Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5 days ago
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00IAN CRUZ
00:30Emil, ngayong araw nga yung isa sa itinuturing na peak day pagdating sa dami na mga pasaherong dumaraan dito sa NIA tuwing nga Semana Santa at Emil.
00:40Sa kamila nga nung paghigpit na ginagawa dito isang negosyanteng Pinoy na pa-Singapore ang nahulihan ng baril dito sa NIA Terminal 3.
00:48Sabay sa walang pati nandating ng mga pasahero sa Nila Aquino International Airport, ang walang tigil ding pag-iikot ng mga otoridad para tiyakin ang seguridad.
01:00Marami mga pasahero, walang matindihang pila sa check-in counters, pati sa immigration area na mas mabilis na raw dumaan ngayon ay sa Manila International Airport Authority.
01:10Especially now, na fully manned ang immigration counters through the efforts ni DOTR, NNIC, and MIAA, and Bureau of Immigration, so dapat wala kayong masyadong pila.
01:23Like queuing ma na matatawag, payo ng MIAA, kumating pa rin ang maaga sa airport, tatlong oras para sa may mga domestic flights, at apat na oras sa international flights.
01:34Bayaran na rin ang travel tax online sa mga pa-abroad.
01:38Bula Palm Sunday hanggang Holy Tuesday, mahigit 433,000 na pasahero na ang dumaan sa apat na terminal ng NIA.
01:46Kabilang dyan ang mahigit 68,000 na pasahero sa international at 71,000 sa domestic na naitala kahapon lang.
01:54Mas mataas ito ng 9.56% sa mahigit 128,000 na dumaan sa NIA noong nakaraang Martes Santo.
02:03Ang actually peak travel dates namin for Holy Week would be Palm Sunday, Holy Wednesday, and Easter Sunday.
02:12Yun yung projected. Kasi may mga nauna na, nag-file na nag-leave for three days, so Palm Sunday sila umalis.
02:19And for those na hindi nakagawa nun, Holy Wednesday sila mag-aalisan talaga.
02:23Ang pamilya Aquino, biyahing Queen City of the South ngayong Semana Santa dahil sa demosyo nila sa Santo Niño.
02:30Kasi panata namin magpunta ng Cebu sa Santo Niño, so ngayon yung mahaba yung bakasyon.
02:37Singapore naman ang destinasyon ng 6 na miyembro ng pamilya Aguilar para sa kanilang Semana Santa break.
02:44As a bonding for all of us, also kasi birthday ni Juana today, so it's like sinabay na celebration.
02:51Sa OFW lounge naman tumambay, ang ilang OFW na paalis at kadarating lang sa bansa, tulad ni Jazel na patungong Malta.
03:02Malungkot at the same time na makakatulong kami sa pamilya po namin kaya umalis po kami.
03:09At yung Teodora Sanchez na galing Singapore.
03:14Sa tagal nang hindi ako muuwi, parang ito gusto ko rin maranasan yung Semana.
03:20Matagal na kasi, taga Ilocos kasi ako. Ilocos or?
03:24Sa dami ng pasayero sa paliparan, may mga nagsabi sa GMI Integrated News na may ilang bahagi ng paliparan ang ramdamang init.
03:33Samantala, isang negosyanteng Pinoy naman ang nahulihan ng kalibre 40 baril na may dalawang magazine na may 22 bala
03:40sa final check ng Naiya Terminal 3 pagdatanghali kanina.
03:45Nakalagay sa hand-carry na backpack ang baril na dumaan sa scanner kaya inalerto ng OTS personnel ang mga polis.
03:53Hindi na siya nakatuloy sa biyahe pa Singapore.
03:55Wala rin ay pakitang dokumento ang negosyante na ipagaharap ng reklamong paglabag sa pagdadala ng baril at bala.
04:02Pati na sa paglabag sa Comelec gun van.
04:05Nung tinatanong siya, laruan daw niya ito sa kanyang farm.
04:11Parang hindi natin masabi na nalimutan niya kasi pag ikaw, pasahero, bago ka magligpit o mag-impake ng bag mo,
04:19imposible naman na hindi mo makita. Firearm yun eh.
04:22Bukod dyan, umabot na sa limang balang na sabat ng TNT Aviation Security Group galing sa ilang pasahero mula noong Palm Sunday.
