24 Oras: (Part 1) Mayoral candidate na si Kerwin Espinosa, binaril; Dinukot na Chinese at kaniyang driver, natagpuang patay sa bag; nagsabing walang talo ang kaalyado sa kalabang may cancer, pinagpapaliwanag; DOJ Sec. Remulla: Hindi posible ang extradition kay FPRRD dahil 'di na miyembro ng ICC ang Pilipinas, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00This is Philippine Gold.
00:07Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 ola.
00:14Kapapasok lang na balita binaril ang mayoral candidate na si Kerwin Espinoza
00:21sa gitna ng kanyang pangampanya sa pagkaalkalde ng Albuera Leyte.
00:26Ayon sa kanyang kapartido na si Carl Kevin Batistis,
00:30nangyari ang pamumaril pasado las 4 ng hapon kanina sa barangay Tinaganda,
00:35sabi ng hepe ng PNP Eastern Visayas.
00:38Isinugod sa Ormog Hospital si Espinoza na nagtamon ang tama ng bala ng baril sa balikan.
00:46Wala pang detalye sa kanyang lagay.
00:48Hindi pa rin tukoy ang pagkakilala ng gunman patuloy ang investigasyon sa insidente.
00:56Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindana.
01:02Natagpo ang nakagapos balot ng duct tape,
01:06ang mukha at nakasilid sa isang bag,
01:09ang labi ng negosyanteng Chino at kanyang driver sa Rodriguez Rizal.
01:14Halos dalawang linggo na mula nang mawala ang mga biktima na dinukot umano.
01:18Ayon sa polisya, nakatutok si James Agustin.
01:20Nakasilid sa mga nylon bag ang bangkay ng dalawang lalaki ng matagpon sa Sicho Udyongan
01:29sa barangay Makabud Rodriguez Rizal,
01:32bandang alas sa isang umaga kahapon.
01:34Ang mga biktima nakasuot lang ng underwear,
01:36duguan ng mga ulo at nakabalot ng duct tape.
01:39Nakatali rin patalikod ang mga kamay nila.
01:41Hindi kinilala ng Rizal PNP ang dalawang lalaki,
01:44pero kalaunan sa Campo Krami,
01:47kinumpirma ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Jin Fajardo
01:50na ang isa sa mga lalaki ang Chinese businessman
01:53na si Kong Yuan Guo na may Filipino name na Anson Tan o Anson Ke
01:58at ang driver nito na kinidnap noong March 29.
02:01Kapaloktot siya, tapos nakatali yung kamay,
02:05nakataped,
02:07tapos inilagay siya sa parang bag na,
02:13ano ba tawag ito, parang buli,
02:15parang yung bag na plastic,
02:18pinagdugtong yung nylon.
02:21Ganun yung nakita sa kanya,
02:23tapos yung isa katabi niya rin.
02:25Ito po yung bahagi ng situiyongan
02:27kung saan natagpuan ang mga bangkay
02:28ng dalawang biktimang lalaki kahapon.
02:30Tabing kalsada lamang ito
02:32at kapasimpansin na maraming mga damo sa lugar na ito.
02:36Kaninang umaga nag-inspeksyon si Calabarzon Regional Director,
02:40Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas sa lugar,
02:43kung saan natagpuan ang dalawang bangkay.
02:45Aniya, mas payiktingin nilang pagsasagwa ng checkpoint sa lugar.
02:48Manggagaling ka sa payatas,
02:51meron naman tayong checkpoint dyan.
02:54So ang gagawin natin is dito naman sa dulo,
02:57maglalagay tayo ng checkpoint dyan
02:59in coordination with the NCRPO and PRO3.
03:04So gagawa tayo ng composite checkpoint dyan
03:07para mabantayan natin itong kabaan ng kalsada na ito.
03:11Para sa Gemma Integrated News,
03:13James Agusti, Nakatutok, 24 Horas.
03:15Itinutuling ng PNP na hindi ordinaryong pangingid na
03:21ang sinapit ng negosyanteng Chinese at kanyang driver,
03:25lalot pinatay sila kahit bayad na
03:27ang halos isang daang milyong pisong ransom nila.
03:32Kabilang siya inaalamay kung konektado ito sa Pogo.
03:36Nakatutok si June Veneracion.
03:38Bago natagpo ang patay sa Rodriguez Rizal,
03:44sina Anson Que o kilala ring Anson Tan
03:46at kanyang driver na si Armani Pabillo.
03:50Narecover muna nitong Martes sa barangay Bahay Toro sa Quezon City
03:54ang itim na luxury van na huli nilang sinakyan.
03:58Huli silang nakitang buhay noong March 29.
04:00Huli silang nakitang buhay noong March 29 ng hapon
04:03habang paalis sa opisina ni Que sa Valenzuela City.
04:07Kinabukasan March 30 naman.
04:09Inireport ng pamigla ni Que sa PNP Anti-Kidnapping Group
04:13ang pagkawala nila.
04:15Inabot din ang siyam na araw bago natagpuan ang mga labi ng dalawa
04:18na halos nakahubad, nakatali ang kamay sa likod
04:21at pinagkasya sa magkahihwalay na nylon bag.
04:24There were signs of bruises and some body injuries po.
04:30At mayroon din pong sign ng strangulation po.
04:33Sabi ng isang source, tatlong beses tagbigay ng ransom payment
04:37ang pamilya ng biktima sa mga kidnapper
04:39na ang kabuang halaga ay umabot sa halos 100 milyon pesos.
04:43Pero sa kabila nito, pinatay pa rin ang biktima at kanyang driver.
04:46Sabi ng PNP, hindi ito ordinaryong kidnapping.
04:49Sa karaniwang kidnappingan nila, pinapakawala ng biktima pagkabayad ng ransom.
04:55Bagamat na sa produksyon ng bakal o steel industry ang negosyo ni Que,
04:59tinitignan ngayon ang posibilidad na kolektado ang pagkidnap sa kanya sa Pogo.
05:03Isa po yun sa tinitignan po nating angulo and possible involvement po
05:06ng isang grupo behind this incident and previous incidents na involved po sa Pogo-related operation.
05:14Bilang bahagi ng investigasyon, binabalikan ng pulis siya ang mga CCTV sa Central Luzon,
05:20Calabar Zone at Metro Manila, kung saan pwedeng makita at makilala ang mga sospek.
05:25Bumuun na rin ang Special Investigation Task Group ang PNP.
05:28Part of the investigation po is the possible involvement po ng ilang mga Filipino citizen with Chinese nationals.
05:37Sa isang pahayag na pinadala ng abogado ng pamilya Ke,
05:40sinusuportahan nila ang investigasyon ng PNP AKG para makamit ang hostisya.
05:46Ayon naman sa pulis siya, humingi muna ng privacy ang pamilya.
05:50Ikinaalarman ng iba't ibang grupo ang insidente.
05:52Yung mga kaibigan po natin sa Chinese community and other businessmen, Filipino,
05:58talagang natatakot sila, nababahala.
06:02Ang tanong, who is next?
06:04Sa monitoring naman ng Movement for Restoration of Peace and Order,
06:08may tatlong kidnapping cases na sa loob ng limang linggo lang.
06:11Ang PNP po ay hindi po titigil hanggat ma-resolve po at mapapanagot po
06:15yung mga responsible po dito sa insidente po na ito at para maiwasan po na may susunod pa pong mga ganitong insidente.
06:23Bago nito, may Chinese student ang dinukot at pinutulan pa ng daliri bago nakalaya.
06:29Dahil sa magkakasunod na kidnapping cases,
06:31inulis na sa pwesto ang kakapromote pa lang na si Police Brigido General Elmer Ragay ng anti-kidnapping group.
06:38As to the reason, ito lang po ang pinapasabi ni Chip.
06:41He is not satisfied with the performance.
06:43That's why he was relieved and replaced.
06:46Para sa GMA Integrated News,
06:48June Venerasyon na Katutok, 24 Horas.
06:51Tiniyak ng Malacanang na patuloy na iimbestigahan ang umunay sunod-sunod na insidente ng kidnapping sa bansa.
