Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Ang mabilis na pagkalat ng mga impormasyon ngayon sa social media malaki raw ang naitulong sa COMELEC para mas paigtingin ang paninita laban sa mga kandidatong nambabastos sa kanilang mga kampanya -- bagay na puwedeng maging election offense. Lima na ang nasita ng komisyon kaugnay niyan at inisyuhan ng show cause order.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Kung tutuusin, hindi na raw bago ang panlalait at pambabastos ng ilang mga kandidato habang nangangampanya.
00:38Pero sa unang pagkakataon, naninita na ang COMELEC.
00:41Limang kandidato na ang inisyuhan ng show cause order ng COMELEC dahil sa kanilang mga sinabi habang nangangampanya.
00:47Ang mga solo parent na babae na nire-regla pa, minsan sa isang taon, pwede sumipin mo sa akin.
00:54Ang mga lalaki, maayo kayo na.
01:00Ang aking kalabay, isang bilmasang tusla ang nalaos na.
01:11Di man pwede nga maot.
01:14Kahit kung loyan ang mga lalaki,
01:16at tumangon sa pangit nga nurse,
01:21announced naman, musamot atong sakita na.
01:24Nasa hospital na po yung kalaban namin, bypass, kidney, stage 5, cancer.
01:30Kaya, hindi na po makapampanya.
01:32Sa ilalim ng COMELEC Resolution 11116,
01:35ipinagbabawal ang bullying at diskriminasyon laban sa mga kababaihan, persons with disability, may HIV at iba pa,
01:43pati ang gender-based harassment at labeling.
01:46Ang paglabag dito, maituturing na election offense.
01:48Pag-aaralan ng COMELEC ang sagot ng mga kandidato at depende na sa kanilang evaluation
01:53kung sasampahan ng disqualification o election offense ang mga kandidato.
01:58Walang complainant sa mga initial show cause order.
02:00Batay lahat ito sa mga namonitor ng COMELEC sa social media.
02:04Isa raw ito sa mga kaibahan ngayon,
02:06ayon kay UP Political Science Professor Jean Encinas Franco.
02:10Mas mabilis ang pagpapakalat ng impormasyon dahil sa social media
02:13at mas maalam na ang mga butante tungkol sa diskriminasyon.
02:16Because of technology, we've democratized access to information.
02:23Before, we had to rely on our elders, our parents, to tell us what is right or what is wrong, or our teachers.
02:32Dahil mas mabilis ang pagpapakalat ngayon ng impormasyon, mas mabilis na rin daw ipaalam ang nakitang pagkakamali.
02:39It's also very easy to get feedback or to distribute information.
02:46Reactions over controversial statements being distributed very fast compared to before.
02:56And that's something that's already amplifying what has been called a smoke culture.
03:03Sana, sabi ng election watchdog na Lente, tumaas ang level ng diskurso sa pangangampanya dahil sa aksyon ng COMELEC.
03:10Kapag ganito, na nakikita nilang bawal na sila gumawa ng mga statements na hindi naman nakakatuwa
03:17o discriminatory o nakakabasto sa certain sector ng population natin,
03:22mag-iba ang kanilang diskurso at hopefully, mas talaga mapufocus na lang sila sa kanilang programa.
03:30Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 Oras.

Recommended