-89 na Pilipino na naging bahagi ng humanitarian assistance at disaster response mission sa Myanmar, balik-bansa na
-PBBM at VPSD, nagbahagi ng mensahe ngayong Semana Santa
-INTERVIEW: SEC. HENRY AGUDA, DICT
-Pilita Corrales, pumanaw sa edad na 87; inalala ng kanyang pamilya, fans at mga nakatrabaho
-Motorcycle rider, dinukot ang cellphone ng isang siklista sa Sumulong Highway
-Kakulangan sa CR at signages, kabilang sa mga napuna ni Transportation Sec. Vince Dizon sa kanyang pag-inspeksyon sa PITX/Mga bus terminal sa Pasay, ininspeksyon din ni Sec. Dizon; maruming palikuran, kabilang sa mga pinuna/Terminal na katumbas ng PITX, planong ipatayo sa Valenzuela, ayon kay Sec. Dizon
-Ilang overseas voter, nakaboto na online; pre-enrolment para sa internet voting, patuloy hanggang May 7 sa 77 lugar
-Mahigit 20 medalya, naiuwi ng mga Pilipinong atleta sa 1st Thailand Kickboxing World Cup 2025 sa Bangkok, Thailand
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-PBBM at VPSD, nagbahagi ng mensahe ngayong Semana Santa
-INTERVIEW: SEC. HENRY AGUDA, DICT
-Pilita Corrales, pumanaw sa edad na 87; inalala ng kanyang pamilya, fans at mga nakatrabaho
-Motorcycle rider, dinukot ang cellphone ng isang siklista sa Sumulong Highway
-Kakulangan sa CR at signages, kabilang sa mga napuna ni Transportation Sec. Vince Dizon sa kanyang pag-inspeksyon sa PITX/Mga bus terminal sa Pasay, ininspeksyon din ni Sec. Dizon; maruming palikuran, kabilang sa mga pinuna/Terminal na katumbas ng PITX, planong ipatayo sa Valenzuela, ayon kay Sec. Dizon
-Ilang overseas voter, nakaboto na online; pre-enrolment para sa internet voting, patuloy hanggang May 7 sa 77 lugar
-Mahigit 20 medalya, naiuwi ng mga Pilipinong atleta sa 1st Thailand Kickboxing World Cup 2025 sa Bangkok, Thailand
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00BALITANG HATID
00:30BALITANG HATIDANG GABINANG FILIPINE Interagency Humanitarian Contingents sa Villamore Air Base sa Pasay.
00:35Binubuo ang grupo ng walumput siyam na individual mula sa iba't iba't ahensya ng pamahalaan tulad ng Philippine Air Force, Philippine Army, Bureau of Fire Protection, MMDA, Department of Health, DENR at Office of Civil Defense.
00:47Kabilang sa mga sumalubong sa kanila si Secretary of National Defense Gilbert Chodoro at si Health Secretary Ted Herrbosa.
00:53I know you've just undergone several days of sleepless nights, a long journey, mahabang biyahe, papunta at pabalik.
01:03So sa ngala ng ating Pangulo at ng Sambayanan, kami po'y nagpapasalamat.
01:07Unang-una sa Panginoon na inuwi niya kayong ligtas sa kapahamakan.
01:13Pangalawa, na naipamalas po ninyo ang ispirito ng Pilipino na tumutulong sa kapwa.
01:21In ilaha ni Dr. Ivy Lozada, ang team leader ng DOH Philippine Emergency Medical Assistance Team,
01:27ang mga hamo na hinarap nila sa kanilang misyon sa Myanmar.
01:30Lalo at marami sa mga kababayan natin doon ang nangangailangan ng medical assistance.
01:34Karamihan sa kanila natutulog pa rin sa labas.
01:38Like sa hospital, ayaw nilang matulog sa loob ng mga wards.
01:41Doon po sila sa parang open space.
01:45May mga aftershock pa rin daw na naramdaman sa ilang araw nila sa Myanmar.
01:48Nang dumating po kami ng 1, and noong April 2 po, nabigyan kami ng worksite assignment doon sa Naubitao, Myanmar,
01:55which is na-assign sa amin yung Jade City, which is merong reported na mga trap victims.
02:00And we perform search operations using our technical equipment.
02:05So wala pa kami nakitang sign of life.
02:08Narito yung dalawang C-130 aircraft na nagdala sa ating delegasyon pabalik dito sa Pilipinas.
02:12Sa ngayon, naghihintay pa yung ating pamahalaan ng karagdagang request mula sa Myanmar kung magpapadala pa tayo ulit ng panibagong team.
02:20Nagsasagawa ng briefing ng Department of National Defense at ang buong delegasyon para malaman ang sitwasyon sa Myanmar,
02:25lalo na ang update sa dalawang nawawalang Pilipino roon.
