Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maros pa, noong nakarang taon, pumanaw ang misis ng byudong dumulog sa aming tanggapan.
00:08Pero, ang inaasa kanyang death claim mula sa SSS,
00:12inaabot umano ng siyam-syam dahil sa kawalan daw ng marriage license nilang mag-asawa.
00:18Tinulungan siya ng team ng inyong Kapuso Action Man.
00:21Na-budo na nga, nahirapan pa sa pagkuhan ng death claim sa Social Security System o SSS si Mang June.
00:33Siyam na bola kasi mula nang ipasa niya ang lahat ng requirements para sa inaasahang death claim sa ahensya,
00:39pero wala pa rin usad makaraang pumanaw ang kanyang misis noong adyasi 8 ng Marso ng nakaraang taon.
00:46Medyo matagal ako kasi, kaya umulog po ako sa inyo.
00:50Saan niyo po ito gagamitin at gano'ng ito kahalaga sa iyo at sa pamilya po?
00:57Meeting ko po para sa mga anak ko po. Nag-aaral po yung mga anak ko. Dalawa.
01:01Ipinagtataka pa ni Mang June na kinikwestiyon umano ng SSS ang kawalan ng marriage license ng kanilang kasal noong 2009.
01:09Ano po ang napansin ng SSS doon po sa marriage contract?
01:14Wala pong marriage license number po.
01:16Bakit wala raw kayong marriage license?
01:18Hindi ko rin po siya alam yan. Doon ko lang po nalaman nung nag-submit po ako sa kanilang sa SSS.
01:24May married naman, bakit hindi po sigurado?
01:32As far as the spouse is concerned, siya ang nire-recognize na asawa.
01:38Hanggat walang sinasabi ang korte na walang visa ang kanilang kasal, then the SSS has to respect yung kanilang marriage contract.
01:48Kasi wala naman sa kapangyarihan nila na questioning ito.
01:51May ilang exemption daw para may kasal ng walang marriage license.
01:54Kung halimbawa, ang mag-asawa ay nagsasama na bago ang kasal sa loob ng limang taon o di naman kaya ay yung tinatawag nating kasal na artikulo mortis kung saan malapit nang mamatay yung tao o di naman kaya ay ang kasal ay naaayon sa kultura ng iba nating mga kababayan.
02:14Kung hindi naman pasok sa kondisyon ng exemption, pero may hawak na marriage contract.
02:21Wala sa kapangyarihan ng SSS ang mag-determina kung may visa o wala ang kasal.
02:26So hanggat walang pinag-uutos ang korte na nagpapawalang visa ng kasal, dapat ang SSS ay igalang o i-recognize ang kasal ng mag-asawa.
02:36Ayon naman sa SSS, bago nila iproseso ang anumang benefit claim, kailangan muna sumailalim sa validation upang matukoy ang tamang mga beneficyaryo.
02:46Kasama rito ang pag-verify ng validity ng kasal upang matiyak na ang nararapat na beneficyaryo ng yumaong miyembro ang makatatanggap ng claim.
02:55Sa kaso naman ng hindi maaproba ka ng claim dahil sa kakulangan ng impormasyon sa marriage license, maaaring mag-apila at magsampan ang reklamo ang SSS member o ang kanyang mga beneficyaryo.
03:06Sa ngayon ay naaproba ka na ang death claim ng mga June at hinihintay na lamang ang release ng pera.
03:15Mission accomplished tayo mga Kapuso.
03:17Para sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive, Corner Summer Avenue, Diliman, Queso City.
03:28Dangil sa anumang reklamo, pang-aabuso o katiwalian, tiyak may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
03:36Nakalabas na ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang Chinese Research Vessel na minomonitor ng Philippine Coast Guard sa Batanes.
03:46Pero sa bahagi ng Zambales, may panibago namang panghaharas ang mga barko ng China.
03:53Nakatutok si Joseph Moro.
03:54Halos buong hapon, tinangkambanggain ng China Coast Guard Vessel 3302 ang BRP Cabra ng Philippine Coast Guard, 200 km sa tapat ng palawig sa Zambales kahapon.
04:08Sa isang video, makikitang halos dumikit na sa likurang bahagi ng Cabra ang barko ng China.
04:15Ayon sa Philippine Coast Guard, ang hindi raw mabangga ng barko ng China ang Cabra.
04:19Na doble ang laki, nag-deploy ito ng mas maliit na barko para patuloy na harasin ang Cabra.