06:57Ayon sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated,
07:02labing dalawa na ang naitala nilang kidnapping cases mula January 2025.
07:07Sampu sa mga biktima ay Chinese.
07:09Sa datos naman ng PNP anti-kidnapping group, 40 kidnapping cases ang naitala.
07:14Mula January 2024 hanggang February 2025.
07:17Sampu rin sa naitala nilang biktima ang Chinese.
07:20Kabilang ang 14 na taong gulang na dilukot sa tagig noong February 20 at naputulan pa ng daliri.
07:27January 5 naman ang dukuti ng isang negosyante sa Quezon City.
07:30Saka pinatay at isinilid pa sa drum sa isang pahayag na nawagan ang Chinese community ng agaran at malino na aksyon para mapanagot ang mga sangkot sa kidnapping.
07:39Pinagpapaliwanag na rin ang COMELEC ang isang gubernatorial candidate sa Nueva Ecija.
07:55Sinabi niya kasing wala nang talo ang sinusuportahan niyang mayor sa kalaban itong nasa ospital at may cancer.
08:04Nakatutok si Marisol Abduraman.
08:05Nakuha ang atensyon ng COMELEC ang video ito ng pangangampanya ni Virgilio Bote, isang gubernatorial candidate sa Nueva Ecija.
08:17Sa kanyang talumpati kasi noong April 3, tinukoy niya ang kalagayan umano ng kalusugan ng kalaban ng kanyang kinakampanyang kandidato sa pagka-mayor.
08:25At ngayon naman po walang nakakaatalo yung kalabang mayor, nung aking mayor dahil nasa ospital na po yung kalaban namin.
08:34Hindi ko po pinabaril.
08:35May sakit po na, ano yun? Type? Ano na sakit?
08:43Sa kidney?
08:44Bypass, kidney, stage 5, cancer.
08:48Hindi po cancer, stage 5.
08:49Cancer na rin!
08:53Kaya hindi na po makapangampanya.
08:54In-issue on si Bote ng Shoco's order ng COMELEC para magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat ma-disqualify dahil sa posibleng paglabag sa resolusyon laban sa discrimination.
09:04May cancer na nga yung tao. Kung yan may totoo na may cancer, kinakailangan pa ba natin i-degrade yung tao sa pamamagitan ng intablado sa isang kampanyahan.
09:15That's a no-no in campaigning. Basic po yun, hindi po yun. That's common sense. Very clear po yun sa atin. Discrimination against persons with disabilities.
09:26Hindi pinagigit sa Shoco's order ng COMELEC kung sino ang tinutukoy na may sakit umanong alkalde.
09:32Hindi daw dapat ginagawang biro o ginagamit na pang-atake sa kandidato, ang kapansanan o anumang health condition ng tao ayon sa COMELEC.
09:40Sabi ng COMELEC, sensitive ang informasyon ang health status ng isang tao na pununoprotektahan ng data privacy law at kung gagamitin pa sa paraang malisyoso at mapangapi, labag ito sa COMELEC Resolution 11.116 o Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines.
09:57Pinapayaga naman daw ang negative campaigning ayon sa Omnibus Election Code pero may limitasyon ito.
10:03Pero yung negative campaigning na may paglabag sa libel, may paglabag sa cyber libel, yun yung mga limitations eh.
10:10Ayan po ay direct violation ng mga existing criminal laws or election laws.
10:17Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, nakatuto 24 oras.
10:25Mahigit 600,000 piso ang halaga ng umunay-shabuh ang nasabat sa apat na sakay ng isang kotse sa Coronadal City.
10:31Wala silang kawala kahit unang tumakas sa checkpoint. Narito, ang eksklusibo kong pagtunok.
10:40Pinababa agad at ineskortan ng mga polis ang apat na sakay ng puting kotse yung hinalang nila sa barangay Carpenter Hills, Coronadal City, nitong Martes ng umaga.
10:51Nauno na iyon, tangkain harangin sa isang checkpoint para lang sana i-verify ang mga sakay.
