Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Panayam kay National Anti-Poverty Commission Sec. Lope Santos III ukol sa malakihang pagsisikap ng Commission para labanan ang kahirapan at gutom sa bansa

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Malaki ang pagsisikap ng National Anti-Poverty Commission para labanan ng kahirapan at gutom sa bansa.
00:07Alamin natin ang mga konkretong hakbang ng ahensya para mas mapagaan pa ang pamumuhay ng ating mga kababayan
00:13kasama si National Anti-Poverty Commission Secretary Lopez Santos III.
00:17Mr. Secretary, magandang tanghali po at welcome sa ating program.
00:20Isang magiting na araw, Asek Weng, Asek Joey, nagpapasalamat tayo at muli ninyo kaming naanyayahan dito sa programa ng Bagong Pilipinas.
00:30Sir, nung March po may lumabas na survey na sinasabi na 27% ng pamilyang Pilipino ang nakararanas ng gutom
00:38at pinakamataas na ay naitala sa Visayas at Metro Manila.
00:42Unang-una, nagmamatch po ba ito sa sarili nyong datos at tama po ba ito?
00:48Ang survey na ito ay isang perception ng sample population at sa isang takdang panahon.
00:57Tingnan natin ito bilang isang feedback mechanism para mas mapaigting pa natin yung ating mga programa laban sa kagutuman.
01:06Subalit ang mga official na datos ay nagsasabi ng ibang direksyon.
01:10For example, ang Family Income and Expenditure Survey na ginawa ng Philippine Statistic Authority
01:15ay bumaba ang food poor o yung substance incidence from 5.9% to 4.3% noong 2023.
01:26Itong ginawa ng National Nutrition Council na National Nutrition Survey
01:31ay nagsasabi din na bumaba ang insidente ng underweight at stunting.
01:35So, palagay ko merong mga impact ang ating mga programa laban sa kagutuman,
01:44particularly itong mga nutrition at saka feeding programs.
01:47Sa ngayon, Secretary, ano po yung poverty reduction programs ng NAPSI para sa mga syudad at sa rural areas?
01:54Ang National Anti-Poverty Commission ay binubuo ng National Government Agencies,
01:59Local Government Units at saka ng mga basic sector.
02:01Kami, sa NAPSI Secretariat, kami yung nag-uugnay nito, nag-uugnay nitong mga sektor na ito.
02:11At ang mga programa ng NAPSI sa commission ay pinapatupad ng ating mga 27 member agencies.
02:19At itong ating 27 National Government Agencies na ito ay nag-enroll sa ating programa ng National Poverty Reduction Plan.
02:27At nakapagtala tayo ng mahigit 600 billion worth of projects in 2024 at mas malaki pa yung nakatala ngayong 2025.
02:39At ang mga halimbawa nito ay yung DOLE na Integrated Livelihood and Employment Program,
02:48School-Based Feeding Program ng DepEd, yung Walang Gutong Program ng DSWD, Sustainable Livelihood Program,
02:54at yung maraming programa ng DTI, ng DA, ng DAR.
03:00Ito yung mga programa. Marami ito.
03:02Sa pakikipagpulong at pakikipag-ugnayan, sir, ng NAPSI sa iba't-ibang rehyon,
03:08ano po yung mga priority measures?
03:11Kanina po nabanggit natin doon sa survey na Visayas followed by Metro Manila,
03:16di umano yung nakararanas ng gutom.
03:18So, halimbawa sa Visayas, ano po yung priority measures?
03:21May mga regions na mataas talaga yung poverty incidence.
03:24For example, sa Visayas, mataas yung Region 8.
03:28So, nakapocus tayo dyan.
03:30At yung magnitude of poverty naman, yung karamihan ng tao ay nasa ibang probinsya din sa Visayas.
03:37At ito yung mga tinututukan natin.
03:39Alam nyo, itong mga meetings na ginagawa, consultation na ginagawa sa regional,
03:46ay binubuo ito ng basic sector, ng regional line agencies natin, ng local government units.
03:54Maraming napag-uusapan dito.
03:55Halimbawa, ay napag-uusapan dito ang, sa Mindanao, ay yung Bangsa Moro Anti-Poverty Commission.
04:01Meron silang proposal na gumawa ng ganito sa Cordillera, yung autonomous region,
04:06ang Cordillera naman, at yung iba, climate change, disaster risk reduction.
04:13Pero ang pinakamahalaga ay kung paano ma-access ng mga batayang sektor itong mga binanggit ko na national program.
