Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Magkakasamang magsasanay ang Pilipinas, Amerika at Japan ngayong araw bilang bahagi ng Balikatan Joint Military Exercises.
00:08Gamit nila rito ang halos lahat ng assets ng Armed Forces of the Philippines at mga ipinadalang gamit ng ibang bansa.
00:15Mayunang balitas, Chino Gaston.
00:20Maglalayag ang mga bargon ng US Navy, Pilipinas, Japan Self-Defense Force at US Coast Guard bilang bahagi ng Balikatan Joint Military Exercises.
00:30Kasama rin sa Multilateral Maritime Event o MME, ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard, BRP Ramon Alcaraz at Apolinaryo Mabini ng Philippine Navy.
00:39Kabilang sa pagsasanayan ang cross-deck operations o ang paglapag ng mga helicopter ng mga kaalyadong bansa sa landing deck ng mga barko ng Pilipinas.
00:48Susundan ito ng live fire gunnery exercises sa dagat kung saan isang floating target ang pupuntiryahin.
00:54Isa sa mga huling pagsasanay ang pagkakarga ng langis o pag-refuel ng mga barko habang naglalayag.
01:02Magsasanay rin sa search and rescue senaryo bilang paghahanda sa pagsagip ng mga crew sakaling may lumubog na barko.
01:09Full battle testing ang tema ng Balikatan ngayong taon gamit ang halos lahat ng military assets ng AFP at mga ipinadalang kagamitan ng US kagaya ng Nemesis, Anti-Ship at Typhoon Medium Range Capability Missile System.
01:22Isa rin sa mga pakay ng Balikatan Joint Military Exercises ang palakasin ang kakayahan ng Pilipinas na indepensa ang sarili nitong teritoryo at ang mga US equipment na dumaraan o mananatili dito ay tanda na hindi lamang hanggang salita ang supportang ibibigay ng mga kaalyadong bansa sa Pilipinas.
01:41Ito ang unang balita, Chino Gaston, para sa GMA Integrated News.
01:46Gusto mo bang mauna sa mga balita? Magsubscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.

Recommended