Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00To be continued...
00:30At progresibo.
00:32Ang kanyang payak na pamumuhay at pananaw masisilayan maging sa kanyang burol at libing.
00:38Noong isang taon kasi, binago ni Pope Francis ang papal funeral rites.
00:43Kung karamihan sa mga naon ng Santo Papa nakalibing sa St. Peter's Basilica sa Vatican,
00:48si Pope Francis piniling mahimlay sa Basilica of St. Mary Major sa Roma.
00:53Para mapalapit sa paborito niyang icon ng Birhing Maria, ang Madonna.
00:57Isa ito sa apat na Major Papal Basilica o pinakamataas sa ranggo ng mga simbahan sa Katolisismo.
01:04Siya ang magiging unang Santo Papa ang ililibing sa labas ng Vatican.
01:08Matapos ang mahigit isang siglo, hiniling din niyang malagak sa isang simpleng kabaong na gawa sa kahoy,
01:15hindi gaya sa mga nauna sa kanya na inilagay sa tatlong layer ng kabaong na gawa sa cypress at oak.
01:20Ayaw rin niyang i-display sa St. Peter's Basilica ang kanyang mga labi.
01:25Wala pang anunsyo ng pecha ng libing na karaniway apat hanggang anim na araw pagkamatay ng Santo Papa.
01:31Labing lima hanggang dalawampung araw mula sa pagpanaw sisimulan ang proseso ng conclave.
01:36Dito magtitipon-tipon ang mga cardinal sa Sistine Chapel at hindi makakalabas para pagbutohan kung sino sa kanila ang hahaliling Santo Papa.
01:45Lahat ng mga cardinal na wala pang edad walumpu maaaring bumoto sa pamamagitan ng secret ballot.
01:51Kailangang makamit ang botong hindi bababa sa two-thirds plus one.
01:56Sa dalawang nagdaang conclave, inabot ng dalawang araw ang butohan.
02:00Sinusunog ang mga paper ballot kada voting round.
02:03Kung walang nailukluk, itim na usok ang lalabas sa chimney ng Sistine Chapel.
02:08At kung meron na, lalabas ang usok na puti at pormal nang ipoproklama ang
02:13Ito ang unang balita, Mark Salazar para sa GMA Integrated News.

Recommended