Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sama-sama tayong magiging sa kakili.
00:15Bago sa saksi, wasak ang harapan ng bus na yan na nasangkot sa aksidente sa NLEX bandang alas 7 ngayong gabi.
00:23Ayon sa pamunuan ng NLEX, unang tinamaan ng bus ang isang closed van matapos mag-swerve mula sa Outer Mox Lane sa Torres Bugalion sa Valenzuela.
00:34Bumalik ang bus sa lane at saka tumbama sa isang dump truck.
00:39Nasa apat na po ang pasahero ng bus.
00:41Dalawa sa kanila ang nagtamo ng minor injury.
00:45Nagdulot ito ng pagbagal ng trapiko sa lugar.
00:47Dobling ingat po, ngayong maraming bumabiyahe para sa Semana Santa.
00:56Tatlong patay sa magkakahiwalay na aksidente sa Laguna, Iloilo at Cebu.
01:01Ang isang truck sumalpok pa sa footbridge.
01:05Ating saksihan.
01:09Maluwag pa ang kalsanin ito habang dumaraan ang mga sasakyan kanina madaling araw sa Barangay Uno sa Kalamba, Laguna.
01:15Pero nang dumaan ang isang truck, bumangga sa likod nito ang isa pang truck na sumalpok din sa nakatigil na jeepney.
01:22Tumagli ng jeep at tumama sa isa pang sasakyan.
01:25Ang truck naman sa likod, bumangga sa poste ng footbridge.
01:28Agad nagsagawa ng rescue operations para may alis ang tatlong na ipit sa insidente.
01:34Pero, binawian ang buhay ang isa sa mga truck driver bago umabot sa ospital.
01:38Critical ang lagay ng dalawang pahinante.
01:41Iniimbestigahan pa kung ano ang ugat nang nangyari.
01:44Nabulabog naman ang bahay na ito sa Banate, Iluilo, Pasado, Las Onze, kagabi.
01:50Sumalpok sa padera ang isang motorsiklo at tumilapong pagpunta sa bakuran ang angkas na lalaki.
01:55Nakaligtas siya pero nagtamo ng mga sugat.
01:58Naiwan sa motorsiklo ang rider na nasawi sa ospital.
02:01Parerong criminology student ang mga biktima na papunta sana sa Iluilo City para mag-enroll.
02:06Nag-tabok ang ilang motor.
02:09Baka ito sa piyang na dalawang, kagpupungo sa may pader.
02:12Ayon sa Banate Municipal Police, sa krobadang bahagi ng kalsada nangyari ang disgrasya.
02:18Kaya posibleng nawala ng kontrol ang rider.
02:23Sa Cebu City, labis ang hinagpis na babaeng ito habang nasa tabi ng labi ng apat na paong gulang niyang anak na nasagasaan sa gili ng kalsada.
02:32Basi na, mura siya naguyod no kay ang yang giihian.
02:37Layo naman siya dito sa yahang na.
02:39O anang kayo, di ka madiri.
02:41Ang tura ng dugan na umu.
02:43Umalis agad ang sasakyan.
02:45Pero kalauna ay natuntun ang may-ari nito na isang retiradong pulis.
02:49Nung una ay itinang diumano niyang siya ang nakabangga.
02:52Pero kalauna ay pumayag din makipag-areglo.
02:55Ayon sa mga pulis, hindi na sasampahan ang reklamang suspect.
02:58Sa kondisyong sasagutin niya ang pangpapalibig sa bata.
03:18Paalala ng motoridad, tandaan ang blow baguets.
03:21Uliskahan ng mga dapat i-check bago bumiyahin.
03:24Siguraduhin gumagana ang battery, lights, oil, water, brake, air, gas, engine at tire ng sasakyan.
03:33Pati self o sarili, siguraduhin may tamang pahinga bago magmaneho.
03:38Para sa GMA Integrated News, ako si Marisol Agduramat, ang inyong saksi.
03:44Ngayon, Lunes, Santo pa lang.
03:54Fully book na hanggang linggo ang ilang biyahe sa PITX.
03:59Sa C-Live, si Niko Wahe.
04:00Niko?
