Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Panayam kay Spokeperson Captain Noemie Guirao-Cayabyab ng Philippine Coast Guard ukol sa tumaob na barko sa Occidental Mindoro

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Update sa tumaob na barko sa Occidental Mendoro, ating tatalakayin kasama ang bagong tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, Captain Noymi Giraw Kayab-Yab.
00:10Captain Kayab-Yab, magandang tanghali po at congratulations po muli sa inyong bagong appointment.
00:15Maraming salamat po, sir.
00:17Ma'am, una po, ano po ang masasabi ninyo sa inyong bagong role at appointment sa PCG bilang kauna-unahang female spokesperson po ng Philippine Coast Guard?
00:27Maraming salamat po sa katanungan. Sa una po, nagpapasalamat po ako sa pamunuan ng Philippine Coast Guard, particularly po kay Admiral Ron Gilgavan, ang aming commandant,
00:36na binigyan po ako ng pagkakataon na magbigay po ng magandang balita at makuha po isang napahalagang trabaho sa Philippine Coast Guard, ang maging boses para sa ating publiko.
00:47So, ngayon po ay isa po tayong instrumento po sa pabibigay po ng tamang informasyon.
00:54Kasi ngayon po, ating pinagdalaban ang pagbibigay po ng tamang informasyon o pag-iwas po doon sa lagana na fake information and disinformation po.
01:03So, tayo po ay tutulong sa government po na matungunan po ang siyasabi nating fake news and disinformation po.
01:10Ma'am, ano sa tingin nyo yung mga hamon na kahaharapin nyo bilang babae sa isang male-dominated institution?
01:17Well, sir, ako po ang kauna-una, ang batch po namin ng unang female recruit ng Philippine Coast Guard.
01:23So, nung pagpasok po ng 2002, nakita na po namin yung hamon sa isang male-dominated na ahensya.
01:31I think, ma'am, sa ngayon po, ang nakikita ko lang pong hamon ay ang pagpapatunay po ng aming kakayanan sa ahensya po.
01:38Pero sa Philippine Coast Guard naman po, sir, ay efektibo po ang ginagawa po ng Philippine Coast Guard na pagkakaroon po ng gender equity.
01:45So, malagana po or malawak po ang aming organisasyon sa pagbibigay po ng gender empowerment at inclusivity po sa aming Philippine Coast Guard.
01:57So, ngayon po, ang aming mga babae ay hindi lamang po ordinaryong membro.
02:01So, sila po ay leader, sila po ay piloto, sila po ay kapitan ng mga barko, divers, and even frontliners po.
02:07So, ngayon po ay ating po sinusuportahan yung mga programa po at mga polisya ng ating organisasyon, ng ating ahensya para po matugunan at bigyan po ng continuity yung mga naibalabas po nating mga polisya po.
02:21Paano nyo naman po pinanghahawakan ng inyong posisyon bilang isang role model sa mga kababaihan po na nais pumasok sa servisyo?
02:29Maraming salamat po. So, ang role model ay medyo mabigat po na salita.
02:34So, hindi po tayo perfecto pero gagawin po natin ang lahat na magkaroon po ng kakayahan, dignidad, at integridad po sa pagbigay po ng tamang informasyon po.
02:44So, naway ang aking posisyon ngayon ay magsilbing inspirasyon po sa ating mga kabataan, lalo na sa ating mga kababaihan,
02:52na meron palang maidududod na maibigay natin yung boses natin, makapagbigay po ng tamang informasyon at balita po.
02:59Sa tingin nyo, ma'am, magbabago na ba yung pananaw ng publiko sa role ng kababaihan sa uniformed service ngayong makikita na kayo bilang tagapagsalita sa Coast Guard?
03:09Pero, incidentally, ang AFP, ang tagapagsalita rin, ay babae, pati na rin ang Philippine National Police.
03:16So, mag-iiba kaya yung pananaw sa uniformed service ngayong mga babae, yung mga tagapagsalita?
03:21Well, I think, sir, years ago po, marami na rin pong nire-recruit ang ating iba't ibang ahensya.
03:29So, nabanggit nyo nga po ang AFP, PNP, and Philippine Coast Guard.
03:32Kasi po sa Philippine Coast Guard, if you would know, sir, meron po kami yung angels of the sea.
