Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Isang pa-pasaherong bus ang nadesgrasa sa La Union kagabi
00:03at sa paunang imbisigasyon ng pulisya, problema sa makina.
00:07Ang posibleng sanhinang pag-overshoot ng bus at pagbangga nito sa arko ng Burgos, La Union.
00:13At dahil sa lakas ng impact, wasak ang unahang bahagi ng bus.
00:17Hindi bababa sa apat na puang sugatan.
00:19Pahirapan ang pagsagip sa mga pasaherong na ipit sa mga bakal.
00:23Ang kwento ng isang saksi, matulin ang takbo ng bus na galing Baguio City.
00:27Naglabas na ng show cost order ang LTFRB para hinga ng paliwanag ang operator.
00:40Binalika ni Vicky Morales ang iban-ibang lugar sa Vatican
00:44na naging malaki ang papel sa labing dalawang taong pamumunan ni Pope Francis sa Simbahang Katolika.
00:50Narito ang kanyang nasaksihan.
00:52Ngayong araw, samahan niyo po kami sa isang natatangin paglalakbay
00:59sa mga mahalagang lugar na naging bahagi ng buhay at paglilingkod ni Pope Francis
01:04gula sa kanyang pagkahirang hanggang sa kanyang huling antungan.
01:09Umpisahan po natin ang ating paglalakbay dito sa St. Peter's Basilica sa Vatican City
01:14na pinakamalaking simbahan sa buong mundo.
01:17Nung naalala po natin, sa gitnang bintalang ito,
01:21unang dumungaw at kumaway si Pope Francis sa publiko
01:25matapos siyang mapiling Baguio Santo Papa noong 2013.
01:30Pero ngayon, sa loob, nakalagak ang kanyang mga napin
01:33na inilipat naman sa labas ng Basilica para sa gaganapin na funeral mass ni Pope Francis.
01:39Itong area naman na may pulang kurtina,
01:42ang siyang magsisibig altar para sa misa.
01:45Uupo ang mga kardinal sa kaliwa at kanang bahagi ng altar
01:49at dito nakapwesto na rin ang mga uupuan ng mga worldview.
01:57Ilang metro lang mula sa St. Peter's Basilica, itong Apostolic Palace.
02:03Dito karaniwang tumitira ang mga Santo Papa
02:05pero pinili po ni Pope Francis ang mas payak na lugar.
02:09Pagamat hindi niya tinirhan, bahagi pa rin ito ng kanyang araw-araw na buhay
02:13dahil ito po ang nagsibing opisina niya.
02:16Lumalabas din siya rito 3 linggo upang magbigay ng Angelus Message
02:20na isa sa mga pinaka-inaabangan ng mga deboto sa buong mundo.
02:25Ito ang Casa Santa Marta,
02:27isang simpleng pansamantalang tirahan na itinayo para sa mga bumibisitang kardinal.
02:33Dito, piniling manirahan ni Pope Francis
02:35wala nang siya'y mahalal.
02:37And this na sa tradisyonal na papal apartments sa Apostolic Palace
02:41dahil mas gusto niyang maging malapit sa tao.
02:44Hi, hola!
02:45Hola!
02:47Hi, we go to Santa Maria Maggiore, Basilica?
02:50Hi, hola!
02:50Holp, holp, holp.
02:51Grazie!
02:53Mga 10 to 15 minutes by car, itong distansya mula St. Peter's Basilica
02:56papunta rito sa Basilica ng Santa Maria Maggiore.
03:00Ayan, nasa harap ko na siya.
03:02Ganyan na, pakahapan ng pillar ito sa Basilica ng Santa Maria Maggiore.
03:09Grazie!
03:09Mula naman sa St. Peter's Basilica, dito ililipat ang mga labi ni Pope Francis.
03:19Itong Basilica ni Santa Maria Maggiore, ang siyang napiling final resting place ni Pope Francis.
03:26Kilalang deboto ng Binim Maria, ang Santo Papa.
03:28Kaya naman, madalas na bumibisita siya dito upang magdasal bago at makatapos ng kanyang mga apostolic journey.
03:36At lagi siyang bumabalik dito upang magpasalamat at humingi ng gabat.
03:42Sa bawat sulok ng Batika na kanyang tinatahap, makikita ang puso ni Pope Francis bilang isang pastol.
03:50Matapat, mapakumbaba at yung malasain.
03:53Kaya gano'n na lang ang pagpapasalamat ng mga deboto sa kanyang buhay.
03:57Sa kanyang pagpapakumbaba, pagmamalasakit, at sa pag-asa at liwanag na iniwan niya sa ating mundo.
04:04Mula rito sa Vatican City, ako po si Vicky Morales para sa GMA Integrated News.
04:10Kahit noong may iniinda ng sakit, hanggat makakaya, tuloy ang mga biyahe ni Pope Francis
04:15para ihatir ang mensahe ng pag-ibig at kapayapaan.
04:18At hindi lang ang kapakanan ng tao ang kanyang binigyang halaga,
04:22kundi pati ng kalikasan, partikula ang laban contra climate change.
04:27Ating saksihan.
04:35Apat na putpitong apostolic journey sa labas ng Italy.
04:39Mahigit aning napong states and territories.
04:42Ganyan karami ang pinuntahan ni Pope Francis sa loob ng labing dalawang taon niyang pamumuno sa Simbahang Katolika.
04:49Bit-bit ang misyong ilapit ang Panginoon sa bawat sulok ng mundo.
