Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
Ano nga ba ang silbi ng COMELEC? Bakit hindi mapigilan ang flying voters?

Sinagot ni Commision on Elections Chairman George Erwin Garcia ang mga maiinit na katanungan ng netizens sa Reddit! Panoorin ang video.

Follow GMA Integrated News on Reddit at sundan ang aming mga balita sa r/KamuningStation at r/NewsPH!

#Eleksyonaryo #DapatTotoo #Eleksyon2025
Transcript
00:00Number one, the Comelec must always tell the truth.
00:02Hindi naman sa umiiwas sa responsibilidad ng Comelec.
00:05Kaya lang, meron po kasi tayong batas.
00:06So, medyo dapat po ma-empower kami.
00:08Magandang araw po ako po si Chairman George Sherwin Garcia ng Commissioner Elections.
00:12Sasagutin ko po ang lahat ng katanungan nyo galing sa Reddit.
00:22Ang Comelec po ay Commissioner Elections.
00:25At ito po'y isang constitutional body.
00:27Ibig sabihin, mismong saligang batas ang gumawa po nito.
00:31And therefore, ito po'y isang permanenting opisina.
00:34Hindi pwede basta i-abolish ng kahit na sino kung hindi babaguhin ang saligang batas.
00:39Ang aming pong role, kami po ang tagapagpatupad ng ating batas.
00:43Tagapag-enforce ng lahat ng batas.
00:45Patungkol sa halalan, referendum, initiative, recall.
00:48Basta tungkol sa lahat ng halalan.
00:50Comelec po yan.
00:52Comelec ang in charge.
00:53Lahat din sa pag-disqualify ng kandidato.
00:56Pag-verify kung ang qualified ang kandidato.
00:58May bayolasyon ba sa kanilang pagkino, sa kanilang pangangampanya, sa kanilang pagiging kandidato.
01:04Lahat po yan sa Commissioner Elections.
01:06Sa katotohan na lang yung nakalagay sa saligang batas, sapat naman ang aming kapangyarihan doon.
01:25Sapat naman yung mga garantiya na binibigay ng saligang batas upang masiguradong magagawa ng Comelec ang kanyang trabaho.
01:31Kaya lang, alam niyo po kasi, yung mga provisyon ng saligang batas ay kakailanganin yung tinatawag na implementing legislation.
01:38Kailangan ng mga dagdag na batas.
01:40For example, kailangan po natin ang election code na makabago, hindi 1985.
01:44Kailangan natin ang mga batas na makabago para sa party list law.
01:48Mga aaring nasa saligang batas, kaya lang, yung batas na nagpapatupad, medyo may katandaan na po.
01:53Kaya yan po yung mga pagbabago na kakailanganin po natin.
01:57Pero again, again, ginarantya ng saligang batas na ang Comelec ay isang independent, constitutional body.
02:11Isa na po ang susya sa voter's education.
02:14Number one, the Comelec must always tell the truth.
02:17Number two, the Comelec must always be accessible to the public.
02:20Meaning, kung merong media, radio, TV, diaryo, kahit social media, dapat available kami.
02:26Number three, dapat lagi namin nasasagot yung katanungan ng bayan.
02:30Kahit mahirap, kahit maaaring agayin sa amin ang kasagutan, we must be willing to answer the question.
02:37And I think that's the best voter's education approach na pe-pwede ang Comelec.
02:41Kaya lang, kaya pe-pwede rin naman na ang voter's education magsimula sa pamilya, sa ating mga simbahan, sa ating mga paaralan.
02:49Diyan papasok din ang coordination, cooperation ng Comelec sa mga institusyon na yan na pe-pwede magsilbit, magbigay ng kaalaman sa ating mga kababayan.
02:59Ang kaunahan po yung ginawa dito sa Comelec ay gumawa po kami ng isang permanent office, Vulnerable Sectors Office.
03:14Lahat ng nakatatanda natin na halos 12 milyon, lahat ng mga PWDs natin na halos kalahating milyon,
03:21lahat po ng mga indigenous peoples natin na almost 800,000.
03:24Yung ating mga pursuits ni Private Liberty, yung mga nakakulong habang walang final judgment na pe-pwede makaboto,
03:31pwede rin mahalal. 68,000 po sila, more or less.
03:34So lahat po yan, meron po kaming isang opisina nagkahahandle para sa kanila.
03:39Gumagawa rin po kami ng mga programa at mga pulisiya para po sa kanila.
03:43For example, ngayon darating na halalan, meron tayong early voting hours para sa mga nakatatanda at may kapansanan.
03:49Alas 5 ng umaga hanggang alas 7, pwede na po silang makaboto sapagkat lalo na yung mga lolo, lola, tatay, nanay, maagang gumising.
03:58At dahil dyan, maagang rin yung pangubukas ng aming mga presinto para hindi naman sila kasabay ng karamihan.
04:03Hindi nasasagi, hindi na iinitan ng init ng araw. May 12 po yan, yung init ng araw yun.
