Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sama-sama tayong magiging Saksim!
00:21Inang oras bago isara ang kabaong ni Pope Francis,
00:24wala pa rin patid ang pagdating ng libo-libong nais magbigay respeto sa huling pagkakataon.
00:30Hanggang alas 7 ng gabi, oras doon, papayagan ang public viewing
00:34habang isasara na ang pila para mapasok sa Basilika bandang alas 6 ng gabi.
00:39Alas 8 ng gabi naman, nakatakda ang right of ceiling of the coffin.
00:43Nakahanda na rin ang puntod at ang paglilibingan kay Pope Francis sa Basilika of St. Mary Major.
00:50Dadalohan po ito ng mga world leader, kabilang na si Pangulong Bongbong Marcos
00:55at First Lady Lisa Araneta Marcos na dumating na sa Roma.
01:03Umabot na po sa 150,000 ang nakapagbigay-pugay kay Pope Francis
01:07sa St. Peter's Basilika sa Vatican, ngayon pong bisperas ng kanyang libing.
01:12Ating saksihan!
01:17Paikot-ikot na pila mula sa St. Peter's Square.
01:21Abot sa mga kalapit na kalsada kung saan tanaw ang St. Peter's Basilika.
01:25Mabagal ang lakad ng mga tao para sa ilang minutong pagkakataon
01:29na makapagdasal at bigay respeto kay Pope Francis.
01:32Huling araw na lang buron sa St. Peter's Basilika bago ang funeral mass at libing bukas ni Pope Francis.
01:38Alas 12.30 ng madaling araw ng biyernes nagtapos ang ikalawang araw ng public viewing.
01:45Matapos na ang mahigit tatlong oras,
01:47nagbukas uli ang basilika para sa mga nakikiramay na ubabot na sa 130,000.
01:52Nasa apat na kilometro ang layo ng St. Peter's Basilika sa St. Mary Major Basilika,
02:09kung saan ililibing si Pope Francis bukas.
02:11Marami na rin nagtitipong mga diboto roon.
02:14Kagabi, nanguna si Luis Antonio Calenotagli sa pagdarasal ng Rosario sa St. Mary Major.
02:21Inilabas ng Vatican ang larawan ng magiging huling himlayan ng Santo Papa,
02:25simpleng puntod na ang nakalagay lang sa tombstone ay Franciscus, alinsunod sa kanyang hiling.
02:31Maimahe din ang pectoral cross na isinusuot ng Santo Papa sa kanyang dibdib.
02:35Ang materyalis na ginapit sa puntod nagmula sa Italian region ng Liguria na pinagmula ng kanyang lolo't lola.
02:42Malapit ito sa Altar of St. Francis.
02:45Sa St. Mary Major Basilika kung saan madalas magdasal si Pope Francis noong nabubuhay pa.
02:50Nakapunta pa nga siya roon noong April 12 pagkatapos siyang makonfine ng mahigit isang buwan dahil sa double pneumonia.
02:56Ilang beses naging saksi ang St. Mary Major sa mga mahalagang punto ng papas ni Pope Francis.
03:01Kada biyahe niya abroad, doon siya nagdarasal sa harap ng Salos Populi Romani.
03:06Imahe ng Birhing Maria at ng Batang Jesus na batay sa Catholic tradition ay ipininta ni St. Luke the Evangelist.
03:13Doon din siya nagdasal matapos siyang mahalal na Santo Papa noong 2013,
03:17maging noong COVID pandemic at noong maoperahan siya noong 2021 at 2023.
03:23Bukod kay Pope Francis, pitong Santo Papa na ang nailibing sa St. Mary Major.
03:28Si Pope Francis ang unang Santo Papang ililibing sa labas ng Vatican matapos ng mahigit isang siglo.
03:33Pero si St. Peter Square pa rin ang kanyang funeral mass gaya ng mga nauna sa kanya.
03:38Ayon sa Vatican, mahigit 130 delegasyong kabilang ang 50 head of state ang dadalo sa Sabado.