04:53Simbolic ang una niyang destinasyon, ang Lampedusa, isang isla sa southern Italy na port of entry sa Europa
05:10na libulibong tumatakas sa karahasan at kahirapan.
05:14Ang pagbisita roon ni Pope Francis, pagpapatibay sa kanyang prioridad, ang mga minority gaya ng migrants.
05:21Nais lagi ng Santo Papa na makakonekta sa mga tao kaya nang magpunta siya sa Brazil.
05:29Imbis na sa armored vehicle, pinili niya sumakay sa open-air mobile.
05:33Bumisita rin sa Israel at West Bank si Pope Francis noong 2014.
05:41Pinuntahan ang separation barrier sa Bethlehem at nagdasal para sa kapayapaan.
05:47Di rin siya naging iba sa ibang reliyon at naging tulay sa magkakaiba ang pananampalataya.
05:52Kahit noong may iniinda na siyang sakit at nakawheelchair na, nagawa pa rin niyang mag-ikot sa iba't ibang bansa ng labindalawang araw.
06:04Binisita pati ang maliit na komunidad ng mga katoliko sa Mongolia.
06:11Pinakauli niyang napuntahan ang Corsica, isang isla sa France.
06:18Hindi man nakapunta sa Gaza si Pope Francis, ramdam naman doon ang kanyang presensya hanggang sa huli.
06:24Simula Oktobor 2023, nang sunod-sunod ang pambubomba ng Israel sa Gaza Strip, gabi-gabing tumatawag doon ang Santo Papa para mga musta.
06:45Di matatawaran ang pagmamahal at pagmamalasakit ni Pope Francis.
06:49Bagay na personal na nasaksiyan ang mga Pilipino nang dumalaw siya sa Pilipinas noong 2015.
07:01Hindi nagpapigil maging sa hagupit ng ulan at hangin.
07:05I'm here to be with you.
07:07Un poco tarde, me diran, e verdad.
07:10A little bit late, I have to say.
07:13Pero estoy.
07:15But I'm here.
07:15Gaya ng mga nananampalataya, si Pope Francis nakasuot din ang dilaw na kapote nang mag-ikot at magmisa sa takloban.
07:27I've come to tell you that Jesus is Lord.
07:34Que Jesus no defrauda.
07:37And He never lets us down.
07:39Hatid niya ay pag-asa para sa mga Pilipinong unti-unti palang bumabangon sa hagupit ng bagyong Yolanda.
07:48Ang superbagyong nagpakita ng matinding epekto ng climate change.
07:53Isyong tinalakay ni Pope Francis sa landmark encyclical na Laudato Sea.
07:58Ito ang unang encyclical letter na isinulat ng isang Santo Papa na nakatuon sa kalikasan.
08:05Sa Laudato Sea, ipinanawagan ni Pope Francis ang agarang aksyon sa climate change.
08:11Kabilang sa binigyan diin dito ng Santo Papa ang paggamit ng alternative energy sources.
08:18Pagbibigay prioridad sa pampublikong transportasyon.
08:22Pagiging responsable sa kalikasan.
08:24Mag-recycle at huwag mag-aksaya ng pagkain.
08:28Dapat din daw isaalang-alang ang kapakanan ng susunod na henerasyon sa klase ng mundong iiwan natin sa kanila.
08:36Kasabay sa paalalang hindi tayo Diyos at mas nauna sa atin ang mundo kaya dapat natin itong ingatan.
08:44Marami pang isinulat na dokumento si Pope Francis gaya ng Apostolic Constitutions and Apostolic Exhortations.
08:51Sa loob ng labindalawang taon niya bilang Santo Papa, mahigit siyang naraan ang naging Santo.
08:58Apat na Pilipino ay dineklarang Venerable na isa sa mga pinagdadaanan para sa proseso ng paghirang ng Santo.
09:06Di maikakailaang debosyon kay Mama Mary ni Pope Francis na inihabiling ilibing siya sa isang Marian church sa Escaline sa Roma.
09:16Milyon-milyon ang nagluloksa sa kanyang pagpanaw.
09:20Pero sabi ni Pope Francis sa preface ng isang libro na isinulat niya dito lang February 7,
09:26ang kamatayan ay hindi katapusan ng lahat kundi isang simula.
09:33Tapos na nga ang misyon ng pastol na si Pope Francis.
09:37Ngayon, nakasalalay na sa kawan na kanyang tinuruan ang pagpapatuloy at pagsasabuhay ng kanyang mga pamana.
09:50Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
09:56Kung tayo man ay nawala ng Santo Papa, isang madre naman ang nawala ng matalik na kaibigan.
10:10Siya po si Sister Genevieve, isang French nun na isa sa mga naging kaibigan ni Pope Francis.
10:17At dahil sa matagal nilang pinagsamahan ng Santo Papa,
10:20pinayagan si Sister Genevieve na makalapit sa labi ni Pope Francis.
10:24Sa video, baka sa muka ni Sister ang kalungkutan at kita rin ang pag-iyak niya para sa namayapang kaibigan.
10:36Mga kapuso, abangan niyo po bukas ang GMA Integrated News Special Coverage ng libing ni Pope Francis.
10:433.45 po ng hapon niyan sa GTV at sa Facebook at YouTube channel ng GMA Integrated News.
10:50Salamat po sa inyong pagsaksi.
10:51Ako si Pia Arcangel para sa mas malaki misyon at sa mas malawak na pagdilingkod sa bayan.
10:58Mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Filipino.
11:02Hanggang sa lunes, sama-sama po tayong magiging.
11:05Saksi!
11:21The