04:30Kung mababang piraso lang naman at pag na-profile natin hindi naman dangerous at hindi banta sa siguridad,
04:38yung ating kababayan na may dala nito, kinukonfiscate lang po natin at hinahayaan na makabiyahe.
04:44Emil, bukas, Huebesanto, inasahang marami pa rin ang babiyahe patungo ng probinsya at maging patungo ng ibang bansa ngayon ng Semana Santa.
04:57Pero nagpapaalala pa rin yung mga otoridad sa lahat ng babiyahe na kung may dala silang powerbank,
05:02ipakita po yan sa mga check-in counters ng inyong mga airline para malaman kung maaari bang ipasok yung nasabing mga powerbank bilang bahagi ng inyong hand carry
05:11para maiwasan ang anumang abiyahe.
05:14Yan muna ang latest mula rin ito sa NAIA. Balik sa'yo, Emil.
05:17Maraming salamat, Ian Cruz.
05:19Bumigat sa ilang punto ang dalaw ng trapiko, paakyat ng Baguio ngayong Merkoles Santo.
05:26Pero sulit naman dahil sa preskong klima roon at mga pagkakataong pa rin mamanata.
05:33Kamustahin natin ang latest doon sa live na pagtutok ni Ma'am Gonzalez. Ma'am?
05:41Bel, sa mga motorista natin, mabibilang mo pa sa kamay ngayon ang dumadaan dito sa Cannon Road, paakyat ng Baguio.
05:47Sa ngayon ay mas marami pa yung pababa dito sa Cannon Road.
05:50Samantala, meron naman nga mga nauna na na magdasal sa Lourdes Grotto ngayong Merkoles Santo.
05:59Kung tagaktak ang pawis ng marami sa bansa dahil sa damang init na umaabot ng danger level,
06:05ibahin nyo rito sa Baguio na nabalot pa ng fog kaninang umaga.
06:08Bumaba pa sa 18 degrees Celsius ang temperatura dito sa isang punto.
06:12Kaya naman, kering magpapawis kahit paakyatin ang matarik na Lourdes Grotto.
06:16So, tamang-tama sa Semana Santa.
06:19It's very miraculous for us.
06:20So, every year we go here.
06:22Not naman every year, but we go here to pray and to give thanks na rin.
06:26Ba't ko kayo Wednesday, inaisipan nyo na kumakyan?
06:29Para less crowd, mas solemn in a way.
06:33252 steps ito, paakyat ng Lourdes Grotto.
06:35Medyo mahirap siya physically tasking,
06:38pero kasama raw kasi yun para parte na ng pamamanata.
06:42May stations of the cross din paakyat.
06:48At sa taas, pwedeng magdasal at magsindi ng kandila.
06:51Yung pinunta talaga namin dito, yung anak kong may sakit.
06:55Para gumaling naman siya.
06:57Ang daming tao, pag anong mahirap, traffic.
07:00Si Najayby unang beses sa Baguio, kaya sumama sa Joyner Tour Group.
07:04Sa Manila, sobrang mainit na yung simoy ng hangin.
07:08Unlike dito sa Baguio na, malamig pa rin talaga.
07:11Sakto lang din kasi, mahal na araw na eh.
07:13So, yung vacation sa Manila, di dito mo na lang din gawin.
07:18Bukas ang Lourdes Grotto mula alas 6 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi.
07:22Samantala, mahigit sa'n libong tauhan ng Baguio City Police
07:25ang nakadeploy ngayong Holy Week.
07:27May mga polis na nagtatrafik
07:28at may lakbay-alalay assistance desk sa iba't-ibang lugar.
07:32Kaninang umaga, moderate to heavy na ang traffic sa Marcos Highway,
07:36paakit ng Baguio.
07:37Ang lagay ng trapiko, makikita sa BCPO View Baguio app
07:40na pwedeng i-download sa inyong smartphone.
07:43May at mayari ng paalala laban sa accommodation scam.
07:49Mel, paalala naman sa mga magdadala ng sasakyan.
07:52Efektibo pa rin po ang number coding sa Baguio City kahit holiday.
07:56Mula alas 7 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.
07:58Hindi po exempted dyan ang mga turista. Mel?
08:00Hmm. Maraming salamat sa iyo, Mav Gonzalez.
08:05Maagang bumigat ang daloy ng trapiko sa North Luzon Express Way
08:08kaya nagpa-counterflow na sa bahagi ng southbound lane nito.
