Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Aabot sa 200 bahay ang nasunog sa port area sa Maynila.
00:05Sa gitna po ng sunog, may hinuli pang isang lalaki dahil daw sa pananalisi.
00:11Balitang hatid ni Jomer Apresto.
00:16Ganito kalaking apoy ang inabutan ng mga bombero sa bahaging ito ng port area sa Maynila
00:21pasado alas 12 ng hating gabi kanina.
00:23Dahil pawang gawa sa light material sa mga bahay,
00:25ay mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa inakyat ito sa Task Force Alpha.
00:31Hindi bababa sa 25 truck ang kailangang rumisponde.
00:34Karamihan sa mga residenteng nasunugan, wala halos na isalbang gamit.
00:38Tulad ng 45 years old na si Riza na natutulog na noong mga oras na magsimula ang sunog.
00:44Kwento niya, wala silang supply ng kuryente mula pa alas 2 ng hapon kahapon.
00:49Kababalik lang daw ng kuryente nila ilang minuto bago nagsimula ang sunog.
00:54Tapos bigla-bigla na lang po na nagsigawan na sila na may sunog na daw.
00:59Kaya ni gamit, wala po kaming naisalbang gamit.
01:03Sobra po, bigla-bigla lang po.
01:04Paglabas po, grabe na yung init.
01:06Kaya takbuhan kami.
01:08Kasama niyang lumikas ang ilang kaanak na pansamantalang tumutuloy sa kanyang bahay
01:12at papunta na ng Saudi Arabia sa katapusan ng Abril.
01:16Mabuti na lang daw at hindi na damay sa sunog ang kanilang mahalagang dokumento.
01:20Ang 18-year-old naman na sila Lane, nakatambay sa kanto ng sumiklabang apoy.
01:25Yung tabi-tabi ng bahay, doon daw nagsimula yung sunog tapos lumaki.
01:30Habang ang karamihan ay abala sa paglikas,
01:32ang lalaking ito naman sumasali si Rao sa mga bahay na walang tao
01:36ayon sa mga pulis na humuli sa kanya.
01:39Umulong lang po.
01:40May ilang residente rin umano ang binasag pa ang windshield ng firetruck na ito
01:45sa hindi pa malamang dahilan.
01:47Ayon sa Bureau of Fire Protection,
01:49naging pahirapan ang pag-apola sa sunog
01:51dahil sa mabababang kable na nakahambalang sa lugar.
01:55Gayun din ang kakulangan ng supply ng tubig
01:57kahit pamaraming bumbero ang rumesponde sa lugar.
02:00Ang ilang bumbero, kumuha ng supply ng tubig mula sa mga tubo sa lugar.
02:04Sa pagtaya ng BFP, aabot sa 200 bahay ang natupok ng apoy.
02:09Ang hirap po na i-control yung mga tao.
02:11At the same time, yung mga allies po natin,
02:14yung daanan po ng mga hosts is sobrang sisikip din po.
02:16300 families po unaffected, more or less 1,000 individuals din po.
02:20Wala namang napaulat na nasaktan o namatay sa sunog.
02:24Patuloy na inaalam kung magkano ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian
02:27at kung ano ang sanhi ng apoy.
02:30Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:39Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended