24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Inilabas ng Okta Research ang resulta ng kanilang tugon ng masa March 2025 pre-election survey.
00:09Nakatutok si Maki Pulido.
00:14Sa March 2025 tugon ng masa survey ng Okta Research para sa election 2025,
00:2018 kandidato ang may statistical chance na manalo kung ginawa ang eleksyon noong panahong isinagawa ang survey.
00:26Ito ay sina Sen. Bong Go, magkapatid ng Congressman Irwin Tulfo at Ben Tulfo,
00:32dating Senate President Tito Soto, incumbent Sen. Bong Revilla Jr. at Lito Lapid,
00:37dating Sen. Ping Lacson, Sen. Pia Cayetano at Bato de la Rosa,
00:42Makati City Mayor Abby Binay, Congresswoman Camille Villar,
00:46dating Sen. Manny Pacquiao, Willie Revillame, dating DILG Secretary Benher Abalos,
00:51mga dating Sen. Bam Aquino at Kiko Pangilinan,
00:54Sen. Francis Tolentino at Aimee Marcos.
00:58Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews nationwide noong March 18 hanggang 24, 2025.
01:051,200 male at female registered voters na edad labinwalo pataas ang in-interview para sa survey.
01:12Meron itong plus minus 3% na margin of error at 95% confidence level.
01:17Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katuto, 24 Oras.
01:25Ikinabahala ng isang concerned citizen ang mga nakabalandra umanong tanke ng LPG.
01:30Sa isang barangay sa Cavite, nasa kalsada lang umano ang mga ito sa halip na sa loob ng tindahan,
01:36kaya pinangangambhang takaw-sunog.
01:39Inaksyonan yan ng team ng inyong kapuso, Action Man.
01:42Nakabalandra sa kalsada at wala sa loob ng tindahan.
01:51Ang agaw pansin na mga LPG cylinder na ito sa isang bakagi ng barangay San Francisco sa General Trias Cavite.
01:59Sumbong ng concerned citizen, nangangamba sila sa bantang hatid ng mga tanking nakasalansan lang sa daan,
02:06lalo na't malapit lang ito sa mga bahay.
02:08Dumulog ang inyong kapuso, Action Man, sa Business Permit and Licensing Division ng General Trias Cavite.
02:17Katuwang ang Bureau of Fire Protection, Office of the Building Official at Barangay San Francisco.
02:22Nag-inspeksyon sina sa lugar.
02:24Lumaba sa inspeksyon na nagkaroon ng paglabag sa Presidential Decree 1096 o National Building Code
02:30na siyang nagtitiyak sa kaligtasan ng mga istruktura sa isang komunidad.
02:35Nag-issue rin ang Notice to Compliance BFP na naguutos sa may-ari ng tindahan na bawasan ang bilang ng kanilang LPG cylinders.
02:42Inirekomenda rin dapat may saayos ang paglalagay ng mga tindang tangke.
02:47Kailangan din nilang mag-secure ng updated fire safety clearance hinggil sa maayos na storage ng mga tangke.
02:53Na-open naman po kami sa reklamo dahil siyempre yung mga tao na hindi alam po yung safety ng LPG,
03:02eh siyempre matatakot naman po talaga.
03:04Huwag po silang mag-alala kasi meron po kaming mga training po na inatenan para makakuha po kami ng mga permit.
03:11Sa ngayon ay nabigyan na ng show cost order ng tindakan at pinagpapaliwanag sila
03:16kung bakit hindi dapat ma-revoke ang kanilang business permit.
03:19Alinsunod sa mga nakitang paglabag, nangako naman ang pamunuan ng tindakan
03:24na susunod sa mga rekomendasyon ng lokal na pamangalaan.
03:31Tututukan namin ang sumbong na ito.
03:33Para sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
03:37o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner, Samar Avenue, Diliman, Quezon City.
03:43Dakila sa anumang reklamo, pang-aabuso o katiwalian,
03:45tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man!
03:50Ilang araw bago ang Simana Santa, pinatututukan ng Transportation Department
03:55ang pag-iwa sa overloading sa mga pantalan.
04:00Sa naia naman, nagbili nito kontra sa mahabang pila sa loob at traffic naman sa labas.
04:08Nakatutok si Oscar Oida.
04:09Dahil Simana Santa at pinakadinaragsa, todo na ang pag-ahanda ng Batangasport.
04:19Hanggang 25,000 pasahero ang dumaraan dito sa Batangasport kapag ganitong peak season.
04:25Ang peak natin, aakyat tayo yan by next Tuesday. Monday and Tuesday, medyo dyan tayo handang-handa na dadami yung mga pasehero natin.
04:36We expect sa peak season natin, Monday, Tuesday, umaabot tayo ng mga 20,000 to 21,000 passengers a day yan.
04:43Dito lang sa Batangas.
04:44Bago pa yan, ay ininspeksyon na ngayon ni Transportation Secretary Vince Dizon ang pantalan at kontento naman siya sa siguradad nito.
04:54Gayun din sa ticketing system.
04:56Bagamat nais ng kalihim na matuloy na ang pinaplanong electronic ticketing system para iwas fixer at bawas pila.
05:03Kaya naman may piga kasi nandito na sila maaga pero sarado pa yung mga booth.
05:08Tapos pangalawa, makakatulong din ang malaki yung e-ticketing natin para masigurado na hindi tayo nag-overload.
05:15Approved din siya sa the aircon na waiting area at palikuran.
05:20Happy rin ang marami kong nakausap maliban sa mahina ang data signal sa loob.
05:25Nag-improve po siya kaysa sa last year. Yung problema lang po dito is yung internet. Kailangan pa po namin lumabas.
05:31Papapatagdag natin kung pwede pagka isa lang ang provider tapos huwag yung libo na yung nandito sa loob.
05:37E medyo mauubos na yung bandwidth nun. So nagpapadagdag kami. Hopefully kung kaya natin magpadagdag bago next week.
05:45Isa sa mga nais matuldukan ni Secretary Dizon ang mga insidente ng overloading na karaniwang nagiging sanhin ng aberya sa karagatan.
05:54Kailangan stricto tayo dyan. At pag may nag-violate niyan, e medyo mabibigat ang mga i-impose na penalties.
06:00Seryoso ang gobyerno dito.
06:02Aktual na binibilang yung pasahero. Kino-cross-check natin dun sa capacity ng barko.
06:07At sinisigurado natin na kung narating na yung maximum allowable passengers ay wala nang pwedeng sumakay.
06:16Ininspeksyon na rin ang NIA Terminals 1 at 3 kaninang umaga kung saan gusto rin ang Transportation Secretary na maiwasan din ang maahabang pila sa loob.
06:26Pati mabigat na traffic sa labas. Ngayon pa lang ay pinalawak na ANIA ang driveway para sa mga naghahatid o sumusundong sasakyan at nagdagdag din ng parking.
06:38Nagdagdag naman ang Bureau of Immigration ng mga Immigration Officer sa mga OFW lane.
06:44To ensure na punong-puno po yung ating mga counters para pagsilbihan po yung expected talaga natin na influx na mga travelers.
06:52Para sa GM Integated News, Oscar Oida nakatutok 24 oras.
07:02Mga kapuso, ramdam niyo po ba ang init at alinsangan kanina?
07:07Labindalawang lugar sa bansa ang nakapagtala ng init na nasa danger level o mapanganib sa kalusugan.
07:14Nangungun na riyan ang 45 degrees Celsius na naramdaman kanina sa Dagupan, Pangasinan.
07:17Sinundan ang 44 degrees Celsius sa Kamita City at 43 degrees Celsius sa Pasay City.
07:23Matinding init din ang naranasan sa iba pang probinsya na ang karamihan ay nasa Luzon.
07:28Para bukas, posibleng danger level ulit ang heat index sa Cabine City.
07:32Dagupan, Pangasinan, Tayabas, Quezon, Rocas, Capiz at Dumangas, Iloilo.
07:3644 degrees Celsius ang pinakamataas kaya ingat po sa banta ng heat exhaustion o heat stroke.
07:4238 hanggang 40 degrees Celsius naman sa Metro Manila.
07:46Ang maalinsangang panahon, dala pa rin ang Easter Lease na ngayon kasabay na rin umiira lang Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
07:53Base sa datos ng Metro Weather, malawakan at may malalakas na pagulan sa Mindanao at malaking bahagi ng Visayas bukas, lalo na po sa kapon.
08:01Maging alerto dahil posibleng magpabaka o magdulot ang paghuhon ng lupa.
08:04May mga kalat-kalat na ulan din sa Palawan-Mindoro Provinces at ibabamang bahagi ng Luzon.
08:10Mababa ang tsansa ng ulan sa Metro Manila pero magdala pa rin ng payong pananga sa tirik na araw o sa posibleng thunderstorms.
08:19Nauwi sa pamumaril ang pagsita ng pulisya sa apat na nagpakilalang sundalo na ilang araw ng sunod ng sunod sa isang negosyanteng Chinese.
08:30Pangamba ng huli, baka kidnapin siya.
08:33Pero sabi ng mga sundalo, ibahagi ito ng kanilang operasyon.
08:39Nakatutok si Rafi Tima.
08:44Wala nang nagawa ang tatlong sundalo kung hindi sumuko matapos barilin ang gulong ng kanilang sasakyan
08:49na magtangkaw mo ng takasan ng mga pulis sa San Simon Pampanga nitong Martes.
08:54Noong una, ay sisitain lang sana sila dahil sa sumbong na ilang araw na nilang sinusundan
08:58ang isang negosyanteng Chinese na taga roon.
09:01Patunay ang kuha ng CCTV sa pagsunod ng sasakyan ng mga suspects sa pulang SUV ng negosyante
09:06na nangamba noong matulad sa ibang Chinese na kinidnap sa mga nakaraang linggo.
09:10Kapotok sir, diretso pa rin yung takbo hanggang makaluskontrol sila dahil habulin niya sir.
09:17Nag-360 ngayon yung Inova.
09:20Bumaba naman na po sila doon.
09:22So nagtas sila ng kamay and sabi tropa.
09:26Isa pang sundalong kasama ng tatlo ang itinakbo muna sa ospital matapos tamaan ng bullet fragments sa lieg.
09:32Nakuha mula sa apat ang kanilang mga ID, dalawang baril, mga radio communication equipment at surveillance camera.
09:38Tinanong ko sila, may mission order ba kayo?
09:41Meron po pero hindi namin dala.
09:44May coordination ba kayo?
09:46Tanungin nyo na lang po yung CEO namin.
09:48Yun po ang sagot nila.
09:50Giit na mga inaresto, lihiti mo ang kanilang operasyon at pagtiktik sa negosyanteng Chinese.
09:55Isap nga. Yun ang sinasabi po nila.
09:57Isap nga kami.
09:59Isap. So yun lang po yung palaging sinasabi nila.
10:02Isap sila.
10:03Isang AFP official na may rangong major ang dumating naman kalaunan
10:06at pinatunay ang mga sundalo nga ng AFP ang mga inaresto.
10:10Matapos magpresinta ng mission order at gun ban exemption,
10:13pinalaya ang mga sundalo.
10:15Pero mananatili ayon sa pulis siya ang kasong unjust vexation at grave threat laban sa mga sundalo.
10:21Hinihingyan pa namin ang reaksyon ng Isap o Intelligent Service of the Armed Forces of the Philippines.
10:26Para sa GMA Integrated News,
10:28Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
10:30Pansamantalang itinigil ng Amerika ang dagdag taripa nito sa mga iniimport mula po sa ibang bansa maliban sa China.
10:39Tumaas ang halaga ng stock sa Pilipinas at iba pa kasunod yan.
10:43Pero ano po ba ang efekto kung ituloyan lalo sa presyo ng bilihin at trabaho?
10:48Takatutok si Ivan Mayrina.
10:53Inanunsyo ni US President Donald Trump ang 90-day pause o pagtigil muna sa pagpataw ng matataas na taripa o buwi sa mga iniimport nito.
11:0110% lang muna ang ipapataw sa lahat ng bansa.
11:03Maliban sa China na mula sa 104% ay itinaas pa sa 125% ang taripa.
11:09Ito yung matapos humiling ng negosyasyon sa Amerika ang hindi bababa sa 75 bansa sa mga taripang ito ayon kay Trump.
11:16Kabilang sa nakipagugnayan na sa United States Trade Representative o USTR ang Pilipinas na dapat ay papatawan ng 17% na taripa.
11:24We have communicated with them our desire to engage in a meeting or dialogue with them and they have positively responded.
