Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00POP FRANCIS
00:01POP FRANCIS
00:03Kasunod po ng pagpanaw ni Pope Francis,
00:09magsasagawa ng conclave o pagboto ng mga kardinal ng Simbahang Katolika
00:13para pumili ng susunod na Santo Papa.
00:16Ang libing naman ni Pope Francis magiging simple lamang daw,
00:19base na rin sa kanyang bilin.
00:21Balitang hatid ni Mark Salazar.
00:23Tumatak sa mga Katoliko ang mga katangian ni Pope Francis na mapagkumbaba at progresibo.
00:34Ang kanyang payak na pamumuhay at pananaw,
00:36masisilayan maging sa kanyang burol at libing.
00:40Noong isang taon kasi, binago ni Pope Francis ang papal funeral rites.
00:44Kung karamihan sa mga naon ng Santo Papa nakalibing sa St. Peter's Basilica sa Vatican,
00:49si Pope Francis piniling mahimlay sa Basilica of St. Mary Major sa Roma.
00:55Para mapalapit sa paborito niyang icon ng Birhing Maria, ang Madonna.
00:59Isa ito sa apat na major papal basilica o pinakamataas sa ranggo ng mga simbahan sa Katolisismo.
01:06Siya ang magiging unang Santo Papa ang ililibing sa labas ng Vatican.
01:10Matapos ang mahigit isang siglo,
01:12hiniling din niyang malagak sa isang simpleng kabaong na gawa sa kahoy,
01:16hindi gaya sa mga nauna sa kanya na inilagay sa tatlong layer ng kabaong na gawa sa cypress at oak.
01:22Ayaw rin niyang i-display sa St. Peter's Basilica ang kanyang mga labi.
01:26Wala pang anunsyo ng petsa ng libing na karaniway apat hanggang anim na araw pagkamatay ng Santo Papa.
01:33Labing lima hanggang dalawampung araw mula sa pagpanaw sisimulan ang proseso ng conclave.
01:38Dito magtitipon-tipon ang mga cardinal sa Sistine Chapel at hindi makakalabas para pagbutohan kung sino sa kanila ang hahaliling Santo Papa.
01:47Lahat ng mga cardinal na wala pang edad 80 maaaring bumoto sa pamamagitan ng secret ballot.
01:53Kailangang makamit ang botong hindi bababa sa two-thirds plus one.
01:57Sa dalawang nagdaang conclave, inabot ng dalawang araw ang butuhan.
02:02Sinusunog ang mga paper ballot kada voting round.
02:04Kung walang nailukluk, itim na usok ang lalabas sa chimney ng Sistine Chapel.
02:09At kung meron na, lalabas ang usok na puti at pormal nang ipoproklama ang
02:14Abengus Papa.
02:18Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:34Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.