04:01Sandra, may character development ang maraming pasaherong nakausap natin dito sa PITX.
04:11Marami kasi sa kanila ay itinigil na yung pag-uwi sa probinsya isang araw bago yung holiday.
04:17At natuto na raw sila, kaya namang kahit Lunes pa lang ay babiyahe na pa probinsya.
04:22Pitong taon nang hindi nakaka-uwi ng Diet Camarines Norte si Jeanette.
04:30Galing siyang Qatar at mula na iya, sinundo ng anak na si Jenny Mee.
04:34Diretso sila rito sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX para magbakasakaling makakuha ng ticket pa uwi.
04:41Ngayon, excited ako makita ko yung ibang anak ko kasi siya pa lang nakikita ko o panganay ko.
04:46Mayroon pa yan, anim pa sila.
04:50Nakakaiyak po kasi syempre.
04:51Nag-pandemic po, di namin siya nakita eh.
04:54Wala po kaming balita talaga kung kamusta po siya that time.
04:58Kaya nung nakita ko po siya sa airport po, iyak po talaga.
05:03Akala raw ni Jeanette ay hindi siya agad makakabiyahe pa Bicol dahil fully booked ang biyaheng diet.
05:09Pero mukhang ayaw na siyang paghintayin pa na makita ang iba pa niyang mga anak.
05:13Mayroon nag-backout ng dalawa, sabi hindi daw sila makaka-uwi.
05:16Kaya ako na yung inano niya. Sabi ko ako na yung isa.
05:19Siniguro naman ni Jeric na may ticket na siya bago pa pumunta ng PITX.
05:23Matagal na raw siyang nag-book online para makauwi sa Eriga City, Camarines Sur.
05:28Nag-book ako last April 2 kasi inasaan ko din na dadagsak yung tao.
05:34And actually naka-leave ako by 17 and 18 kasi close yung mga malls sa Metro Manila.
05:39Pero since 17 kasi is alam ko rush hour yan so baka maipit din ako sa biyahe ko.
05:44And that's why I booked early.
05:46Natuto na raw siya sa ilang taon niyang pag-uwi sa Eriga City.
05:49Naranasan ko na siya before so pumunta din kami ng by 7pm pero pagdating namin talagang fully booked na siya.
05:56And nag-antay na lang din kami nang may magpapacancel ng travel.
05:59Ayaw ka nung maranasan yung.
06:01Ang magpipinsang ito, pauwi ng Tagkawayan, Quezon.
06:05Ayaw na rin maipit sa dagsan ng tao pagdating ng Merkules.
06:09Mahirap kasi sumabay sa peak season ng uuyan, holiday. Mahirap lumiyahi.
06:14Kaya mas maaga, mas better.
06:17Naranasan na namin mauwi ng peak season.
06:19Inabot kami ng almost 24 hours na biyahe.
06:25Pagtitiyak ng PITX, hindi raw maubusan ang masasakyan.
06:28Yan ay kahit pa fully booked na simula pa nung linggo ang biyaheng Bicol.
06:32Napaghandaan natin itong huli week season, meron tayong mga standby units.
06:36And yung LTFRB, bukod sa na nag-issue na sila ng mga special permits, meron silang tao on the ground.
06:41Para kung sakaling kakailanganin ng additional unit, special trip, makakapag-issue kagad sila ng special permits.
06:47Kanina umaga, bumisita rito sa PITX si DOTR Secretary Vince Dizon para mag-inspeksyon.
06:53Pero puna niya, dapat daw dagdagan ang mga CR sa terminal.
06:56Napansin din niya ang kalagayan ng mga dispatcher na nasa may mainit na lugar.
07:01At yung mga signage ng mga short travel, wala raw mga oras.
07:04Unang-unang hinanap ko is yung connectivity sa mga, hindi lang sa mga buses, kundi pati sa train natin.
07:13Itong example ng PITX, ganito dapat, ang meron tayo all over.
07:19Kaya nga, pinautos ko na na meron tayong North Terminal Exchange.
07:24We don't think naman na perfect na yung ating terminal.
07:28Of course, open tayo sa gestures.
