Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/24/2025
DepEd, maglulunsad ng apat na Summer Learning Programs na layong tugunan ang problema sa learning gaps ng bansa

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Para mapaiting pa ang pagtugon sa problema ng learning gap ng bansa, Department of Education nakatakdang maglunsad ng apat na summer learning programs.
00:09Kung ano-ano ang mga yan, alamin sa sentro ng balita ni Kenneth Paciente.
00:15Time out muna ang mga estudyante sa eskwelahan ngayong school break.
00:19Pero ang DepEd, may mga programang inilatag para sa mga estudyante na nais mapabuti pa ang kanilang kaalaman ngayong summer vacation.
00:28Yan ay sa pamamagitan ng iba't ibang summer programs ng kagawaran na naglalayong palakasin pa ang foundational skills ng mga mag-aaral.
00:35Sa naturang programa, ilulunsad ng DepEd ang bawat bata makabasa program para sa reading proficiency ng mga estudyante na sa grades 1 hanggang 3 sa Region 9.
00:45Kasama rin dito ang Nutrition at Vision Screening, gayon din ang pagpapabuti pa ng kakayahan ng mga gro.
00:50Ipatutupad naman ang remediation program sa grade 3 learners na kabilang sa may mababang grado sa Comprehensive Rapid Literacy Assessment.
00:59Aarangkada ito sa lahat ng rehyon maliban sa Region 9, sa ilang dibisyon ng Regions 6 at 7 at sampung eskwelahan na kabilang sa 2025 Learning Camp.
01:08Isa sa gawa naman ang Summer Academic Remedial Program para sa grades 4 hanggang 12 na bumagsak sa isa hanggang dalawang subject sa nakaraang school year.
01:16Inatasan din ang Regional Offices na patuloy na ipatupad ang kanilang Regional Remediation Programs para sa pagbasa at mathematics para sa grades 4 hanggang 12.
01:26Habang ipatutupad pa rin ng DepEd ang Learning Camp sa loob ng apat na linggo sa mga lugar kung saan ipinatupad ang pilot implementation ng matatag curriculum.
01:34Giit ng DepEd, hakbang lamang ito para mas mapataas pa ang antas ng kaalaman at kakayahan ng mga estudyante, batay na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:44Tiniyak naman ang DepEd na mabibigyan ng insentibo ang mga guro na makikilahok sa summer programs, kabilang na riyan ang vacation service credits at professional recognition.
01:55Pagkilala raw ito ng kagawaran sa dedikasyon ng mga guro na handang ibahagi ang kanilang kahusayan ngayong summer break.
02:02Kenneth, Pasyente. Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.

Recommended