08:13Pero pati sa lane na yan, e dumarami na rin ang sasakyan.
08:16Silipin po natin ang sitwasyon ng trapiko roon sa live na pagtutok
08:19ng Rafi Tima.
08:21Rafi.
08:21Vicky, nabawasan na malaki yung volume ng mga sasakyan dito sa papasok sa NLEX
08:29sa mga oras na ito.
08:30Maiksina yung pila ng mga sasakyan dito sa may balintawak ka Toll Plaza.
08:34Pero ayon nga sa pamunahan ng NLEX, maagang dumagsa yung mga motorista dito sa NLEX
08:38kaya kahapon pa lang ay nakaranas na sila ng matinding traffic.
08:42Sa drone video ito, alas 3 ng hapon kanina, kitang mabagal na ang daloy ng mga sasakyan
08:50sa northbound lane ng NLEX pag lagpas pa lang ng balintawak Toll Plaza.
08:55Kadalasan, ang ganitong dami ng mga sasakyan, nararanasan lang daw nila kapag Huwebes Santo.
09:00First Holy Week na Tuesday pa lang, marami nang bumiyahe.
09:04Actually, kahapon, around 5 to 11, talagang tuloy-tuloy na mataas po yung volume natin.
09:12And also, first time na Holy Wednesday na morning pa lang, mataas na yung ating volume.
09:20Alaunay-medya pa lang ng hapon ay nagpatupad na ang NLEX ng counterflow.
09:23Kinuha muna ang isang southbound lane simula sa Balintawak hanggang sa Marilao
09:27at pinadaan ng mga papuntang norte.
09:29May counterflow na rin mula sa San Fernando hanggang dao sa Pampanga.
09:33Pero hindi lang northbound lane ang matraffic ngayong Mercode Santo.
09:37Marami din po yung pa-southbound natin kaya gagawin na lang namin
09:41pagka talagang sobrang dami na yung pa-southbound,
09:43ititigil muna namin yung counterflow para lang ma-ease up yung traffic natin ng southbound.
09:50Posibleng nakapektoan nila sa maagang traffic sa NLEX
09:53ang half-day work from home ng mga kawanin ng gobyerno ngayong araw.
09:56Pero posibleng natutunan nila ang mga motorista sa mga nakarang mahal na araw.
10:00Taong-taong na yung nararanasan nilang sobrang bagal yung daloy ng traffic natin
10:07dahil sa volume mula po hapon ng Merkulis hanggang halos tuloy-tuloy yun eh
10:13dahil madaling araw pa lang po ng Webes hanggang hapon ng Webes talagang ganun po yung sitwasyon po natin.
10:18So maaaring yung ating mga kababayan ay inagapan na po nila yung pagbiyahe nila.
10:24Sa ngayon, dalawang minor accident ka rin ng madaling araw pa lang ang naitala at walang matindi.
10:28At dahil marami pa rin daw ang gumagamit ng cash payment,
10:31ginawa na nilang apat na lanes ang para sa mga magbabayad ng cash.
10:38Vicky na bawasan man yung pila dito sa Balintawag Tall Plus ay nakakaranas pa rin daw ng matinding traffic
10:43o mabagal na daloy ng trafico.
10:45Itong NLEX dahil kanina ay pansamantalang itinigil muna yung counterflow mula dito sa Balintawag hanggang sa Marilaw
10:51dahil sumisikip naman yung daloy ng mga sasakyan sa southbound lane o yung mga patungo dito sa Metro Manila.
10:58At yan pa rin ang latest mula dito sa Balintawag. Vicky?
11:01Maraming salamat sa iyo, Rafi Tima.
11:07Hands on deck ang cast ng upcoming Afternoon Prime series na akusada sa pagsisimula ng taping ng kanilang proyekto
11:13at nag-workshop pang ang mga bidat bilang paghahanda.
11:17Makichika kay Lars Santiago.
11:18Nakadalawang araw na ng taping ang bagong Jemay series na akusada na pinangungunahan ni na Andrea Torres, Benjamin Alves at Lian Valentin.
11:34Bago mag-taping, nagkaroon muna sila ng workshop kasama si Anna Fileo.
11:40Nakasama nila rito si na Mark Comasa, Ashley Sarmiento at Jennifer Maravilla.
11:46Ngayon na nag-workshop kami, parang mas nagiging tao sa akin yung karakter ko.
11:50Kasi parang ang goal mo lang naman talaga is to be a storyteller.