04:25Apat na araw na nagigigitan ang barko ng China at Pilipinas sa tapat ng Zambales.
04:29Sa gitna niya, nagpapatuloy naman ang pagmamatsyag ng Philippine Coast Guard sa nakitang Chinese Research Vessel sa bahagi ng Batanes sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas na pumasok ng walang pahintulot sa bansa noon pang April 2.
04:44Mag-aalas 10 kaninang umaga nang lumipad ang aeroplano ng PCG mula sa lawag Ilocos Norte.
04:49Namataan na ng Philippine Coast Guard yung binomonitor nila ng Chinese sa Research Vessel at ilang beses ito nang niradyohan pero hindi ito tumutubong kahit minsan sa mga regional challenges na ibinigayin ng PCG.
05:05Halos isa't kalahating oras na kami sa ere nang may namataan kaming isang barko pero isang tanker lang pala ito.
05:11Ilang minuto pang nag-ikot ang aeroplano ng PCG hanggang may namataan pa kaming isa pang barko.
05:17Ilang beses itong niradyohan.
05:17Pero hindi ito tumugon.
05:25Sa di kalayuan may isa pang barko na namataan ng PCG.
05:28Chinallage rin ito pero hindi nito tumugon at nagpatuloy sa mabilis na paglalayag.
05:36Hindi pa nakikilala ang dalawang barkong namataan 47 nautical miles o halos 600 kilometro hilagang silangan ng Batanes.
05:43Nasa border na ito ng air zones ng Taiwan at Pilipinas.
05:46Ayon sa PCG ngayon nakalabas na ng iisiyan nakikitan Chinese research vessel na Shongshan Da Shu kaninang alauna ng hapon.
05:55Pero may isa pang research vessel na namataan 50 kilometers sa silangan ng Santa Ana, Cagayan.
06:01We are still not certain kung ang ginagawa lang nila is basically freedom of navigation dahil nasa labas naman siya ng teritorial waters.
06:11Hinihingan pa namin ang payagan China o kung sa naturang research vessel pati ang panibagong pangaharas ng kanilang mga barko sa barko ng PCG sa Zambales.
06:19Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong nakatutok 24 oras.
06:27Nakisayang ilang kapuso stars sa Kapistahan sa probinsya ng Kapis.
06:32Ang mainit na pag-welcome at pag-tour sa kanila sinuklian ng all-out performances.
06:37May report si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
06:40Mayamang kultura at nagsasarapang pagkain mula sa dagat.
06:50Yan ang tampok sa taon ng pagdiriwang ng Kapistahan sa tinaguriang seafood capital ng Pilipinas na Kapis.
06:57Bumisita sa probinsya ang ilang kapuso stars.
06:59Welcome to the province of Kapis, the home of Kapistahan.
07:03First stop ni Natom Rodriguez at Anjo Perquiera, ang makasaysayang Santa Monica Parish o sikat sa tawag na Panay Church.
07:10Gaya na lang dito sa Santa Monica Church kung saan makikita ang Panay Bell.
07:14Ito po yung mga kapuso, itong malaking bell na ito.
07:17Ito lang naman, ang largest Catholic church bell dito sa Asia.
07:22After quick tour, diretto na sila sa Kapis Gymnasium para sa Coronation Night ng Hangaway Kaglin-Eisen Capis 2025.
07:28Isa sa mga host, si Anjo.
07:30Naging judge naman si Miss Universe Philippines 2016 at GMA Sparkle Artist Maxine Medina.
07:36Feel na feel naman ito ang kanyang song number para sa candidates at fans.
07:42Sa hiwalay na event itong weekend, na puno ng kulay, saya at ingay ang Roja City sa pakikisaya.
07:48Ninalolong ng Pangil Maynila cast, Paul Salas, kasama sina Carla Avellana, Luke Conde at Hanna Presilias.
07:55Napakayaman ang probinsya ng Kapis at ang mismong selebrasyon ng kapistahan ang tunay na nagpapakita nito.
08:02Alam nyo ba, kinilala ang Kapis bilang folk dance capital ng Western Visayas.
08:08Siyempre, hindi namin palalagpasin ang pagkakataong matutunan ang isa sa mga folk dances nila dito.
08:13Matyaga naman naghintay ang mga bisita at residente sa pagdaan ng naglalakihan at makukulay na floats
08:24ng iba't ibang bayan na lumahok sa maragtas ng Kapisnon Historical Parade.
08:29Ang highlight at inabangan siyempre ay ang Kapusong Fiesta, kung saan naghandog ng performances ang Kapuso Stars.