03:44Kabilang dyan, si na Pangulong Bongo Marcos at First Lady Lisa Araneta Marcos.
03:49Dadalo rin si na U.S. President Donald Trump at plano rin magpunta ni former U.S. President Joe Biden.
03:55Sampung reining monarch din ang dadalo.
03:58Para sa GMA Integrated News, ako si Rafi Tima ang inyo. Saksi!
04:02Magigit 200,000 ang inaasahang dadalo sa funeral mass para kay Pope Francis sa St. Peter Square sa Vatican.
04:10At handa na rin ang pwesto ng media gayon din ng mga medical personnel.
04:14Saksi, si Vicky Morales.
04:17Dito sa harap ng St. Peter's Basilica, puspusa na ang paghahanda para sa funeral mass ni Pope Francis na dadaluhan ng daang-daang world leader.
04:30Nandito po tayo ngayon sa St. Peter Square at sa isang kanto nitong plaza, makikita natin itong scaffolding na itinayo para sa mga member ng media na magko-cover sa funeral mass ni Pope Francis.
04:42At eto naman sa isang kanto ng St. Peter Square, itong area kung saan nagkumpul-kumpulan ang mga broadcast journalists mula sa iba't ibang panig ng mundo.
04:53At eto naman sa isang bahagi ng St. Peter Square, makikita natin itong mga puting tent na ito.
04:59Ito yung mga medical tent. May mga paramedic dyan para magbigay ng paonang luna sa mga nangangailangan nito.
05:05Binisita rin namin ang Philippine Embassy to the Vatican na ilang hakbang mula sa St. Peter's Basilica.
05:14Having met Cardinal Table several times here, I know that he is deeply saddened by the loss of Pope Francis,
05:25who I believe is not just a boss technically, but I guess a personal friend, somebody who I think medyo similar talaga yung kanilang mindset and approach.
05:40We share his sadness in the passing of a friend and a mentor.
05:48Ibinahagi sa amin ni Ambassador Mayla Makahilig ang naging impact ng Santo Papa sa buhay niya.
05:55For me personally, of course, the most memorable will be the time that I presented my credentials to him as the Philippine Ambassador to the Holy See.
06:05And this was in November of 2021. One thing for certain is you really feel that he's such a kindly gentleman, yung tunay na lolo.
06:16That encounter in 2021 was a happy occasion for me personally. It was my first assignment as an Ambassador.
06:25I had my family with me and Pope Francis was very kind and very generous in his time when we were presented to him.
06:35Maging ang ibang staff sa Embassy, sobrang na-appreciate ang pakikipagkamay sa bawat isa sa kanila tuwing may diplomatic function sa Vatican.
06:44Mula rito sa Vatican City, ako po si Vicky Morales para sa GMA Integrated News.
06:49Pasiling abutin ng kalahating oras ang prosesyon mula sa St. Peter's Basilica patungo sa Basilica of St. Mary Major kung saan ililibing si Pope Francis.
07:00Ang sa Vatican, libing ng isang pastol at hindi ng pinuno ng isang bansa ang gagawin bukas para kay Pope Francis.
07:09At sa funeral mass, pagsusunod-sunod rin ang mga dadalong dignitary batay sa protocol.
07:15Una na ang Pangulo ng Argentina, ang nabansang pinagmula ni Pope Francis, susundan ng head of state ng Italia, ng mga member ng mga royal family at iba pang Pangulo.
07:26At kapag i-prinusisyon na ang kabang ng Santo Papa patungo St. Mary Major Basilica, hindi daw ito idadaan sa St. Peter's Square at sa hilip ay dadaan sa Perugino door papasok ng Vatican.
07:38Magiging pribado naman ang mismong paglibing kay Pope Francis.
07:45Sa dimabila ang nanakasalamuhan ni Pope Francis, sa labing dalawang taon niya bilang Santo Papa.