11:34So I will be scheduling a trip to the United States to meet with the USTR soon.
11:41Bukod sa one-on-one na pakipag-usap ng Pilipinas sa Amerika,
11:44may hiwalay ding hakbang bilang kaisa naman ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
11:49May pulong ngayon ang mga trade ministers ng ASEAN members
11:52at inaasahin gigiit nila ang pagkabahala sa epekto ng taripa.
11:56Every country will continue with their bilateral negotiations with the US
12:00and concurrently conduct a regional discussion with the US.
12:08And the key words are cooperation, not retaliation.
12:13Ang tarip o taripa ay buwis ay pinapataw sa mga produkto ng ibang bansa.
12:17Halimbawa, ang export ng Pilipinas na ipapasok sa Amerika papatawan ng 17% tax.
12:24Para hindi malugi, tataasan na lang ang presyo nito pag binenta sa mga consumer.
12:28Dahil magmamahal, nagiging paraan ito para protektahan ang local products.
12:32Ang epekto sa Pilipinas, mas konting export at kita.
12:36Pero hindi lang Pilipinas ang pinapatawan kundi lahat ng bansa, kabilang ang China.
12:41At dahil maraming produktong iniimport ng Amerika,
12:43hindi may iwasang magmahal ang mga produkto roon.
12:46Hindi tulad na maraming bansa gaganti ang China ng dagdag ding taripa
12:50sa mga ipinapasok sa kanilang American products.
12:52Kaya magmamahal din ang mga produkto sa China.
12:55Ang problema ng Pilipinas ay ang mga iniimport itong produkto na mula Amerika at China
12:59o ang mga produktong ang raw material ay mula sa dalawang bansa.
13:03Malamang, may dagdag presyo na agad yan bago pa dumating sa Pilipinas.
13:07Kung may trade-wise silang dalawa na pataasan sila ng tarif,
13:11yung input cost nun, indirectly, directly or indirectly,
13:15mararamdaman natin sa Pilipinas at sa buong mundo.
13:18Parang domino epekto niyan.
13:20Ano mang produkto kasi na nagmamahal kahit pa imported.
13:23Pwedeng makapagpamahal din sa iba mga produkto kahit local products.
13:26Kung mahal ang mga bilihin, kukunti ang benta ng mga produkto sa bansa.
13:31Kaya posibleng magdesisyon ang ilang negosyo.
13:33Nabawasan ang produksyon nito na mga ngailangan ng mas kaunting trabahador.
13:37Kung di man, tuluyan magsara.
13:39Ibig sabihin, posibleng mauwi ito sa unemployment o kawalan ng trabaho para sa ilan.
13:43Yung unemployment rate natin nung nakaraan na araw na silanggit ng PSA,
13:48nangangalig din yun.
13:50So, malaking uncertainty o walang kasiguruhan
13:54ang nangyari dahil po dito sa taripa na programa
13:58na gustong ipatupad ni Trump sa buong mundo.
14:03At dahil nga mas mahal na ang mga bilihin sa Amerika,
14:06magtitipid din ang mga dugong pinayroon.
14:08Mababawasan ang ating remittances,
14:11babagal ang paglago ng remittances natin.
14:14Hiwalay pa ang epekto kung mahirapan ang American companies
14:17na nag-e-employ na mga Pilipino sa buong mundo.
14:19Ang iba nga, may investment.
14:21Sangay o pabrika sa Pilipinas.
14:23Pwede rin silang mawala ng trabaho.
14:25Babagal yung global investments,
14:27yung global trade, babagal.
14:28Yung mga trabaho, babagal.
14:30Kahit yung OFW jobs.
14:32Kasi you're talking about the global supply chains around the world.
14:36Sa dami ng epekto,
14:38may ilan na may kontrol naman ng Pilipinas,
14:40partikular sa export.
14:41Pwede kasing maghanap ng mga bansang
14:43pwedeng suplayan na mga made in the Philippines.
14:46Kailangan mag-diversify.
14:47Kasi masyado tayong concentrated sa US.
14:5017% ang total exports natin.
14:52Biggest export market natin.
14:54Asia yung may tarif eh.
14:55Yung iba bansa, wala naman eh.
14:57Pero kung kailangan talaga mag-export sa Amerika,
15:00may bentahe pa rin magagamit ang Pilipinas.