10:55Pero sa kalip na tumigil, humarurot ang kotse ayon sa mga polis at minagpasan sila.
11:01Dalawang lalaki at dalawang babae ang sakay ng kotse.
11:04At ng inspeksyonay ng Highway Patrol Group ang loob, tumambad ang umunay kontrabandong dala ng grupo.
11:09Plain view doctrine, itong dalawang sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu with corresponding more or less 100 grams or with an estimated drug price value worth 680,000.
11:22Napakalaman din natin na sila ay kumukuha ng mga pinagbabawal na shabu or pinagbabawal na gamot dito po sa part ng Maguindanao.
11:32Hindi nagbigay ng anumang pahayagang mga suspect pero patuloy pa rin naming sinisikap na makuha na ng panit.
11:38Paalala ng HPG makipagtulungan sa police checkpoint.
11:41Hindi po motor lang ang pinapara ng ating HPG kundi pati na rin po yung four wheels sa utos pa rin po ng ating GPNP.
11:47Para sa isang malinis at seguridad na mapaparating na halalan.
11:52Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil Nakatutok, 24 Horas.
11:58Nagka-initan ang ilang senador at resource speaker sa ikatlong pagdinig ng Senado kag-ngay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
12:08Sinagot din ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia kung bakit isinuko si Duterte sa ibang bansa.
12:17Nakatutok si Mav Gonzalez.
12:18Sa pagharap ng mga opisyal ng Ehekutibo sa pagdinig ng Senado,
12:25naging mainit ang talakayan, kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
12:30Sa isang punto, naluha ang kaalyadong si Sen. Robin Padilla.
12:35Gustong maliwanagan ng Senate Committee on Foreign Relations,
12:38bakit sinurender si Duterte sa ibang bansa,
12:40gayong sa Interpol Red Diffusion, nakalagay na dapat arestuhin si Duterte para sa posibleng extradition.
12:46Ang sabi ni Justice Secretary Crispin Remulia,
12:49hindi na posibleng extradition dahil hindi na miyembro ng International Criminal Court ang Pilipinas.
12:55Kung miyembro po tayo ng ICC, nakakatulong sana kay President Duterte na hindi po siya ililipad.
13:02Eh, siya po yung mismo nag-atras ng ating membership eh.
13:05Eh, kaya nga eh.
13:07Kasi yung po yung malinaw na malinaw po,
13:09na may treaty po na kinakailangan para ho magkaroon na extradition.
13:14Eh, wala pong treaty eh.
13:16Kasi nga, nag-virona tayo sa ICC.
13:18Yun po yung option na binibigay ng batas sa authorities at sa ating, sa amin po.
13:23Sa amin pong departamento at sa ating po executive department.
13:28Malinaw po yun.
13:29Ang surrender po ay isang option na pwedeng gawin.
13:31Question din ni Committee Chair Sen. Amy Marcos,
13:34ang mga pinirmahang dokumento ni Ambassador Marcos Nakanilaw,
13:38ang representative ng Interpol Manila,
13:40nakasama ni dating Pangulong Duterte,
13:42mula sa airport hanggang sa The Hague.
13:44Nakalagay kasi sa form na sinagutan nila kanilaw
13:47na hindi niya alam kung humarap sa competent national judicial authority ang inaresto.
13:51Alam mo, mula nung dumating na talaga naman hindi pinayagan.
13:55Makita yung abogado, hindi pinayagan.
13:57Pumunta sa Pilipinong husgado, hindi pinayagan lumabas.
14:01Bakit mo sinasabing dunat no?
14:03Nandun ka, nakababad ka hanggang sa Hague, nandun ka eh.
14:06Yun ho kasing certification, yung details, nandun doon po sa DOJ certification.
14:12Yun ho yung inaantay ko that time.
14:14Pagsirabi mong di mo alam, you are lying.
14:17Sinagot din nila kanilaw sa dokumento na nakatanggap ng legal assistance
14:21ang dating Pangulo sa national proceedings.
14:23Kasama ni Duterte sa Villamor Airbase noong March 11,
14:27ang executive secretary niya na si Salvador Medialdea,
14:30na isang abogado, at si Atty. Martin Delgra.