03:42So, ito po yung mga babae, yung deploy po namin sa mga barko.
03:45So, as again, as a spokesperson of the Philippine Coast Guard, I think, magiging pareho lang din po, sir.
03:51Ang mangyayari lang po ay lalo po po namin pagbubutihin ang aming mga trabaho,
03:56i-mimintayin po atin ang aming integridad at dekalidad po sa pagbibigay po ng informasyon po.
04:01Sa ibang usapin naman po, may update na po ba sa naging dahilan ng pagtaob ng MV Hong High 16 sa Occidental Mindoro?
04:09At kamusta na po ang mga nakaligdas sa ngayon?
04:12Yes. So, ngayon po, ayon po sa commander po ng Coast Guard District, Sauron, Tagalog,
04:16ay ongoing pa po ang underwater assessment and monitoring.
04:20So, ngayon po ay siyang pa rin po ang naitala po natin na casualty.
04:23Dalawa pa rin po ang reported po na missing.
04:26Ong-going pa rin din po ang ginagawa po ang investigasyon ng ating maritime casualty investigation.
04:32At sa huli po ang report na natanggap ko po kanina umaga,
04:35ay na-infohan na po o na-abisohan na rin po ang may-ari po ng barko.
04:39At nakikipagtulungan na rin naman po sila sa nakuha po nilang salvware company po.
04:44Ilan po uli, ma'am, yung missing pa? At kamusta yung paghanap sa kanila?
04:48So, dalawa pa rin po ang naitala po natin.
04:51Again po, yung identification po ay hindi pa rin po namin mailabas ngayon.
04:54Dahil kami po ay nag-iintay pa rin po sa pag-determine po ng next of king po
04:58ng ating mga naitalang missing and casualties po.
05:02Pam, nabanggit niyo po yung nga pong nakipag-ugnayan na yung may-ari po ng tumaob na barko.
05:07May update pa po ba doon bukod sa pakikipag-ugnayan po nila?
05:11Ngayon po, ma'am, I believe, nagaantin na lang po kami ng salvage plan and other documents po
05:15para mabigyan po ng kaulang permit po para makapag-proceed na po sila sa kanilang operasyon.
05:20May pananagutan po ba sila dito sa pangyayari po?
05:24Gumugulong na po ang ating investigasyon.
05:26But I believe mo, nakikita ko po na since meron po tayong casualty na i-report po,
05:31ito meron po ang responsibility and liability.
05:33But then again, the investigation is still ongoing.
05:36We don't want to pre-empt the investigation.
05:39So, yun po ang nakikita po namin.
05:40Doon naman po sa environment, sa surrounding area,
05:45meron po ba tayong nakita ang oil spill or cause for concern in terms of environmental damage?
05:53Maganda lang pong balita.
05:54Dahil day one pa lang po ng ating incident,
05:56nung nai-report po yun,
05:57ay naglagay na po tayo ng oil spill boom.
05:59So, iniwaso na po talaga natin
06:01if ever magkaroon man ng oil spill or oil sheen.
06:04So, as of the moment, sir,
06:06wala po tayong naitalang oil spill report
06:09doon po sa paligid po ng barko.
06:11At patuloy naman po ang pagpapatrol yan ng ating mga kasama
06:13doon sa paligid po ng barko.
06:17Insahin niyo na lang po ma'am sa mga nanonood po sa atin ngayon.
06:20Okay.
06:20So, sa mga manonood po natin,
06:21sa direktiba po ng ating Pangulo
06:23at sa padnubay po ng Secretary of Transportation,
06:26sa Secretary D.
06:27So, kami po sa Philippine Coast Guard
06:29ay patuloy pong susuporta sa gobyerno po
06:32upang matugunan po at ma-perform po namin
06:34ng aming mandate
06:35na maritime safety, maritime security,
06:37law enforcement, and marine environmental protection.
06:39So, kami po ay nanawagan po sa lahat
06:41na makipagtulungan po
06:42at tulungan niyo po kami
06:43na magawa po namin ng aming mga mandato.
06:46Alright. Maraming salamat po sa inyong oras.
06:49Captain Noy Migirao Kayab-Yab,
06:51ang tagapagsalita ng Philippine Coast Guard.
06:54Maraming salamat po.
06:55Thank you, ma'am.

Recommended