04:08At syempre, hindi na uuahaw so kahit paano may lamig-lamig pa ang panahon kapag alas 5 ng umaga.
04:13At the same time, yung mga kababayan natin na indigenous peoples, para po sobrang naman po natin pinapahirapan kapag pinaglalakad natin ng ilang kilometro, ilang oras para lang makarating sa paaralan kung saan sila boboto.
04:26Hindi ba pwede namang dalhin na lang natin yung presinto sa mismong lugar kung saan sila nakatira?
04:31Yan, pinapromote natin yung inclusivity.
04:34Yung mga kababayan natin sa abroad, yung mga overseas Pilipinos, hindi ba ginagawa natin ang lahat ng paraan para sila ay makaboto kahit sila ay marino, sila ay nagtatrabaho, patagal lang nakatira abroad o maaaring dual citizen na nga.
04:48Dahil citizen na rin ng ibang bansa, kinakailangan, wala po tayong iiwanan.
04:52Isang boto, isang Pilipino.
05:04Alam niyo po, siyempre po napakalawak ng kapangyarihan ng Komilek, nabanggit ko na po tungkol sa saligang batas.
05:15At nasa saligang batas, kaya lang, medyo limitado po tayo nung po namang mga kapangyarihan na nasa mga lokal na batas natin o yung mong legislation.
05:25So medyo dapat po ma-empower kami. Halimbawa, sample lang ko po kayo.
05:29Tama po, pwede namin baklasin ang lahat ng gusto namin pagbabaklasin kapag tayo pumasok sa campaign period.
05:34Eh pero sabi po ng Korte Suprema, kapag nasa private property, yung mga materials, campaign materials,
05:40eh hindi namin pwede pa kialaman. We have to respect private ownership.
05:43Oh, eh di pa paano po pagka ang campaign materials na pangkalalaki,
05:47misan eh, non-biodegradable pa nakalagay sa private properties, paano po yun?
05:51Eh may decision ng Supreme Court ng tatlong kaso na bawal namin galawin ang nasa private property.
05:58Gusto po namin yung pagtatanggalin, kaya lang po limitado po tayo nung ating mga umiiran na batas at desisyon
06:03ng Korte Suprema.
06:06Dapat totoo, dapat totoo, dapat totoo, dapat totoo, dapat totoo, dapat totoo,
06:19hindi naman sa umiiwas ang responsibilidad ng COMELEC.
06:22Kaya lang, meron po kasi tayong bata. Sabi ko nga po sa inyo, ang COMELEC ay tagapagpatupad lang ng batas.
06:27Wala po kaming kapangyariyan na baguhin ang batas natin na umiiran dito sa ating bansa.
06:31Nakakalungkot, sapagkat sabi ko na nga ba lagi kami masisisi.
06:35Kaya lang, sa bandang huli, paano po ito ang batas?
06:37Samplean ko po kayo kung bakit ganyan na sinasabi ko.
06:40Huwag na po natin tawagin silang flying voters.
06:44Matagal na po yan, kumita na yung pangalan yan.
06:47Paano po yung isang botante ay nagpapakita sa mismong COMELEC
06:50ng sertifikasyon mula sa barangay chairman ng barangay niya na siya ay taga doon.
06:57Siya ay isang residente ng barangay na yan.
06:59E sabi po ng Korte Suprema, Korte Suprema na po yan ha.
07:03Sa isang kaso po na sa Billy versus COMELEC,
07:07ang sabi ng Supreme Court, basta magpakita ng barangay certification ay isa sa pinakamataas na ebidensya na nakatira yung taong yan.
07:15So, ang tanong, may magagawa po ba yung COMELEC na tanggihan yung mismong pag-a-apply ng taong yan
07:22dyan sa mismong lugar kung saan siya nagsasabing nakatira.
07:26E paano po kung napakadami nila?
07:28Wala rin po kami magagawa.
07:29Kaya nga po ang pinaglalaban namin, tanggalin ang barangay certification
07:33bilang ebidensya na sila ay nakatira doon kasi po nawe-weaponize.
07:37Nagagamit ng iilan, lalo na ng ilang barangay officials,
07:41para padamihin ang bilang ng mga botante sa kanilang lugar
07:45na hindi mo kayang pigilan dahil pinoprovide ng batas at ng desisyon ng Korte Suprema.
07:51Yan po, sasabihin natin bakit pinapayagan kahit na galing na dito?
07:55Hindi po sila nagdo-double registration na ngayon.
07:58Kasi nahuli na yan e.
08:00Ang ginagawa po nila, nagpapatransfer ng registration.
08:03Mula doon sa sinabi niyong bundok,
08:05papupunta ngayon sa kapatagan, dito magpaparehistro,
08:09transfer of registration.
08:10Ano ipapakita ang ID?
08:12Hindi ID, barangay certification.
08:14Saan galing?
08:15Doon sa nililipatan na barangay.
08:17Para po sa mga updates natin,
08:19kinakailangan lagi po tayong tututok
08:20sa social media pages ng GMA Integrated News
08:23at ng Commissioner Elections
08:25para sa makabuluhang ka-informasyon
08:27patungo sa 2025 National and Local Elections.
08:32Maraming maraming salamat po.
08:33Dapat totoo!
08:36Dapat totoo!

Recommended