11:53Na maging itong taong to makarelate yung mga tao.
11:56Every layer na nalalaman ko to ko sa kanya, lalo ko na in love sa kanya.
12:00Sa karakter ko, mas naiintindihan ko kung saan siya nang gagaling,
12:04bakit siya may ganong galit or bakit siya may ganong hinanakit sa heart niya.
12:09Parang cool lang po po yung workshop today kasi nga po ang dami po niyang itatalon sa story.
12:16Si na Ashley, Marco at Jennifer naman nagpapasalamat na makakasama si na Andrea, Benjamin at Lian na tinitinga laraw nila dahil sa husay sa pag-arte.
12:30I felt more comfortable na feeling ko po mas matutulungan po nila ako sa pag-arte ko.
12:36I really feel that they're really open to collab, to cooperate, you know, to share some thoughts about the scenes.
12:43And I feel like marami, marami pa ako matututunan sa kanila.
12:46Sobrang excited ako kasi lalo na si Andrea, isa rin po siya talaga sa mga nililookap ko ng mga kapuso actresses.
12:53So sobrang bily po ako sa mga nagampanan niyang role from the past.
12:58And syempre, of course, nandiyan din sila Benjamin at si Lian.
13:01Ayan, matuto po sa kanila.
13:02War Santiago, updated sa Showbiz Happening.
13:16Inaasak ang mahigit 10,000 turista kada araw ang dadagsas sa Boracay ngayong Semana Santa.
13:24Kaya ang seguridad sa mga pantalan at sa mismong isla, lalo pang hinigpitan.
13:29Ang latest sa sitwasyon doon sa live na pagtutok, i-John Salah ng GMA Regional TV.
13:36John?
13:40Mel, kabilang sa mga dinaragsa dito sa isa ng Boracay, ang iba't ibang mga beach at water activities.
13:47Kahit ng iba ay ipagbabawal muna sa gabi ng Bierne Santo.
13:51Sabay sa pamamanatang pagkakataon din ang marami na makapagpahinga tuwing Semana Santa.
14:00Dagsang maaganyan sa isa ng Boracay kabilang ng mag-asawang Jojo at Yvonne Bakaling na mula sa Antike.
14:06Pili namin dito na mag-bakasyon sa Boracay kasi yung lugar is maaliwalas.
14:13Sabay yung mga turista, dagsarito.
14:18Mag-picture of course, family bonding.
14:22Si JC naman na galing pa sa Davao. Goal na matry ang water activities sa isla.
14:27Para sailing so far at scuba, yun maganda.
14:31Yes po, napaka-enjoy po. Kaya two times na lamang.
14:34First-timers naman sa isla ang grupong ito na gusto rin mag-relax.
14:38Sarigo ay yung hangin at maganda po yung dagat.
14:41Sa kabila ng mga aktibidad, hindi pa rin nalilimutan ang Semana Santa sa isla.
14:46Kaya bawal ang mga party o anumang pag-iingay at malalakas na musika simula alas 6 ng umaga ng Bierne Santo hanggang alas 6 ng umaga ng Sabado de Gloria.
14:55May gitsampung libo ang average daily tourist arrivals na inaasahan ngayong Semana Santa sa isla.
15:00Mas mataas na itala noong nakarang taon na umabot sa 8 hanggang 9,000.
15:05Aasahang madadagdagan pa ang mga turista sa susunod pang mga araw, kaya nakahanda na ang siguridad sa Katiklan at Kagban Jetty Ports.
15:13May mga nakabantay rin sa iba pang matataong lugar sa isla, lalo na sa beachfront.
15:17To ensure public safety po and peace and order, we've deployed more than 200 PNP personnel po para po masigurado natin na ang ating mga turista ay maging safe and secure at the same time makapag-nilay-nilay din po during this whole week.
15:33Mel, ngayong gabi nga ay mas maraming mga turistang piniling tumambay dito sa beachfront area ng Buracay.
15:45Ayon naman sa Malay PNP ay magsasagawa sila ng inspeksyon sa mga bar at mga establishments sa Friday upang masiguro na sinusunod ang memorandum order ng LGU.
15:56Yan ang latest dito sa isa ng Buracay. Balik sa inyo.
15:59Maraming salamat sa iyo, John Sala ng GMA Regional TV.
16:03Hindi siksikan kundi matinding init at traffic ang nagpahirap sa mga pasaherong nasa Manila Northport Passenger Terminal.