04:20At nang sa gayon ay maipatupad nila doon sa kanilang mga komunidad kasama ang local government units.
04:26Sir, kumusta naman po yung pakikipag-ugnayan ninyo sa mga LGU tungkol doon sa problema sa gutom?
04:31Ano po kaya yung dahilan ng pagtaas ng hunger rates sa bansa sa kabila ng mga programa ng pahamalaan para po tugunan nito?
04:38El, kagaya nung nabanggit ko kanina, ang mga LGUs ay bahagi ng komisyon.
04:44Apat na leagues of local government units natin ay kasama mismo sa komisyon.
04:49At ito yung League of Provinces, League of Cities, League of Municipalities, and Liga ng mga Barangay.
04:54At ang vice chairperson mismo ng NAPSI ay ang LPP President, Governor Reynaldo Tamayo Jr.
05:04At meron tayong ginawa na Memorandum of Understanding with League of Municipalities of the Philippines.
05:10Tuloy-tuloy yung ugnayan natin sa League of Cities at Liga ng mga Barangay.
05:16Yung mga programa dito, meron tayong mga tinatawag na convergence program.
05:20Tinitingnan natin na yung mga programa ng national government agencies na nabanggit ko kanina.
05:25Kung paano ito nagsasama-sama dun sa priority LGUs and priority sector at nagkakaroon ng convergence.
05:32At nang sa gayon ay mas matugunan yung kahirapan.
05:36Magkaroon ng greater impact itong mga convergence program na ito.
05:39Kung baga, nandyan yung focus families na kailangan tugunan at nagsasama-sama dyan yung iba't ibang ahensya ng pamaralan.
05:46At napaka-critical ng papel ng local government units dyan.
05:49At ito yung hinaharness ng NAPSI.
05:51Patungkol na rin doon sa mandato nila na meron dapat silang local poverty reduction action plan.
06:00Nabanggit nyo yung convergence programs ng dalawang dosen ng national government agencies, sir.
06:06So, gaano kahalaga naman yung pagpapalakas sa agrikultura sa paglutas po sa problema ng kagutuman?
06:12Alam nyo, ang pagkain ang pinakamahalagang sangkap para matugunan natin yung problema ng kagutuman.
06:22Subalit ang pagkain ay pinuproduce sa ating mga magsasaka at manging isda, dapat ito ay accessible and affordable.
06:31At para maging accessible and affordable ito, dapat meron ding pambili yung ating mga mamamayan na outside of the farming and piecing communities.
06:39At napakadami naman ang programa ng ating Department of Agriculture na tumutugon dito.
06:45In fact, meron silang naka-enroll na programa sa poverty reduction action plan natin na around 30 billion pesos.
06:52Meron sa rice, sa corn, sa livestock, feeding program, urban agriculture, organic agriculture program.
07:02Madami silang programa na tingin ko ay nakakatulong talaga dun sa paglutas ng kahirapan.
07:07At sinabi ng ating kalihim, wala tayong problema sa pagkain.
07:11Very much aligned yan sa prioridad ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin talaga yung food security ng bansa at iangat yung kapakanan ng mga magsasaka at manging isda.
07:23So sir, ayon po sa latest Labor Force survey ng Philippine Statistics Authority, bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ngayong Pebrero.
07:32Sa tingin niyo po ba, sa tingin niyo po paano ito pwedeng maipagpatuloy para mas umunlad pa ang pamumuhay ng ating mga kababayan?
07:38Sa aking palagay, ito yung resulta ng whole of nation, whole of government, and whole of society approach.
07:46Kaya bumaba yung bilang ng mga walang trabaho.
07:52Kasi tuloy-tuloy yung ating public investment sa infrastructure, tuloy-tuloy yung participation ng private sector sa paglikha ng negosyo at industriya,
08:02at syempre kasama rin yung ating mga small and medium enterprises at mga kooperatiba.
08:08At yung mga mamamuyan naman natin ay gusto rin maging produktibo at lumahok sa trabaho at sa hanap buhay.
08:14Kaya ito ay palagay ko ay kaya nating isustain itong mga ganitong direksyon.
08:22Okay sir, maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin.
08:25NAPC Secretary Lopez Santos III. Thank you sir.
08:28Maraming maraming salamat at asaan nyo ang NAPC ay nandito lang para sa convergence ng ating aksyon laban sa kahirapan.
08:36Thank you sir.

Recommended