Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Makikita na sa Google Maps ang West Philippine Sea na tumutukoy sa dagat sa kanlura ng Pilipinas.
00:06Sa binubuo namang Code of Conduct o COC para sa South China Sea,
00:10na islinawin ng Pilipinas kung magiging legally binding ito.
00:14Ang gusto naman ng China, isama sa COC ang kanilang 9-line na umaangkin sa halos buong South China Sea.
00:21May unang balita si JP Soriano.
00:23Ang halos pagbangga ng higanting barkong ito ng China Coast Guard sa mas maliit na barkong ng Philippine Coast Guard
00:34sa isang bahagi ng West Philippine Sea noong April 7.
00:38Kabilang sa mga binanggit ng gobyerno sa mga opisyal ng China,
00:42kaugnay sa negosyasyon ng ASEAN-China Code of Conduct o COC sa South China Sea.
00:47Giit ng gobyerno ng Pilipinas, nalabag sa insidente ang soberanya at mga karapatan ng Pilipinas.
00:54Of course, that's all related. Certainly issues like that, in fact, are one of the reasons why we need to have a code.
01:02Mahigit dalawampung taon ang binubuo ang Code of Conduct na magiging gabay sa paghilos ng China
01:08at mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN,
01:13kaugnay ng South China Sea, kabilang na ang West Philippine Sea.
01:17Kasama sa negosyasyon ang Malaysia, nakasalukuyang chairman ng ASEAN,
01:22gayon din ang Vietnam at Brunei, mga bansang may inaangkinding teritoryo doon.
01:28Mahalaga yan dahil minsan ang sinabi ng China na mareresolba lang ang issue sa teritoryo sa South China Sea
01:34kapag natapos na ang Code of Conduct o yung COC.
01:39Kaya gusto ngayong malinawan ng gobyerno ng Pilipinas kung papayag ang China na maging legally binding o magiging batas na ang COC
01:47para may mapanagot.
01:49Ang China naman gustong isama sa Code of Conduct ang magpakilala sa kanilang 9-9 na dati nang hindi kinikilala ng Pilipinas at iba pang bansa.
01:59Tutol din ang China na makiilam ang mga bansang walang inaangking teritoryo sa region.
02:05Dati nang inaalmahan ng China ang pagtulong ng Amerika, Japan at Western Power sa Pilipinas sa issue sa West Philippine Sea.
02:13Before you get to that particular issue, we have to know what we're going to be adopting.
02:19So we have to see first how, let's say, the latest draft of a Code of Conduct looks like before we can address that issue.
02:28I think that's one of the issues which will be discussed perhaps last.
02:31Taong 2023, nang i-adopt ng ASEAN at China ang guidelines para sa mas maagang pagkatapos ng COC na target matapos sa loob ng tatlong taon.
02:42Sa mga susunod na buwan sa Malaysia, gaganapin ang susunod na round na pag-uusap kaugnay sa COC.
02:48Next year, 2026, Pilipinas naman ang chair ng ASEAN kung saan Pilipinas rin na mamumuno sa usapin ng COC na mahigit tatlong dekada nang binubuo.
02:58Ito ang unang balita, JP Soriano, para sa GMA Integrated News.
03:04Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
03:12Muzika

Recommended