Hindi siksikan kundi matinding init at traffic ang nagpahirap sa mga pasaherong nasa Manila North Port Passenger Terminal.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Hindi siksikan, kundi matinding init at traffic ang nagpahirap sa mga pasaherong nasa Manila Northport Passenger Terminal.
00:08Ang sitwasyon doon, tinutukan live ni Marisol Abdurama.
00:12Marisol!
00:16Vicky, maayos ang sitwasyon ngayon dito sa Manila Northport Passenger Terminal.
00:21Maghapon na tahimik at patiwasay ang mga kondisyon ng ating mga pasahero dito.
00:25Pero yun nga lang, hindi man nga siksikan, ereriklamo naman ang ilan nating kababayan.
00:31Ang init ng panahon at traffic papunta dito sa Pantalan.
00:38Tagaktak ang pawis ng pasaherong ito sa Manila Northport Passenger Terminal bandang alas 3 ng hapon.
00:44Pebrero pa sila bumili ng tiket para sa biyahe pa kagayan di oro ngayong araw.
00:48Hindi po mahirap ang biyahe pa gan po sir?
00:52Mahirap po kasi mainit.
00:53Ang pamilyang ito naman na biyaheng Iligan City, bukod sa init, ay kalbaryo ang traffic papuntang Pantalan.
01:00Sobrang traffic po yung pagpunta namin dito, tapos sobrang nakakahassle po kasi yung pag ganitong mga holiday, mga mahal na araw, sumasabay sa araw.
01:12Buti na lang, pinayagan ng pumasok sa pre-departure area ng Port Terminal ang mga pasahero, kahit ilang oras pa bago ang kanilang biyahe.
01:20Ayon sa pamunuan ng Manila Northport Terminal, nasa 700 lang daw ang bilang ng mga pasahero na paalis papuntang probinsya para sa nag-iisang biyahe ng barko ngayong Merkulis Santo.
01:32Mas kakaunti kong ikukumpara noong mga nakaraang araw.
01:35Ang Monday po nasa 1-2 and then Tuesday is 1-4. We expect din po na maraming pasahero sa Friday kasi po tatlo po ang biyahe natin noon.
01:46Mas kakaunti rin ang inbound passengers, gaya ng mga dumating kaninang umaga mula Bukinon at Cebu.
01:52Ang ilan sa kanila, dito naman sa Metro Manila o sa mga kalapit na probinsya magsa Semana Santa.
01:58Bagamat halatang pagod galing sa ilang araw na biyahe at nahirapanan nila sa dami ng tao at mga bagahe, masaya silang ligtas na nakarating dito.
02:07Medyo mahirap po dun sa malay-balay kasi gawa ng kaamulan po. Maraming pasahero talaga.
02:14Kasi syempre may mga kasama ka pang bata.
02:16Opo.
02:17Full force naman ang mga bantay rito mula sa mga PPA personnel, Philippine Coast Guard, Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency.
02:27Mahigpit din ang security check. Kaya may mga nakukumpis ka ang mga bawal dalhin.
02:32Ito po yung mga matutulis na bagay and then yung mga butane gases po, yung mga malilit na butane, yun po yung usual na nakakonfiscate po namin dito and then mga lighters.
02:41Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard, sumula 6 a.m. hanggang kaninang tanghali, umabot na sa mahigit 77,000 ang mga outbound passengers at mahigit 18,000 inbound passengers sa lahat ng pantalan.
02:55Nasa heightened alert na ang buong PCG. Nasa 4,355 naman na personal nila ang deployed sa 16 na PCG districts.
03:04Ang nakikita ninyo sa aking likuran, Vicky, ito yung mga hahabol sa 9pm na biyahe papuntang Kamigin.
03:15Bukas walang biyahe pero sa Biyanes, inaasahan ang muling pagdagsa ng ating mga kababayan dito kung saan tatlong barko ang biyahe.
03:23Vicky.
03:24Maraming salamat sa iyo, Marisol Abduramal.
03:26Maraming salamat sa iyo, Marisol Abduramal.