02:27We still have to make a full accounting.
02:31As far as I know, may naman na-identify na, but hindi pa nabavalidate.
02:37So we'll have to wait for the validation at kung na-validate ito, ma-inform yung next of kid.
02:45Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:49Ngayong Holy Week, nanawagan si Pangulong Bongbong Marcos sa mga Pilipino na pagnilayan ng kabutihan at sakripisyo ni Jesucristo.
03:02Dapat daw tularan si Jesucristo na nanatiling matatag at hindi nawala ng pag-asa sa kabila ng mga pagsubok.
03:08Panahon din daw ito para makabawi ng lakas, kasama ang ating mga mahal sa buhay.
03:13Nang sa gayon ay magawa natin ang kalooban ng Panginoon.
03:16Si Vice President Sara Duterte sinabing magsibisa ng ilaw, ang sakripisyo ni Jesucristo at patatagin ang pananampalataya sa mga panahon ng kawalan ng pag-asa.
03:26Habang dumadanas daw ang bayan ng matinding pagsubok at pagkawatak-watak,
03:30panyaya rin daw ang kwaresma para sa panahon ng paghilom, pagbabalik loob at pagbabaliktanao sa mga pinapahalagahan ng mga Pilipino.
03:39Kaugnay naman na pagsug po sa naglipan ng scam texts and calls ang pagpapavito ng ilang grupo sa konektadong Pinoy Bill.
03:48Nakasalang po sa balitang hali si Department of Information and Communication Secretary Henry Aguda.
03:53Magandang umaga at salamat po sa pagpapaunlak sa aming panayam.
03:56Good morning then. Thank you for having me, Rafi.
04:01Unahin na po natin yung SIM Registration Law.
04:03Nabot na po ba ng nasabing batas yung target nito?
04:06Marami pa rin po ang mga texts at calls scams hanggang ngayon?
04:11Actually, nung lumabas yung batas, nasa private sector pa ako.
04:16Ramdam namin yung impact niya.
04:18Talagang bumaba yung text scam during that time.
04:21And like most other laws naman, as you implement it,
04:28there will be areas of improvement that will be looking into it.
04:31Lalo na doon sa implementation niya.
04:33Nabanggit nyo yung improvement.
04:36Meron ba kayo nakita at tinerekomenda para mabago dito sa batas na ito?
04:40Sa ngayon, ano naman?
04:42Alam nyo naman, I just assumed.
04:45Siguro this is my 21st, 22nd days.
04:47So I have teams from CICC at saka Cyber Bureau putting together the necessary recommendations for improving it.
04:56Kasama na dyan yung mas pagagandahin yung pag-acquire ng identity ng mga tao.
05:02And second, yung nangyayari ba na minsan nakaka-recycle ng SIM?
05:07Kasi minsan nakapag-register ka, prepaid yan.
05:11Pagka natapos na yung subscription mo, after 6 months or 9 months, nare-recycle yung SIM eh.
05:18So yung mga ganung bagay-bagay na specific to the implementation,
05:22we will provide recommendations to the Telco.
05:27And if there are things that we need to change via policy or legislation,
05:31itutulak din po natin yan.
05:32Binagit nyo po, gagawin simple yung pag-identify ito sa mga subscribers,
05:36pero paano nyo po babalansin ito para hindi naman maabuso at madaling makapag-register yung mga scammers?
05:44Tama kayo dyan.
05:45It's a balancing act between securing the use of the SIM and the internet
05:51and yung privacy ng mga individuals na nagre-register.
05:57So dalawa yun, policy and technology.
06:00For now, I won't get ahead of CICC and Cyber Bureau on the details that they will implement.
06:09Pero babalansin po natin yan. Kailangan yan.
06:13Nabanggit nyo po yung teknolohiya. Naglipa na po kasi, hindi ba?
06:15Yung mga text blasters, yung mga nag-gather ng mga numero sa ere.
06:20Madali nang gawin ito sa pamamagitan ng teknolohiya.
06:22Meron ho bang pang-ontra rito?
06:23Meron. Meron. Kung may technology na ginagamit pang scam, meron din technology pang habol ng mga yan.
06:32Kaya ito yung gusto kong sabihin sa mga gumagamit niyan.
06:36Bawal po yan.
06:37And meron na po kaming ginagawa to evaluate more technology to go after yung mga nagsisimscan.
06:45Maraming yan eh. So, may legitimate na mga paggamit niya, mga ganyan, especially for law enforcement.
06:53Pero pagka ginagamit po pang scam yan, bawal yan.
06:56So, meron po. And we're continuously studying it.
07:00Ang CICC kasi, ang nakasentro sa 4106.