07:30Kaya gusto natin palagi mag-improve para sa ganun, maganda pa yung servisyon natin sa publiko.
07:33Sandra, hanggang sa ngayon ay tuloy-tuloy naman yung pagdating ng mga pasahero rito sa PITX.
07:44Kumpleto rin naman ng siguridad dahil dito sa ating kanan ay may police assistance.
07:49At yung may mga malaking bagaheng dala naman ay kailangan dumahan sa mga K9 unit para ma-inspeksyon.
07:54As of 10pm, mahigit 166,000 na ang mga pasaherong dumarating dito sa PITX.
08:01Live mula rito sa Paranaque City para sa GMA Integrated News, ako si Niko Wahe, ang inyong saksi.
08:09Ininspeksyon din ang mga pantalan na mga opisyal ng Transportation Department.
08:14Ang isang barko sa Batangas, silita dahil sa pagbibenta ng tiket ng sobra sa kapasidad nito.
08:20Saksi si Dano Tingkungko.
08:24Isang limong pasahero ang karaniwang dumarating sa Batangas Port sa ordinaryong umaga.
08:30Pero kaninang umaga, umabot na sa liman libo ang pasahero ngayong Lunes Santo.
08:35Sa kabila niyan, maaliwalas ang sitwasyon sa mga tipiting booth, pre-departure area maging sa pila sa mga roro.
08:42Ang iniwasin ninyo, yung dagsa po ng tao talaga. Tsaka sa hirap ng biyahe.
08:46Hanggang Webes Santo, inaasahan ng dagsa ng mga pasahero.
08:49Yung mga kababayan natin na nagbabalak, na pumunta na ko dyan, pumunta na po kayo.
08:55Kung nagbabala kayong umalis ng Martes, Lunes, magpunta na kayo.
08:58Isang shipping liner raw ang nakausap para mag-standby ng barkong meron ng special permit.
09:03Kapag hindi namin kayo naka-ahead of time, kahit na-immobilize yung barko, mag-de-delay ang alis ninyo.
09:13Kung babiyahe kayo, let us know, let us feel na nandiyo dyan kayo para yung barko maantabay kaagad na makabiyahe.
09:23Sa Manila Northport, pulibok na ang ilang biyahe.
09:26Wala pang pangbili, wala pang pira. Ang saon namin Sabado pa.
09:30Akala namin mayroon pang ticket, pang linggo. So wala na na pulibok.
09:37Hindi rin siksikan ang mga pasahero sa concourse ng Pantalan dahil pwede nang pumasok sa loob ng Deerco na passenger terminal.
09:44Pwede naman po sabiyahing Cebu Tagbilaran para bukas ng umaga, pwede na rin po tayong pumasok sa loob ng Departior Teria.
09:52Hindi rin naiipo ng mga pasahero dahil sa inayos na schedule ng mga barko.
09:56Sa ngayon, hindi pa fully booked pero paubos na raw ang mga ticket ng isang shipping line.
10:01Payo ng mga otoridad mag-book online ng ticket.
10:04At kung bibili sa mismong terminal, ay siguruhin daw na sa ticketing office mismo kukuha ng ticket.
10:09May nahuli na po. Pagbaba daw po ng pasahero sa gate. May lalapitan na sila ng parang naka-tricycle.
10:18And then dadalihin somewhere sa Divisoria and then doon pa bibili ng ticket which is hindi po yun accredited ng tubo.
10:26Kanina nag-inspeksyon sa pantala ng Department of Transportation.
10:30Dito inanunsyo na iniimbisigahan nila ang nasi tambarko sa Batangas ng Philippine Coast Guard dahil umano sa overloading.
10:35Nagbenta ng mas madaming ticket yung shipping line compared sa i-awareable number of passengers.
10:44Ongoing yung investigation.
10:46Pero ayon sa PCG, lumabas na hindi nag-overloading ang sinitang barko.
10:50Bagamat maraming ibinentang ticket sa isang libong kapasidad,
10:54siyam na raan at dalawampu lamang ang isinakay dahil oras na nang alis ng barko.
