Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
Inaasahan ng gobyerno na mas maraming rebelde ang susuko at titigil sa armadong pakikibaka sa tulong ng safe conduct pass na puwedeng iisyu sa kanila sa pinirmahang memorandum circular ni Pangulong Bongbong Marcos. Sa bisa nito, may dagdag proteksyon ang mga rebeldeng nagbabalik-loob sa pmahalaan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inasaan ng gobyerno na mas maraming rebelde ang susuko at titigil sa Armadong Pakikibaka sa tulong ng Safe Conduct Pass
00:07na pwedeng i-issue sa kanila sa pinirmahang Memorandum Circular ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:13Sa visa po nito, may dagdag proteksyon ang mga rebelde na nagbabalik loob sa pamahalaan.
00:18Nakatutok si Rafi Tima.
00:23Paanyaya para ihinto ang Armadong Pakikibaka.
00:26Ganyan isinalarawan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pinirmahang Memorandum Circular No. 36 sa kanyang pagbisita sa Maguindanao kaninang umaga.
00:34Ang Circular, nagbibigay otorisasyon sa National Amnesty Commission para magbigay ng Safe Conduct Pass sa mga rebelding.
00:40May mga kinakaharap na kaso pero gusto mag-apply ng amnestiya.
00:44Ang mga Safe Conduct Passes na ito ay hindi lamang magbibigay ng proteksyon sa mga aplikante ng amnestiya laban sa pagka-aresto, pagkakulong at pag-uusig.
00:54Higit sa lahat, ito ay isang paanyaya sa lahat ng rebelde na ihinto ang armadong pakikibaka.
01:03Ayon sa Presidential Advisor in Peace, Reconciliation and Unity, libo-libo na ang nais mag-apply ng amnestiya.
01:09At dahil sa Safe Conduct Pass, asahan pa raw na marami ang mayainggan yung sumuko.
01:13Sa CPPNP, more than 30-30,000 na tayo.
01:17And then, yung in-expect natin, with this ceremonial signing ng Mahal na Presidente, we can assure na marami pang mag-susurindra.
01:27Every day, marami mga susurindra.
01:29Pinirmahan ng Pangulo ang Circular sa harap ng ilang lokal na leader ng Central Mindanao, kasama na ang ilang opisyal ng BARM, MNLF at MILF.
01:36Matapos ang ceremonial signing, personal na in-inspeksyon ng Pangulo ang mahigit 1,000 matataas na kalibre ng baril na nakumpiska, isinuko at nahuli mula 2024 hanggang ngayong buwan sa mga lugar na nasasakupan ng 6th Infantry Division ng Philippine Army.
01:51Kinausap din ng Pangulo ang mga sundalo ng 6th ID na naka-assign sa Central Mindanao, isa sa mga lugar na binabantay ng COMELEC ngayong papalapit na eleksyon.
01:59Ang pinirmahang Circular na magbibigay ng amnestiya para sa mga nais na ibabang kanilang armas, isang malaking hakbang daw ng pamahalaan para sa pangmatagalang kapayapaan, lalo na sa baging ito ng bansa na dekat-dekada ng saksi sa karahasan ng mga Pilipino laban sa kapwa Pilipino.
02:17Bula rito sa Maguindanao para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
02:23Bula rito sa Maguindanao para sa GMA Takeated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.

Recommended