08:36Na-excite ako ng sobra sa pagpunta po namin dito.
08:40Technically, mga kababayan ko na rin po sila dahil ako'y isang ilonggo din po.
08:44Saya makita itong mga plangga ko, taga Kapis.
08:47Saya nagulat nga sila na marunong din ako mag-ilonggo.
08:51Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Kim Salinas, nakatutok 24 oras.
08:59Inisyohan ang COMELEC ng ikalawang show cause order si PASI Congressional Candidate Christian Sia.
09:05Kasunod kasi nang binatikos na biro niya sa mga solo parent,
09:10pinakilala niya ang isang tauhang hindi anya payat para may patunayan.
09:15Nakatutok si Dano Tingkungko.
09:20Minsan sa isang taon, ang mga solo parent na babae na nire-regla pa, pwede sumipin mo sa akin.
09:27Hindi pa man natatanggap ng COMELEC ang paliwanag ni PASI Congressional Candidate Christian Sia sa birong yan.
09:33Inisyohan na naman siya ng panibagong show cause order dahil sa isa na namang pahayag.
09:38Para kasi patunayang hindi anya siya manyak, iniharap niya sa hiwalay na kampanya ang isa niyang staff.
09:43Pakita ka lang, para hindi ka pagselosan.
09:46Yan, yan ho ang staff na.
09:51Ano pa isura mo ng nakaraang labing limang taon?
09:55Payat?
09:57Oo, hindi.
09:58Mataba ka na.
09:59Amun!
10:00Ano pa magiging staff na manyak?
10:06Di ba?
10:06Pagkatapos ay binanggit naman ang edad ng isa pa niyang staff.
10:1059 years old.
10:12Di o.
10:13Pag ating mo sa babae, maninaw po.
10:15Ang babae ay nire-respeto at nina-mahal.
10:19Tulad sa unang show cause order, binigyan si Sia ng tatlong araw para ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat sampahan ng isa pang posibleng disqualification petition.
10:27Ang pangalawa na show cause order sa kanya dahil doon sa kanyang sinabi sa entablado, lalo na kahit ito ay address sa kanyang assistant,
10:38ang sinasabi kasi natin public yun habang sa isang campaigning yun and therefore naririnig ng madami at napapanood ng madami.
10:48May sagot man o wala, ngayong linggo ay dedesisyonan ng task force safe ng COMELEC kung dapat siyang kasuhan ng disqualification.
10:54May mga tao talaga na hindi sumasagot because sa palagay nila pag sumagot, baka sila ma-prejudice ang sagot nila o kaya ma-invoke yung right against self-incrimination.
11:05It may be taken against him only as far as it will be considered as a waiver of his right to explain his side.
11:13Kung matuloy sa disqualification case, sunod na pag-aaralan kung may sapat ding basihan para sa hiwalay na reklamang paglabag sa omnibus election code.
11:21We are going to resolve the disqualification cases prior to the conduct of the election.
11:27Pwede po kasing sabay na magkaroon ng kasong disqualification at saka election offense.
11:34Pwede namang mauna ang disqualification at saka na yung election offense.
11:38Pwede namang election offense ang mauna at saka na yung disqualification.
11:41Sinusubukan naming hingga ng paliwanag si CS sa panibagong show cause order ng COMELEC.
11:46Wala pa siyang paliwanag sa COMELEC kaugnay ng naonang biro sa solo parents pero nagsori na sa isang pahayag.
11:51Inisyohan ni rin siya ng Korte Suprema ng hiwalay na show cause order at binigyan ng sampung araw para magpaliwanag para sa naonang biro.
11:58Sa gitna ng sunod-sunod na issue ay kumala sa political group na kinabibilangan ni SIA ang kandidato sa pagkakonsehal na si Shamsi Subsupli.
12:06Dahil sa mga naganap kamakailan ay luminaw-umano ang kanyang values na hinubog ng karanasan bilang babae at ina at hindi nakahanay ng direksyon tinatahak ng grupo.
12:17Kasabay na pagkakonse ng show cause order laban sa kandidato, inaprubahan ng COMELEC ang isang supplemental resolution na magpapalawak sa anti-discrimination at fair campaigning guidelines para sa eleksyon 2025.
12:29Nakasaad ditong lahat ng aktibidad at lugar kaugnay ng eleksyon ay ituturing na safe spaces.
12:34Election offense na rin ang pang-aabuso sa bata, diskriminasyon at incitement.