15:02Pangalawa sa pinakamababa sa ASEAN
15:04ang 17% na tarifang ipapataw sa mga produkto ng Pilipinas.
15:09Maaring maging oportunidad pangaraw ito
15:11ayon sa mga economic managers ng gobyerno
15:13dahil maaring makahikayat tayo
15:15ng mga mamumuhunan sa bansa.
15:17Sa kabila nito,
15:18ang free trade agreement o zero tariffs pa rin
15:21ang isusulong sa negosasyon ng Pilipinas sa Amerika.
15:24Para sa GMA Integrated News,
15:27Ivan Mayrina nakatutok, 24 oras.
15:30Iginiit ni Alaba at Quezon Mayor Jose Ramil Arquiza
15:34na walang pogo operation sa kanilang bayan.
15:38Kasunod yan na pagkakaaresto
15:39ng 42 Chinese sa isang resort doon.
15:44Karamihan sa mga inaresto,
15:46undocumented at hinihinalang magtatayo ng pogo doon.
15:50Pero ang sabi ni Arquiza,
15:52walang pogo at di Anya magkakapogo sa isla.
15:56Babantayan Anya ng munisipyo
15:58ang mga dayuhang pumapasok
16:00at nagtatrabaho sa kanilang bayan.
16:02Ang meron doon, Anya,
16:04ay proyekto para magtayo ng mga wind turbine
16:07para lumikha ng kuryente
16:09na may Chinese subcontractors.
16:12Nakikipagtulungan na sila, Anya,
16:14sa Bureau of Immigration
16:15at kumpanya sa likod ng proyekto
16:17para ma-verify ang status ng mga Chinese.
16:23Wala pong pogo operation dito
16:25at wala pong mangyayaring pogo operation.
16:27Kinututukan ng ating munisipyo
16:29na ang sino mang proyekto
16:30na napapasok at narito sa ating isla
16:33na nagtatrabaho ay may kakulang valid permit.
16:41Ilang tulog na lang
16:42at mapapanood nyo na sa mga sinehan
16:44this April 19
16:45ang upcoming kapuso film
16:47na samahan ng mga makasalanan.
16:49Pero bago yan,
16:50live muna tayong makikitsita
16:52kay Larson Chago
16:53mula sa red carpet premiere nito
16:55sa Cubao, Quezon City
16:56kasama ang cast ng pelikula.
16:59Kuya LAR!
17:00Yes, Iya.
17:05Maaga pa ay dumagsana ang fans
17:07dito sa Cinema Lobby
17:08ng Gateway Mall
17:09para makita ang kanilong mga paboritong artista
17:12sa premiere night
17:14ng Samahan ng Mga Makasalanan.
17:17At kasama natin ngayon
17:18ang bida
17:19ng Samahan ng Mga Makasalanan
17:21si David Licauco.
17:23David!
17:24Yes, si Tular!
17:25Congratulations!
17:26Thank you!
17:27Thank you!
17:28Thank you!
17:29We're on TV na tayo, Tular!
17:29Hi, Ka!
17:30Tamang tama!
17:31Tamang tama!
17:32Holy Week
17:33at itong pelikula
17:34na samahan ng mga makasalanan
17:36ay ipalalabas.
17:38Yes, exactly.
17:40Super timely niya
17:41dahil
17:42yung concept ng pelikulang ito
17:45ay
17:45it centers around God.
17:46It's about
17:47change,
17:49pagbabago sa buhay
17:50na ako nagkaroon ka
17:51ng kasalanan dati
17:52doesn't mean na
17:53hindi ka pwedeng magbago.
17:55Diba?
17:56So,
17:56it's very timely
17:57for the Holy Week.
17:58Okay,
17:58so mag-invite tayo
18:00April 19.
18:01April 19,
18:03mga kapuso,
18:04in Cinemas Nationwide
18:05Samahan ng Mga Makasalanan
18:06please,
18:07please watch.
18:09Ayun,
18:09dati yan po.
18:10Mga kapuso,
18:11ang latest
18:12dito sa premiere night
18:14ng Samahan ng Mga Makasalanan
18:16of course still
18:16with David Licauco.
18:18Iya?
18:18Maraming salamat David
18:21at maraming salamat
18:22Kuya Lars Santiago.