OFW hospital sa Pampanga, tumaas ang serbisyo sa unang kwarter ng 2025; Malalaking upgrade, nakatakda – DMW.
2019 Groundbreaking and constructed 2020 during former president Rodrigo Duterte, the operation started 2022.
The Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital and Diagnostic Center, or simply the OFW Hospital, is a specialty hospital in San Fernando, Pampanga, Philippines. It is meant to cater to Filipino migrant workers.
2019 Groundbreaking and constructed 2020 during former president Rodrigo Duterte, the operation started 2022.
The Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital and Diagnostic Center, or simply the OFW Hospital, is a specialty hospital in San Fernando, Pampanga, Philippines. It is meant to cater to Filipino migrant workers.
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Tumaas ang bilang ng mga pasyenteng overseas Filipino workers at servisyong medikal na ibinigay ng OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga ngayong unang bahagi ng 2025.
00:14Sinabi ng Department of Migrant Workers, pinagahandaan na rin ang malalaking pagpapalawak ng servisyo at pasilidad sa ospital.
00:22Ayon sa ulat ng OFW Hospital, hanggang Marso, March 31, 2025, nakapagtala ito ng 72% na pagtaas ng bilang ng mga na-admit na pasyente mula 100 at siyam noong unang parter ng 2024, kumpara sa 200 at siyam ngayong taon.
00:44Sa parehong panahon, umakyat din ang bilang ng outpatient o pasyenteng dumaan para sa konsultasyon at ibang servisyo.
00:52Mula 10,143 tungo sa 12,097, katumbas ng 11% na pagtaas.
01:03Bukod sa outpatient at inpatient services, malaki rin ang itinaas ng paggamit sa mga pangunahing servisyo,
01:10gaya ng 24-7 emergency room, telemedicine, minor at major operations, obstetrics, gynecology, radiology, laboratory, respiratory, at heart station.
01:23Ang Integrated Medical Repatriation and Assistance Program ng ospital ay patuloy ring tumutulong sa mga OFW na nangangailangan ng inpatient care at family health counseling.
01:34Sa aspeto ng mga isinagawang medikal na pamamaraan, tumaas ng 30% ang bilang ng mga procedures sa radiology at laboratory,
01:4434% sa heart station, at 10% sa respiratory services.
01:50Ipinagmamalaki rin ang ospital ang 100% budget utilization para sa mga bayad na servisyo mula 2024 hanggang 2025.
02:01Para sa natitirang bahagi ng taong 2025, target ng OFW Hospital na makamit ang DOH LTO Level 2 licensing na magbibigay daan sa mas kumpletong pasilidad,
02:13gaya ng intensive care units, mas malawak na outpatient services, at karagdagang specialty clinics.
02:20Nakatakda rin simulan ang konstruksyon ng bagong cancer center building, pati na ang pagpapalawak ng heart station, respiratory, at radiology sections.
02:30Layunin din ang ospital na kilalaning ito bilang opisyal na medical facility for overseas workers and seafarers,
02:38at maging accredited provider ng pre-employment medical examination.