12:39Bawal na rin ang mga campaign jingle na may double meaning.
12:42Dapat siguro mas mataas na konti nga yung discourse sapagkat meron po tayong mga nanunood na mga naniniwala sa atin, mga bata, kabataan, na maaaring paglumaki baka akala po nila kasi ay tama.
12:55Para sa GMA Integrated News, Dan at Ingkoon ko nakatutok, 24 oras.
12:59Humingi ng dispensa si Misamis Oriental Governor Peter Unabia.
13:04Sa mga pakayag kaugnay ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa isang campaign rally.
13:10Personal niya iyang ipinarating sa ilang Muslim leader sa isang interfaith council sa Cagian de Oro City.
13:16Nagugat ang kontrobersya sa tanong niya sa mga kababayan kung gusto nila mangyari ang mga pambobomba tulad sa BARM.
13:23Sabay banggit pa sa mga Maranao kaugnay ng isang insidente ng umunay harassment.
13:27Sa bagong diyalogo, napagkasundo ang paiigtingin pa ang pagkakaintindihan para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.
13:37Mas mapapadali ang pagmamanman ng Pilipinas mula sa ere kahit madilim dahil sa mga high-tech drone na ibinigay ng Australia.
13:48Makatutulong ito sa Philippine Coast Guard na nagbabantay pa naman sa West Philippine Sea.
13:53Nakatutok si Chino Gaston.
13:59Drone na may night vision kaya kayang kumuha ng litrato at video sa gabi.
14:03At isa pang klase na kaya na magtumagal ng ilang oras sa hipapawid.
14:08Ilan ng yan sa features o kakayanan ng bagong 20 Unmanned Aerial Systems o UAS
14:13na ibinigay ng Australian Embassy sa Philippine Coast Guard.
14:16Bahagi ito ng nakalaang 629 milyon pesos na tulong ng Australia sa Pilipinas
14:21na malaking tulong sa Maritime Domain Awareness mission ng PCG.
14:25Sa mga darating na taon, 2.5 milyon pesos ang inilaan naman ng Australia
14:30para sa Maritime Partnership sa mga bansa sa regyon.
14:33Guided by our commitment to work with our partners to enhance maritime security,
14:39uphold international law, and manage marine resources.
14:44This, ladies and gentlemen, is the Philippines-Australia Strategic Partnership in action.
14:52Tatlong pong PCG aviation personnel ang sasabak sa training
14:55para sa mga bagong kagamitan sa West Philippine Sea at iba pang mga mission ng PCG.
15:00Malaking tulong siya in the whole, in the entire mission areas of the Coast Guard.
15:05It can extend the reach of our ships.
15:08Mas malawak yung area na mas makikita niya.
15:12Mas makakatipid tayo ng fuel, mas magiging less din na risky sa taon natin.
15:19Balak pa bumili ng PCG ng mga UAS sa hinaharap
15:22para sa binuong Unmanned Systems Squadron sa ilalim ng PCG Aviation Command.
15:28Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok? 24 oras.
15:33Mga kapuso, maraming lugar ang patuloy na makararanas ng mainit na panahon
15:41pero may ilang pa rin posibleng ulanin.
15:44Sa forecast na pag-asa, nagbabanta ang danger level na init sa labing-anim na lugar bukas.
15:4944 degrees Celsius sa Dagupan, Pangasinan, habang 43 degrees Celsius
15:54sa Sangli Point, Cavite, Piracatanduanes at Butuan City.
15:57Nasa 42 degrees Celsius naman sa ilang pang probinsya sa bansa.
16:01Sa mga lugar na ulanin, base sa datos ng Metro Weather,
16:04may tsansa ng ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Midoro Provinces at Palawan.
16:08May mga kalat-kalat na ulan din sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao sa Metro Manila.
16:13Nananatili ang tsansa ng localized thunderstorms gaya ng naranasan kanina sa ilang lusod.
16:18Bilang gabay naman sa mga kapuso natin sa Negros Island,
16:21kung nasaan ang nag-aalborotong bulkang kalaon.
16:24Bukod sa ashfall o pagpatak ng abo,
16:27paghandaan din ang posibilidad ng pag-ulan.
16:29Bagamat hindi magtatagal at hindi rin malawakan,
16:32maging handa pa rin sakaling magdulot yan ng lahar flow,
16:36lalo na kung may thunderstorms.
16:38Ang heat index aabot naman sa 39-41 degrees Celsius ayon sa pag-asa.
16:51MULITANHA

Recommended