibo.
02:13Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Consulate General sa Vancouver sa mga biktima ng karimarimaring na insidente.
02:21Habang naghihintay ng karagdagang impormasyon, sana raw ay maging matatag at magbayanihan ang mga Pilipino.
02:28Nakiramay rin si Canadian Prime Minister Mark Carney sa mga mahal sa buhay ng mga namatay at nasaktan sa Filipino community at sa lahat ng mga taga-Vancouver.
02:37Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez nakatutok 24 oras.
02:45Arestado ang dalawang suspect sa pagkidnap ng mga undocumented na babaeng Chinese national.
02:50Mastermind umano ang isa rin Chinese na dating nagtatrabaho sa Pogo.
02:55Nakatutok si Jumer Apresto exclusive.
02:57Kuha ang video na yan sa isang rest house sa Tagaytay City noong April 20.
03:10Ipinadalayan ng mga kidnappers sa katrabaho ng 41-anyos na biktima na isang interior designer.
03:17Proof of life daw ito para magpadala sila ng pera kapalit ng kalayaan ng biktima.
03:22Bagong krimen, makikita ang biktima na nasa isang hotel sa Malati, Maynila pasado alas 11 ng gabi noong April 17.
03:30Maya-maya, sumakay ang babae sa isang pulang kotse.
03:34Ayon sa pulisya, sakay nito ang Taiwanese national na driver, isang Pilipino at isang Chinese national.
03:41Isa raw rito, nakilala online ang biktima na inakala niyang makakadate niya.
03:45Pero miyembro pala ito ng isang grupo na ang modus, mangidnap na mga undocumented na babaeng Chinese national.
03:53Iaharas nila ito sa asaktan at ilalabas yung mga available funds or money na nasa kanila.
04:00Makakuha ng kunting pera, i-release na nila.
04:04Umabot sa P650,000 ang nakuhan ng mga sospek bago pinakawala ng biktima sa labas ng isang mall sa Paranaque noong April 21.
04:12Ang sinasabi niya noon isinusuntok siya, itinali siya, tinakot, piniringan, pinagbantaan.
04:20Sa pagtutulungan ng MPD, NCRPO at PNP AKG, napagalaman na nirentahan ng mga sospek ang pulang kotse na sinakyan ng biktima.
04:30Butit may GPS ito kaya nalaman na nag-ikot sa Tagaytay City ang mga sospek bago pumunta sa isang bahay sa Paranaque.
04:37Natunto nila ang bahay na pinagdalahan sa biktima kung saan nahuli ang Pilipinong sospek.
04:42Sa pasay naman, nahuli ang Taiwanese National.
04:45Nabawi ang tinangay nilang luxury car na pagmamayari ng kumpanya kung saan nagtatrabaho ang biktima.
04:51Yun lang po, yung ginagawa lang po namin is drive lang po.
04:57Ang nawala mo, sir, ang nabigay lang mo sa akin, 5-way lang mo, sir.
05:01Sa investigasyon ng pulisya, matagal ng modus ito ng mga sospek.
05:06Ang utak sa krimen is sa umanong Chinese National na dating empleyado ng Pogo at nakakulong noon pang nakaraang taon.
05:14Sa mismong account nito, pumapasok ang mga pera na nakukuha nila sa mga biktima bago nila paghatian at ipadala gamit ang crypto accounts.
05:22Nasa kustodiyan ng MPD ang mga sospek na maaharap sa patong-patong ng reklamo kabilang ang kidnapping at carnapping.
05:28Ang tinutugis ang Chinese National at isa pang Pilipino na lulan din ng pulang kotse.
05:34Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatuto, 24 oras.
05:49Kasunod ng funeral mass at libing.
05:51Dinadalaw na ng ilang deboto ang libingan ni Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major ngayong bukas na ito sa publiko.
05:58At mula sa Rome, Italy, nakatutok live si Vicky Morales.
06:02Vicky?
06:05Yes, Ivan. Nandito na nga ako ngayon sa Basilica of St. Mary Major kung saan inilibing si Pope Francis.
06:13Nagpapatuloy ngayon ang November Diales o siyam na araw na pagluluksa at pagdarasal para kay Pope Francis.
06:20Maari nang madalaw ang kanyang himlayan dito po sa Santa Maria Major matapos ang isang taimtim na funeral ceremony na sinaksihan ng libo-libo sa St. Peter's Square.
06:32Narito po ang aking report.