14:32Baka namang kabulastugan lahat ito.
14:34Di ma'am, legal assistance kasi po, that time,
14:38ang pagkakaintindi ko, kasi nandun doon yung tatlong lawyers niya.
14:45May national proceedings ba doon sa Villamor
14:47na sinasakot yung tatlong abogadong sinasabi mo?
14:50Legal assistance and serving of waran.
14:54Dahil hindi ka tanggap-tanggap sa mga senador ang sagot ni Lakanilaw,
14:58ipinakotempt siya ni Sen. Bato de la Rosa.
15:00Paliwanag ng Justice Secretary,
15:02ang sinagotang form ay para sa extradition.
15:04It's an extradition form, kaya ang mga tanong po dyan
15:07is for extradition, not for surrender.
15:10A representative of the Philippine government should not just sign.
15:13He should have noted there, surrender to not applicable, etc.
15:17Para sa GMA Integrated News,
15:19Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
15:21Happy Thursday, Chicanos, mga Kapuso!
15:28Biyahing Pangasinan ang cast ng murder mystery series na Slay
15:31kasamang iba pang Kapuso stars.
15:34At all-out performances ang sweet treat nila
15:36sa mga pangasinense na nagpa-experience sa kanila
15:39ng culture, food trip, at masayang tour.
15:43May report si CJ Torida ng GMA Regional TV.
15:46May higit tatlong oras na biyahe mula sa Maynila.
15:54Mararating na ang isa sa mga patok na puntahan sa norte,
15:57ang Pangasinan.
15:59Dihan dumayo ang mga sparkle at kapuso artist,
16:02kabilang ang cast members ng Slay,
16:04na pinangunahan ni Julian San Jose,
16:06Isabel Ortega, at Derek Monasterio.
16:08At nandito tayo ngayon sa Pangasinan.
16:10Alam niyo ba na ang pangalan ng probinsya
16:12ay nagmula sa salitang panag-asinan
16:15na ang ibig sabihin ay pagawaan ng asin.
16:18Pero hindi lang dyan kilala ang probinsya,
16:20kundi pati sa nakakatakam na mga pagkain.
16:23Perfect din na summer getaway destination ang Pangasinan.
16:27Kaya na lamang ng White Sand Beach sa bayan ng Bolinaw.
16:31Mayaman din sa kultura at tradisyon ang mga pangasinense.
16:34Patunay dyan ang mga dinarayo roong simbahan.
16:37But ibang religious sites ang matatagpuan dito
16:40tulad ng St. Vincent Ferrer statue sa Bayambang
16:43at Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manawag
16:48na binibisita ng mga deboto.
16:51At makukulay na pista.
16:53Mga kapuso, tuwing buwan ng Abril hanggang unang araw ng Mayo,
16:57ipinagdiriwang ang Pistay Dayat o Sea Festival
16:59bilang pasasalamat sa yamang dagat
17:02at pagpapakita ng mayamang kultura ng probinsya.
17:05Naging extra special ang selebrasyon
17:07sa pakikisaya ng mga Sparkle at Kapuso Artist
17:10sa GMA Regional TV Kapuso Fiesta.
17:13Sa amin na mga kapuso, tara na po dito sa Pangasinan
17:15at nalawin natin ang magagandang beaches dito sa Pangasinan.
17:20At ito na nga po, let's celebrate Pistay Dayat 2025.
17:27Kinantahan sila ni Julie Ann at nakibanding din si Isabel.
17:31Every single time na pumunta kami dito sa Pangasinan, talagang sobrang saya.
17:35Sobrang nakakataba ng puso, nakakatuwa.
17:38And sana makabalik kami ulit.
17:40May song number din si Derek at Kapoy Slay cast members
17:44na si Najay Ortega at Gil Cuerva.
17:47Musical numbers din ang hatid ni Najan Rex at Chloe Redondo.
17:51Mainit ding sinalubong ng fans si Rocco Nasino.
17:54Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
18:00CJ Torida, Nakatutok 24 Horas.