07:05So, kapag may umabuso sa internet, sila yung mga gumagamit ng mga tools para mahanap kung sino yung mga gumagawa nun.
07:13Mm-hmm. Abangan po natin yan.
07:15Tungkol naman po sa connectadong Pinoy Bill, ano po ba yung layunin at paano makikinabang yung ating mga kababayan dito?
07:22O, yung connectadong Pinoy Bill naman, ang legislative intent niyan is to broaden as much as possible access to the internet by all Filipinos.
07:33Ang mensahe po dyan is no Filipino left behind para rin gumanda yung competition in the telecom space.
07:42Yan po yung layunin yan.
07:44Tsaka, alam nyo, pagka dumami yung connectivity, dadami din po yung trabaho.
07:48Opo. Pero may ilang grupo pong pinapavito eh.
07:51Yung panukalang batas na ito dahil umano sa unaddressed concerns.
07:56O hindi nakonsulta yung lahat ng stakeholders. Ano pong masasabi nyo dyan?
07:59Ah, yun. Patuloy po tayo sa consultation.
08:02And alam ko last week, bago pa lang ako, nagkaroon ng public consultation din.
08:09Dito mismo, kung saan nyo ako in-interview sa CICC.
08:12And patuloy po ako makikipag-uusap dun sa both sides of the fence.
08:16Ang trabaho ko po bilang kalihim ng DICT, i-harmonize ba yung mga stakeholders?
08:23Tapos gagawa po kami ng recommendation sa Kongreso.
08:27On, ano yung pinakamagandang ma-harmonize lahat?
08:30At syempre, hindi lahat mapagbibigyan in terms of their issues and concern.
08:36Pero ang importante dyan is, lahat mag-agree kung ano yung tama tapos kung ano yung isusulong sa legislature.
08:43Okay, well, abangan po natin tatututukan ng issue ito dahil napakahalaga.
08:47Dahil marami nakikinabang pero marami din yung nananamantala.
08:50Maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Hali.
08:54Maraming salamat. Thank you.
08:55CDICT Secretary Henry Aguda.
09:00Ang ikonic na pagliyad habang umaawit, nakatatak na sa mundo.
09:17Tuwing nababanggit ang pangalang Pelita Corrales.
09:21Ang tinaguriang Asia's Queen of Songs na mahigit-anim na dekada na sa Philippine showbiz.
09:27May lugong Kastila, proud Cebuana.
09:30Mula sa pag-aaral sa Spain, pumasok sa pag-awid si Pilita nang bumalik sa Pilipinas.
09:37Nakapag-record ng NASA 130 singles at albums.
09:42Nagtanghal siya kasama ang mga kilalang artista sa buong mundo at front act sa mga concerts.
09:48Kung alam mo lang in town doon.
09:51Isa rin magaling na aktres si Pilita.
09:55Mapapilikula man o telebisyon.
09:57Sa pagpapaiyak o pagpapatawa.
10:00Napamahal sa mga manunood at kapo-artista si Pilita o maminta.
10:05Ang bote natin ng asukal, ang naisulat ko ay asen.
10:13Para, huwag lang gamin.
10:17Pumanaw sa edad na 87 si Pilita Corrales.
10:21Kinumpirma ito sa Instagram post ng apo niyang si Janine Gutierrez na inalala ang kanyang lola.
10:28Hindi pa isa na sa publiko ang dahilan ng pagpanaw.
10:32Dalawa ang kanyang anak na nasa showbiz din.
10:35Sina Jackie Lou Blanco at Ramon Christopher Gutierrez.
10:39Sa Instagram stories ng actress TV host na si Isa Litton.
10:44Kitang emosyonal si Jackie Lou sa curtain call ng stage play na The Foxtrot.
10:49Nireshare ito ni Jackie Lou at inalay ang performance sa kanyang pumanaw na ina.
10:55Nagbigay-pugay din ang anak-anakan at singer na si Jaya sa kanyang mamita.
11:00Na tumulong daw sa kanya sa lowest point ng buhay niya.
11:05Hindi raw matatawara ng pagmamahal.
11:08Pagiging bukas palad at pagiging sincere nito.
11:16Saan ka man naruro?
11:22Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:36Huli sa dash cam ng isang sasakyan sa sumulong highway sa Antipolo City.
11:40Pumabiyahe ang motorcycle rider na iyan na may iba pa palang binabalak.
11:43Nang maka-tempo kasi.
11:44Eh, tinangay niya ang cellphone na nakasoksok sa lukuran ng sinusundang siklista.
11:51Eh, binunsan ng rider cellphone at tumakas.
11:54Naiyak na lang sa takot at hinayang ang 18 anyos na biktima.