16:12Ang sitwasyon doon tinutukan live ni Marisol Abdurama.
16:17Marisol!
16:20Vicky, maayos ang sitwasyon ngayon dito sa Manila Northport Passenger Terminal.
16:25Maghapon na tahimik at patiwasay ang mga kondisyon na ating mga pasahero dito.
16:29Pero yun nga lang ano, hindi man nga siksikan, e-reklamo naman na gila natin kababayan ang init ng panahon at traffic papunta dito sa Pantala.
16:42Tagagtak ang pawis ng pasaherong ito sa Manila Northport Passenger Terminal bandang alas 3 ng hapon.
16:48Pebrero pa sila bumili ng ticket para sa biyahe pa kagayan di oro ngayong araw.
16:52Hindi po mahirap ang biyahe paggan po, sir?
16:56Hindi. Mahirap po kasi mainit.
16:58Ang pamilyang ito naman na biyaheng Iligan City, bukod sa init, ay kalbaryo ang traffic papuntang Pantalan.
17:04Sobrang traffic po yung pagpunta namin dito.
17:07Tapos sobrang nakakahasel po kasi yung pagganitong mga holiday, mga mahal na araw.
17:15Sumasabay sa araw.
17:16Buti na lang, pinayagan ng pumasok sa pre-departure area ng Port Terminal ang mga pasahero kahit ilang oras pa bago ang kanilang biyahe.
17:25Ayon sa pamunuan ng Manila Northport Terminal, nasa 700 lang daw ang bilang ng mga pasahero na paalis papuntang probinsya para sa nag-iisang biyahe ng barko ngayong Merkulis Santo.
17:36Mas kakauntay kong ikukumpara ng mga nakaraang araw.
17:39Ang Monday po nasa 1-2 and then Tuesday is 1-4.
17:43We expect din po na maraming pasahero sa Friday kasi po tatlo po ang biyahe natin noon.
17:51Mas kakauntay rin ang inbound passengers, gaya ng mga dumating kaninang umaga mula Bukinon at Cebu.
17:56Ang ilan sa kanila dito naman sa Metro Manila o sa mga kalapit na probinsya magsa Semana Santa.
18:02Bagamat halatang pagod galing sa ilang araw na biyahe at nahirapanan nila sa dami ng tao at mga bagahe,
18:09masaya silang ligtas na nakarating dito.
18:11Medyo mahirap po doon sa malay-balay kasi gawa ng kaamulan po.
18:16Maraming pasahero talaga.
18:18Dahil siyempre may mga kasama ka pang bata.
18:21Opo.
18:22Full force naman ang mga bantay rito.
18:24Mula sa mga PPA personnel, Philippine Coast Guard, Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency,
18:31mahigpit din ang security check.
18:33Kaya may mga nakukumpis ka ang mga bawal dalhin.
18:35Ito po yung mga matuturis na bagay and then yung mga butane gases po, yung mga malilit na butane,
18:41yun po yung usual na nakukonfiscate po namin dito and then mga lighters.
18:46Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard, sumula 6 a.m. hanggang kaninang tanghali,
18:51umabot na sa mahigit 77,000 ang mga outbound passengers at mahigit 18,000 inbound passengers sa lahat ng pantalan.
18:58Nasa heightened alert na ang buong PCG. Nasa 4,355 naman na personal nila ang deployed sa labing-anim na PCG districts.
19:12Ang nakikita ninyo sa aking likuran, Vicky, ito yung mga hahabol sa 9pm na biyahe papuntang Kamigin.
19:19Bukas walang biyahe pero sa Biyernes, inaasahan ang muling pagdagsan ng ating mga kababayan dito kung saan tatlong barko ang biyahe.
19:27Vicky, maraming salamat sa iyo, Marisol Abduramal.
19:36Sakit sa ulo ng isang tricycle driver ang multang ipinataw sa kanya ng LTO.
19:41Matapos masita sa checkpoint dahil sa issue sa plaka,
19:44ang naibigay pala sa kanya ng dealer na napagbilhan niya ng motrosiklo, mali.
19:49Tinulungan siya ng team ng inyong kapusa action man.
19:57Lapin limang taon nang namamasada ng tricycle ang 62 anyos na si Mang Ruben.
20:12Taong 2017 siya bumili ng sarili motrosiklo na nagkakalaga ng halos 60,000 piso.