10:59Hindi po siya overloading. Nangihinayang lang po yung ating mga otoridad na sana po na-maximize yung ano,
11:06na-maximize po yung biyahe. The fact na isang beses lang po itong naglalayag sa isang haraw.
11:12Samantala, inanunsyo ng Malacanang napapayagan sa mga tanggapan ng gobyerno sa Merkulis Santo
11:17ang work from home mula alas 8 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali.
11:21Wala nang pasok sa trabaho sa hapon para bigyan daan ng pagunitan ng Webes at Biyernes Santo.
11:26Para sa GMA Integrated News, danating kung ko ang inyong saksi.
11:30Sa May 15 na posibleng masimulaan ang rehabilitasyon sa EDSA.
11:35Ayon sa DPWH, hindi na muna itinuloy ang pagkukumpuni sa EDSA ngayong Holy Week
11:41dahil pinagahandaan din ang kulong para sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
11:48Maglalagay na lang muna ng detour bridge sa southbound at northbound lane.
11:54Gayunman, nag-anunsyo na ang MMDA ng pagkukumpuni sa ilang pangunahing kalsada sa Quezon City, Makate City at Pasig.
12:0224 oras yan mula sa alas 11 o alas 11 ng gabi sa Merkoles hanggang alas 5 ng umaga sa susunod na lunes.
12:14Nagdagdag na ng mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport para matiyak na magiging maayos ang biyahe ng mga pasahero.
12:22Inaasa nga abot sa mahigit sang milyon ang mga pasahero sa Naiya ngayong Semana Santa.
12:28Saksi si Darlene Kai.
12:33Excited na si Ibet at kanyang dalawang anak dahil first time nilang magta-travel ng magkakasama.
12:38Sakto raw na sabay-sabay silang ulang pasok dahil sa Holy Week kaya mamasyol sila sa Hong Kong.
12:42Ma-excited po para po sa aming tatlo, bonding na rin po as a mother and daughter po.
12:48Gaya ni na Ibet, weekday rin bumiyahe pala nao del Sur si Josephine para raw hindi na sumabay sa dagsa ng mga pasahero.
12:54Iinitan po ako. Malamig yun sa amin doon. Kasi marami kami sa bukid doon eh.
13:00Kaya?
13:01Balik ka na?
13:02Balik ka na ako. Kasi mas masarap ang buhay doon. Hindi stress, hindi maraming tao.
13:06Oo.
13:07Pero kung marami ang excited bumiyahe para magbakasyon at makauwi sa probinsya, naluluha naman sa lungkot ang OFW na si Izel habang nagpapaalam sa kanyang pamilya.
13:16Every year man umuwi, pero same yung feeling. Mabigat bago maalis. Kasi maiiwan sila. Trabaho ulit.
13:24Buong araw, bumubuhos ang mga pasahero rito sa Terminal 3 ng Naia o Ninoy Aquino International Airport.
13:30Para makontrol ang bumibigat na daloy ng trapiko, mayatmaya ang paalala na may 3-minute rule.
13:35Ibig sabihin, 3 minuto lang pwedeng manatili ang mga sasakyang magahatid o magsusundo ng pasahero.
13:41Halos hindi rin nawawala ang tila sa entrance gates at sa check-in counters.
13:45Ayon sa operator ng Naia na NNIC o New Naia Infra Corporation, maaari rao kumabot sa 157,000 ang bilang ng mga pasahero nito kada araw ngayong Semana Santa.
13:56Sa kabuhuan, posibili rao abutin ng 1.18 milyon ng mga pasahero sa Naia hanggang April 20 o linggo ng pagkabuhay.
14:03Sa ngayon, medyo bumibigat yung air traffic natin. So may mga bagong carriers tayo na pumasok.
14:12Bukod sa dagdag security personnel para sa siguridad ng mga pasahero, dinagdagan na rin daw ng NNIC ang mga personnel sa check-in counters.
14:20Binuksan na rin ngayong April ang bagong immigration counters sa Naia Terminal 3 na eksklusibong magagamit ng OFW use.
14:27Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
14:31Mga kapuso, maging una sa saksi. Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
14:42Pajamápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápápáp

Recommended