07:51Espesyal ang mga pagkakataong kasama niya ang mga bata.
07:54At laging laman ang kanyang mga mensahe at panalangin ang mga bata.
07:58At hindi niya nalimutan ang mga naiipit sa karahasan, gaya ng mga digmaan.
08:03Ating saksihan!
08:05Minahan ang maraming si Pope Francis, hindi lang dahil sa kung paano niya pinahunahan ang simbahang katolika,
08:16kundi dahil sa mapagkumaba niyang pakikitungo sa mga tao, lalo na sa mga bata.
08:26Binasbasan at hinagkanya ang mga may sakit at may kapansanan.
08:33Hinikaya at nailapit sa kanya ang mga bata.
08:36At sa bawat sandali ay nagpakita siya ng tsaga at pagiging masayahin.
08:41Dinamayan ang mga hinagupit ng unos.
08:46Kahit nagsunit ang panahon sa takloban, bumaba siya mula sa Pope Mobile
08:51para kamustahin at ipagdasal ang mga batang survivor ng Bagyong Yolanda.
08:58May sandaling sumalungat din si Pope Francis sa protokol
09:02at ginulat ang lahat na lumabas siya sa likod ng Manila Cathedral
09:07saka naglakad patungo sa tahanang kumakalinga sa mga street children.
09:11Katuparan daw ito sa hiling mismo ng mga bata na makapiling ang kanilang Lolo Kiko.
09:20Walang sawa rin siyang nakinig sa mga naghihinagpis.
09:23Marami na po ang mga batang pinabayaan ang kanilang mga magulang.
09:27Bakit po pumapayag ang Diyos na may ganitong nangyayari?
09:32Buong puso ang ipinadama ang pagmamalasakit.
09:37Real love is opening yourselves to the love that wants to come to you.
09:41Ya Diyos esimo que es el Diyos.
09:43And we say that God is a God of surprises
09:45because He always loved us first.
09:49At pakikipagkapwa na nasaksihan ng mga mata ng mga bata.
09:53Nagrayaan ko po siya. Tutulong sa kapwa at daro.
09:57Bukod sa paghahayag ng salita ng Diyos,
10:02ilang beses ginamin ni Pope Francis ang kanyang boses
10:05para manawagang itigil ang mga gera at karahasan
10:08bilang pagsaalang-alang din sa kapakanan at kinabukasan ng mga bata.
10:13In nome di Diyo, mi chiedo fermate questo masacro.
10:18Malugod niyang tinanggap ang mga refugee kahit saan siya magpunta,
10:24pati mga migranteng naiipit sa krisis sa iba't ibang bansa.
10:29Di rin ang husga sa mga di naniniwala.
10:31Minsang may 8 anyos na batang dumulog kay Pope Francis,
10:35mapupunta raw ba sa langit ang namayapang ama
10:38na hindi raw mananampalataya sa Diyos.
10:41Sabi ni Pope Francis,
10:43Tanging Diyos ang nagpapa siya kung sino ang mga kapasok sa langit
10:47at may puso ang Diyos para sa isang mabuting ama.
10:50Ang maikling sandaling iyon, pinawi ang pighati sa puso ng bata.
11:08Pero devo dire che stato piuttosto rassicurante, abratsarlo e comunque mia stato di conforto.
11:20Larawan din ang kababaang loob ang paghihinya ng tawag
11:23sa naging papel ng simbahan sa pagpapahirap na naranasan ng mga katutubo,
11:27kabila ang mga bata sa paaralan.
11:30Sa paglisan ni Pope Francis, kasama sa mga iiwan niya,
11:38ang ipinadamang pagmamahal sa bawat nilalang mula sa pinakamusmos.
11:43Ang mensahe niyang ipinalating sa bawat sulok ng mundo,
11:46walang papantay o mas mahalaga sa buhay ng isang bata.
11:52Mga kapuso, maging una sa saksi.
11:55Magsubscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba't ibang balita.
12:00...

Recommended