20:18Natuluyan niyang nabayaran makaraan ng tatlong taon pero sumbong niya.
20:22Na-issuehan ako ng maling plaka, nung mahuli po ako ng LTO, nung sila may checkpoint.
20:30Ngayon, wala akong dalang ORCR, kaya nagkaroon ako ng violation sa kanila.
20:35Nung tutubusin ko na yung aking lisensya, dun nalaman na hindi pala akin yung plakang yun.
20:42Dealer ang nagbigay sa akin, tapos ipinasok ko na sa LTO yung plaka.
20:45Eh, nai-registro naman nila, nabigyan nga ako ng ticket na resibo eh.
20:49Ngayon, nung okay mahuli, at tutubusin ko na, dun palang, dun nila nalaman na hindi pala akin.
20:56Para matubos ang lisensya, kinailangan patuloy magbayad ni Mang Ruben ng 12,000 piso
21:01dahil sa karagdagang paglabag ng pasong registro.
21:04Sa umpisa palang eh, dapat alam na nila na hindi akin yun.
21:08Sa manual daw sila nila ipinasok, hindi sa sistem. Hindi muna nila tinignan.
21:13Palibanag ng branch manager ng dealer na napagbilihan ng motrosiklo,
21:17nagkamali raw ang kanilang liaison officer kaya maling plaka ang naibigay kay Mang Ruben.
21:23Para maitama ang nangyari, nakapag-ugnayan na sila sa LTO na ilift ang paglabag na natag sa record ni Mang Ruben.
21:32Dumulog din ang inyong kapuso action man sa LTO Region 4A.
21:37Iniimbestigahan na nila ang nangyari.
21:38Nakapagbigay na rin sila ng show cost order sa dealer na napagbilihan ng motrosiklo.
21:43Maaaring raw mapatawan ang multa ang dealer at masuspindi ang account.
21:48Nagpapasalamat naman si Mang Ruben sa naging tugon ng LTO Region 4A.
21:52Tututukan namin ang sumbong na ito.
21:58Para sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
22:02o magtungo sa JMA Action Center sa JMA Network Drive Corner, Summer Avenue, Diliman, Quezon City.
22:08Dahil sa anumang reklamo, pang-abuso o katiwalian, tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
22:14Sa mga mailakad bukas ng Hueve Santo, iba yung pag-iingat po ha dahil inaasahang magpapatuloy ang mainit at maalinsangang panahon.
22:27Ayon po sa pag-asa, dahil yan sa pag-iral ng Easter Lease sa halos buong bansa,
22:32bukas e posibleng umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City at sa Pilica, Marina Sur.
22:40Walong iba pang lugar ang posibleng makaranas ng danger level na init.
22:46Huwag pong magbabad sa init ha para iwas heat stroke, pero kung hindi maiwasan,
22:50magdala ng proteksyong payong at uminom ng maraming tubig.
22:54Sa Metro Manila, posibleng namang umabot sa 38 to 40 degrees ang heat index.
23:00Gayunman, hindi pa rin inaalis ang chance ang umulan.
23:04Batay sa datos ng Metro Weather, bukas ng tanghalit hapon ay posibleng makaranas ng ulan
23:09ang ilang lugar sa Northern Luzon, Bicol Region, Central at Eastern Visayas,
23:14Negros Island at malaking bahagi ng Mindanao.
23:17Posible ang malalakas na ulan sa ilang lugar, lalo na po sa Visayas at Mindanao sa hapon.
23:24Kaya mag-ingat sa banta ng pagbaha at paghuho ng lupa.
23:28Mababa naman po ang chance ng ulan sa Metro Manila.
23:30Patay ang isang Pilipino at isang Chinese nang tubaob ang isang dredger vessel sa Rizal, Occidental, Mindoro.
23:38Anim na Pilipino at walong Chinese naman ang nasa Gip, pero marami pa rin nawawala.
23:43Mula roon, nakatutok live si Bob Alegre.
23:50Emil, dalawa ngayong kumpirmadong nasawi at siyang panginahanap sa nangyaring pagtaob ng isang vessel dito sa Rizal, Occidental, Mindoro.
23:57Ikinagulat ng mga taga-barangay malawaan sa Rizal, Occidental, Mindoro.
24:06Ang pagtaob na ito ng isang dredger vessel na may dalang buhangin alas 5 ng hapon kahapon.
