Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/24/2025
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ibnunyag ng National Security Council sa pagdinig sa Senado ang posibleng pakikialam daw ng China sa election 2025.
00:16Ayon naman sa isang senador, may binayarang kumpanya ang Chinese Embassy para manira o sumuporta sa ilang kandidato.
00:23May unang balita si Mav Gonzalez.
00:25May mga indikasyong nakikialam ang China sa 2025 elections binanggit yan ng National Security Council sa pagdinig ng Senado.
00:55Tukoy na ng konseho pero hindi pinangalanan ang mga kandidatong posibleng tinutulungan o sinisiraan ng China.
01:11May mga natukoy pero hindi rin pinangalanan ang mga Pinoy influencer na nagpapakalat ng Chinese propaganda.
01:17Aligasyon pa nga ni Sen. Francis Tolentino, kinontrata ng Chinese Embassy ang lokal na kumpanyang Infinite Us Marketing Solutions para bumuo ng troll farm.
01:27Binayaran umano ng embahada ang kumpanya ng P930,000 noong 2023.
01:32Nagre-report pa anya ng accomplishments ang Social Army, kabilang ang mga paniniraan niya sa Administrasyong Marcos Jr., pati sa Missile System ng Amerika at pagpuri sa gobyerno ng China.
01:44Siguro, yung mga kababayan natin doon ang naging keyboard warriors.
01:49Hanggang ngayon, ongoing pa ho ito.
01:52Hindi lang ito doon sa Infinitus.
01:55Marami pa ho yan.
01:56Marami pa ho yan.
01:57Isang folder po yung dalako.
02:00Marami pa ho yan.
02:01Hindi lang yan ang akala natin ay yun ang tunay na sentimiento ng mga nagpo-post at nagre-react.
02:09Ay subalit, ito pala nagpapatunay na binayaran.
02:14Binayaran ang People's Republic of China para sirain, hindi lang ang kredibilidad ng isang tao o namumuno kung hindi ng ating bansa.
02:28Very alarming and we are very worried about the implications to Philippine National Security.
02:34I-imbestigahan na rin ito ng National Bureau of Investigation.
02:38Kinukunan pa namin ng tugon dito ang Chinese Embassy at ang kumpanyang Infinite Us.
02:42Ayon naman kay Comelec Chairman George Garcia, meron nga silang natanggap na impormasyon ukol sa foreign interference o pakikialam ng ibang bansa sa election 2025.
02:53Galing po ito sa intelligence community.
02:55Halos sa isang buwan pa lamang na nagsisimula.
02:57Kaya kung napansin nyo rin po, isang buwan pa lang din yung mga pag-atake lalo na po sa Comelec, lalo po sa ginagawa nating proseso.
03:04Tinitiyak naman ang Comelec na walang mangyayaring dayaan sa darating na eleksyon.
03:08Ito ang unang balita. Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.

Recommended