06:33Sinalubong ng palakpakan at pag-awit ang kabaong ni Pope Francis habang inilalabas mula sa St. Peter's Basilica sa Vatican City.
06:45Pagkalapag ng kabaong sa espesyal na altar sa St. Peter's Square, sinimulan ang taimtim na funeral mass na pinangunahan ni Italian Cardinal Giovanni Battista Re,
07:02ang Dean ng College of Cardinals.
07:03Dinasalan at binasbasan ang kabaong ng Santo Papa.
07:12Sa kanyang homily, nanawagan si Cardinal Re na sanay manatiling buhay ang pamanan ng Santo Papa,
07:19ang pag-aalaga sa mga migrant, downtrodden o nasa nailayan ng lipunan at sa kalikasan.
07:26Inulit din niya ang ilang beses na panawagan noon ni Pope Francis na sana tapusin na ang mga gera.
07:33Sa taya ng Vatican, mahigit 250,000 ang dumalo sa seremonya.
07:40Pagkatapos ng funeral mass, muling ipinasok sa St. Peter's Basilica ang kabaong ni Pope Francis.
07:46Inilabas ito sa ibang pintuan sa kaisinakay sa puting Pope Mobile.
07:52At ipronosisyon sa apat na kilometrong ruta sa Roma.
07:56Sa pagdaan ng kanyang labi, libon-libong nakaabang sa prosesyon ang nagpalakpakan at nagpugay.
08:04Inihatid ang kanyang kabaong sa Basilica of St. Mary Major, ang napili niyang huling himlayan.
08:15Kabilang sa mga sumalubong sa kanya roon, ang grupo ng mga mahihirap na may bit-bit na puting rosas.
08:22Pagpasok ng kabaong sa Basilica, pinangunahan ng kamerlenggo na si Cardinal Kevin Farrell ang burial.
08:29Privado ito na dinaluhan ng mga cardinal at cleric.
08:33Nilagyan ng Cardinal Farrell ng seal ang kabaong at sumaludo ang Swiss Guards.
08:39Alinsunod sa habili ng Santo Papa, inilibing ang kabaong ni Pope Francis sa puntod na payak at may inscription lang na Franciscus.
08:50Sa pagbasbas ni Cardinal Farrell sa kabaong, magpugay ang mga cardinal at cleric.
08:56Ngayong araw, ilang deboto ang nakita ng dumalaw sa libingan ni Pope Francis, lalo't binuksan na ito sa publiko.
09:03Tanda rin ito nang simula ng Noemdiales o siyam na araw na pagluluksa at pananalangin.
09:33Saktong isang linggo ang nakalipas mula ng pinungunahan ni Pope Francis ang Easter Mass sa St. Peter's Square.
09:46Nandito po tayo ngayon sa Pontificio Collegio Filipino.
09:50Dito po naninirahan ang mga cardinal kapag nandito sila sa Roma.
09:54At dito rin pangungunahan ni Cardinal Tagle ang isang misa.
09:57Kapansin-pansin nangayayat siya mula nang mawalan siya ng isang itinuring niyang mahal na kuya at gabay.
10:09Pagkatapos ng misa, magiliw siyang kinamusta ng mga bisita kasama na ang kapuso nating si Jessica Soho.
10:18Maging ang Pilipinong chef na si Jessie Sinshoko na ipinagluto ang Santo Papa nung bimisita siya sa Pilipinas.
10:25Ano pang paborito ng Santo Papa?
10:27Roast beef.
10:28Roast beef po. Talagang grabe yung roast beef po.
10:32Talagang sabi niya, enjoy na, enjoy siya doon.
10:35Agad ding umalis si Cardinal Tagle dahil ngayon magkikita ang mga kardinal sa Vatican
10:41at sabay-sabay na magbubus para bisitahin ang Santo Papa sa Basilika ng Santa Maria Maggiore.
10:48Mula sa Roma, Vicky Morales para sa GMA Integrated News.
10:51Yes, Ivan. At sa mga sandaling ito, yung haba ng pila na nakita natin sa St. Peter's Square dati,
10:59e dito na, lumipat sa likod nitong Basilika de Santa Maria Maggiore.
11:04Talagang ito yung para sa mga deboto na gusto nga ang mga silayan,
11:09ang final resting place ni Pope Francis.
11:11At maya-maya, susubukan din natin makapasok dyan para makita rin natin itong inscription na Francisco.
11:18Maraming salamat.
11:20Vicky Morales, Taguulat Live, mula sa Rome, Italy.

Recommended