24:11Again sir, just to clarify things up, this vessel is not the Chinese vessel. This is a Filipino flat vessel.
24:17Magkahalong labing tatlong Pilipino at labing dalawang Chinese naman ang crew ng motor vessel Honghai-16
24:22na magdadala ng buhangin sa Maynila ayon sa munisipyo.
24:24Pero hanggang kanina, walong Chinese at anim na Pilipino pa lang ang narescue.
24:28Kabilang sa nasagip, ang Pilipinong kapitan ng barko na tumanggiw magbigay ng pahayag.
24:32At si Manuel Arong na chief engineer ng grupo.
24:35Ayon sa huli, mabilis ang nangyari.
24:37Ganun bang barko ganyan.
24:38Tumakbo kami sa may reeling.
24:41Sabi ko sa dalawang kaditi at saka isang ibi.
24:46At dito kayo.
24:47Pag ganyan sa barko sir, nandito ang reeling sa mindek.
24:50Na-recover naman pero diniklar ang dead on arrival sa San Jose District Hospital ang isang Chinese.
25:01Hinahanap pa ang 7 Pilipino at 3 Chinese.
25:04Nakikita ninyo ngayon yung tumaw na vessel mula rito sa Occidental Mindoro.
25:09At sa ngayon, ayon sa mga responder, nakarinig daw sila ng mga pagkatok mula sa loob.
25:13Kaya tinututukan nila kung paano maligtas yung mga posibleng na trap dito sa loob.
25:18Pahirapan ng pagsisid sa pinagtauban ng vessel na may buhangin pa sa loob.
25:22Ayan ang puntahan ng pwesto sa kung saan may narinig kaninang umaga.
25:24When they went back sir to knock it again, wala na sir.
25:29So ayaw naman namin i-rule out that yun kagad yung na putin.
25:34But we are also considering na dahil naka-upright siya, may possible na debris na tumatama along the, ano sir, sa katawan ng baka, ng barko.
25:45So yun yung mga ano natin sir.
25:47So focus on recovery.
25:49Yes sir.
25:49And assume that they are still alive.
25:52Yes sir.
25:53You do things as fast as we can.
25:55Pasado las dos ng hapon naman nang may ma-recover na bangkay ng isang Pilipinong crew.
25:59Kasama natin ngayon sa isang speedboat, ang mga obisya ng Philippine Coast Guard,
26:04ito yung nakalapangkalaan para sa visual inspection, itong palibot ng vessel na ito yun.
26:08Sir, sa asas na nyo po sir, may possibility po ba na...
26:11Pinalibutan na rin ang mga oil spill boom ang pinaglubugan ng barko kahit wala itong kargang crude oil.
26:25At kahit pwede lang matuyo sa hangin ang automotive oil nito.
26:28Sa paunang investigasyon, lumabas na kinuha ang Honghai-16 ng Keen Peak Corporation na siya namang partner
26:34ng Blue Max Corporation na may legal permit para sa dredging ng buhangin.
26:38Unang pagkakataon-aniya ito na maghukay ng buhangin sa risal ng sand carrier vessel
26:43na layong iwasan ang baharoon at sa mga kalapit na bayan.
26:46Naglaman siya ng 7,400 according sa record, 7,400 cubic meter.
26:53Yung laman na yan ng buhangin.
26:54And then, yung pag-turn niya raw sabi sa akin ng Chinese kahapon,
26:59pag-ikot niya, tumagilid na agad.
27:01So, from there, bumaliktad na yung barko.
27:05Kinumpirman ang gobernador ng Occidental Mindoro na may legal approval
27:08ang korporasyon para magsagawa ng dredging.
27:10Maraming ahensya raw ng pamahalaan ang dinaanan ng proseso bago sila bigyan ng pahintulot.
27:14Ang members ng inter-agency ay kasama dyan ang MGB, AMB,
27:23ang DNR region, at saka ang region ng DPWA.
27:31Emil, magpapatuloy ang search and rescue operations lalo't mahalaga ang bawat oras.
27:41Natukoy na rin yung ilang bahagi ng vessel na posibleng butasin gamit ang acetylene torch.
27:46Live mula rito sa Occidental Mindoro.
27:47Para sa GMA Integrated News, Bam Alegre, nakatutok 24 oras.
27:52Maraming salamat, Bam Alegre.
28:01Maraming salamat, Bam Alegre.

Recommended