11:58Ang tinangay kasing cellphone, birthday gift raw kasi ng kanyang magulang.
12:02Inutugis na ng pulisya ang salarin na mahaharap sa reklamong pagnanakaw.
12:07Nag-inspeksyon sa ilang bus terminals si Department of Transportation Secretary Vince Dizon ngayong Lunes Santo.
12:21Detalyo tayo sa ulat on the spot ni Oscar Oida.
12:24Oscar?
12:25Yes, Kara.
12:29Kasama nga tayo ni DOTR Secretary Vince Dizon ng maglibot kanina sa may Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX,
12:37maging sa mga terminal dito sa Pasay.
12:40Mga bandang alas 9 ng umaga nang makarating ng PITX ang kalihim.
12:45Agat nilibot ang lugar at ininspeksyon ang mga pasilidad.
12:50Nakipag-kumustahan din siya sa mga pasahero pati mga tauan ng nasabing terminal.
12:55Ayon kay Secretary, mukhang maayos naman daw ang patakbo sa PITX.
13:01Ilan nga lang daw sa mga puna niya ay ang kailangan daw na mas marami pa ng CR.
13:06Bagamat malinis naman daw, madagdagan daw dapat dahil napakalayo raw ng lalakarin ng mga tao para lang makarating ng CR.
13:14Napansin din ng kalihim ang kalagayan ng mga dispatcher na nasa may mainit na lugar.
13:20Dapat daw ay mabigyan ng mas maayos na pwesto ang mga ito.
13:25Yung mga signages ng mga short travel, nakpansin din niya yun.
13:29Wala raw kasi mga oras.
13:30Dapat daw may mga nakalagay na oras ito at dapat nasusunod para alam ng mga tao kung kaanong oras ang mga biyahe.
13:39Batid naman ang pamunuan ng PITX na diperpekto ang kanilang sistema.
13:44Pero malaki daw ang may tutulong ng mga pointers ng kalihim para mas mapaganda ang kanilang operasyon.
13:50Samantala Kara, sunod na mga ininspeksyon ni Secretary Dizon ang mga bus terminal dito sa Pasay.
13:56Sa isang bus terminal sa lugar, di na itago ng kalihim ang kanyang pagkadismaya nang abutan niyang nagsisiksikan sa mga waiting shed na yari sa trapal ang mga naghihintay na pasero.
14:10Lalo pa siyang nainis nang makita ang mga palikuran na bukod umano sa madumi e maliit pa.
14:17Ayon si Secretary, ipapatawag ang mga iari ng bus company na nag-ooperate nito para pagpaliwanagin.
14:24Pero ipapasara daw niya ito matapos ng Semana Santa.
14:28Samantala ayon sa DOTR, may plano na silang magpagawa sa Valenzuela ng terminal nakatumbas ang PITX sa Norte.
14:37Kara?
14:37Maraming salamat, Oscar Oida.
14:40Umpisa na ng botohan para sa mahigit 1.2 million overseas voters na rehistrado para sa eleksyon 2025.
14:58At sa unang pagkakataon, ilan sa kanila ay pwedeng bumoto gamit ang internet.
15:03Sa New York, sa Amerika, ilang overseas voter na ang nakaboto online.
15:06Sabi na yun lang nakausap ng GMA Integrated News, madali at mabilis lang ang online voting basta kumpleto ang valid ID at iba pang requirements.
15:16Sakali rin magkaaberya sa online voting, may helpdesk ating konsulado sa New York.
15:21Nakaboto na rin ang ilang overseas voters sa Hong Kong.
15:25Marami sa kanila kinailangan pang pumunta sa konsulado dahil nahihirapan sila sa pre-registration at pagpasok sa online voting and counting system o VCS ng COMELEC.
15:35Available ang internet voting sa 77 lugar abroad.
15:39Kailangan lang mag-pre-enroll hanggang May 7.
15:42Sa 16 na lugar naman, kailangan pa rin bumisita sa konsulado o embahada para makaboto.
15:48Magtatapos ang overseas voting kasabay ng pagtatapos ng botohan dito 7pm sa May 12 oras sa Pilipinas.
15:55Nag-uwi ng medalya ang ilang atletang Pinoy sa kauna-unahang Thailand Kickboxing World Cup 2025 sa Bangkok, Thailand.
16:09Walong gold medal, apat na silver at sampung bronze medals ang naiuwi ng Philippines Kickboxing Delegation mula sa kompetisyon.
16:20Hindi rin nagpahuli ang Filipino Wushu Sanda Athletes, isang gintong medalya ang naipanalo sa men's 56kg category sa 10th Sanda World Cup na idinaos sa China.
16:34Dalawang bronze pa ang naiuwi ng dalawa pa nating atleta sa Wushu.
16:50Dalawang bronze