Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
PBBM, nanawagan sa mga motorista na maging kalmado sa kalsada

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maging kalmado sa pagmamaneho, lalo na ngayong Semana Santa.
00:04Ito ang mensahe sa publiko ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:08kasabay ng sunod-sunod na insidente ng road rage.
00:11Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Christian Bascones ng PTV Manila.
00:18Sigawan, duruan, sindakan na may kasamang pagbabanta at suntukan.
00:23May mga naitalapang barilan na nauwi sa patayan.
00:25Ito ang mga sunod-sunod na naganap noong nakaraang linggo na mga away kalsada o road rage.
00:31Dahil sa pagdiraos ng mahal na araw, inaasahan na marami ang babiyahe.
00:36Kaya nagpaabot ng kanyang mensahe ng pag-iingat ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:41Ang tatapang na natin lahat, siga lahat.
00:44Ano na ba ang kultura na ito na pagiging siga sa daan?
00:47Tamba natin na kuha ito.
00:49Ano na bang nangyayari sa atin?
00:50At parang natural lang ang mga ganitong komprontasyon at karahasan.
00:55Tayong lahat ay kailangan sumunod sa batas trapiko.
00:58Kailangan ang disiplina para maging responsabling mga Pilipino sa lansangan.
01:03Dagdag ba ng Pangulo?
01:05Kailangan habaan ng pasensya habang nagmamaneho
01:08para hindi maantala ang biyahe at maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari.
01:13Huwag maging kamote.
01:15Masyado ng madami yan.
01:16Ang lisensya sa pagmamaneho ay isang pribilehyo at hindi ito karapatan.
01:22At bukod sa dunong sa pagmamaneho,
01:24ang lahat ay kailangan ayusin ang pag-uugali sa pagmamaneho
01:27at habaan ang pasensya.
01:30Ang bagong Pilipino ay disiplinado sa lansangan.
01:32Maingat sa pananalita.
01:34Nagtitimpi at pinipili ang kapayapaan.
01:37Ang lahat ay napapag-usapan ng maayos at malumanay.
01:41Lugi tayo at ang mga pamilya natin sa mga posibleng dala nitong kapalit
01:45kung hahayaan natin lamunin tayo ng galit kahit isang saglit lamang.
01:51Samantala, nagbahayag din ang suporta sa lahat ng mga Pilipino
01:54na biktima ng pambubuli.
01:56Lalo na mula sa mga banyaga na ginagawang katatuanan ang mga kababayan natin.
02:00Tulad ng isang Russian blogger na naaresto dahil sa pambabastos sa ilang mga Pilipino
02:05para lang makakuha ng atensyon ng kanyang social media followers.
02:08Natural sa atin na matawanan lamang at hindi na palakihin ang mga ganitong klaseng pambabastos.
02:16Pero hindi nang huhulugan na palalampasin ito ng ating pamalaan.
02:20Dapat tayo pumalag sa mga bully.
02:22Kasama nyo ang pamalaan para ilugar ang mga ganitong tao.
02:26Sana'y magsilbing aral ito sa mga pagtatangkang pumasok pa rito sa Pilipinas
02:31para lang hamakin at gawing katatuanan ang ating mga kababayan.

Recommended