• yesterday
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ticlo sa Taguig ang itinuturong supplier ng mga armas sa ibat-ibang kriminal na grupo sa Metro Manila.
00:07Nakatutok si Marisol Abdurrahman, exclusive.
00:17Hawak pa ng suspect na ito ang good old money nang arestuhin ng CIDG, Detection Special Operations Unit, sa Taguig.
00:25Ayon sa CIDG, ang naarest ng suspect ay nagsusuplay ng mga baril sa ibat-ibang crime group sa Metro Manila.
00:45Nakuha sa kanyang isang calibre .45, .38 at mga bala.
00:48Sumpot ding umano ang suspect sa ibang pang-krimen.
00:54Robber ng e-bike at mga motorcycle sa area.
00:57Ang ating barangay ay nagbigay na ng mga information na may mga ganoon din daw ang mga reklamo.
01:03Nakuhanan pa nga sa CCTV ang pagnanakaumuno ng suspect ng e-bike sa isang barangay sa Taguig.
01:09Patuloy ang investigasyon para matukoy kung gaano kalaki ang grupo ng suspect.
01:13Yung CIDG ay relentless sa aming fight against loose firearms and criminal groups to ensure a peaceful national and local election.
01:23Sinampahanan ng reklamong paglabag sa RA-10-591 para sa unlawful sale of unlicensed firearms at paglabag sa gun ban ang suspect.
01:32Naamin ko naman po yung pagkakahuli po sa akin. Sinadala naman po ko sa lipit po.
01:38Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, nakatuto 24 oras.
01:46Nasa sandaang libong jeep at UV Express ay batiman panig ng bansa
01:51ang lalahok-umano sa ikakasang tatlong araw na tigil pasada ng grupong Manibela sa Lunes.
01:58May patikim na sila ngayong araw sa pamagitan ng mga kilos protesta.
02:03Nakatutok si Joseph Moro.
02:06Nagpatikim na ang grupong Manibela ng gagawin nilang tatlong araw na transport strike simula Lunes sa Pasig, Caloocan at Las Piñas.
02:16Ang kilos protesta laban sa hindi raw tamang bilang ng mga jeep ni driver at operator na konsolidado na sa ilalim ng PUV Modernization Program o PUVMP.
02:26Sabi raw kasi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB,
02:32lampas 80% na among consolidated ng mga jeep.
02:35Taliwas sinasabi yung monu ni Transportation Secretary Vince Dizon na 40% lamang ang aprobadong consolidated units.
02:43Yung pinagmamalaki nila na 86% o yung 43% marami pa rito yung denied yung application at ibinalik yung kanilang mga papel.
02:55Hindi din sila na consolidate at hingit sa lahat gumastos lang sila.
03:01Dahil umano sa pagsinungaling, hiniling nila sa DOTR na sabakin sa pwesto si Chairman Chofilo Guadis III at ibabang opisyal ng LTFRB.
03:09Patuloy namin kinukunan ang pahayag si Guadis.
03:12Ayon sa grupong Manibela, tatlong araw ito na tigil pasada na ikakasin nila sa iba't ibang lugar sa bansa simula sa Lunes.
03:21Sa Samaraw, ang lampas 100,000 na mga unit ng jeep at mga UV Express.
03:26Wala naman po tayong magagawa doon. Ang concern naman po natin, yung mga computer natin na para huwag naman sikang mahirapan.
03:35Hindi naman kasali sa tigil pasada ang grupong Piston na tumututol din sa PUV Modernization Program.
03:42Kanina, hinarap sila ni Transportation Secretary Vince Dizon habang nagkikilis protesta sa opisina nito kontra sa PUVMP.
03:51Reklamo pa ng Piston, hindi raw pinapayaga makapag-renew ng kanilang Provisional Authority ang mga hindi sumunod dito.
03:57Gaya ng gusto ng Manibela, hiniling ng Piston na payagan sila makapag-renew ng Provisional Authority ng limang taon.
04:04Ayon sa Piston, pag-aaralan daw ito ng DOTR.
04:08Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
04:14Arestado sa Muntinlupa ang dalawang nagbebenta o mano ng SIM card modem pool na ginagamit pang scam.
04:22Sa Pasig, walo naman ang hinuli dahil naman sa paglalako ng mga signal jammer online.
04:28Nakatutok si Mackie Pulido.
04:34Sa halagang P3,500 to P6,500 ibinibenta online ang mga nasabat na SIM card modem pool na ito.
04:41Ang apat na device kaya raw mag-text blast ng halos isan daang text message sa isang pindot ng cent.
04:47Nagagamit daw ito sa phishing o pagpapadala ng mga text message na may link para makuha ang personal information ng biktima ng mga online scamming.
04:56Ayon sa PNPACG, pinuslit raw ito ng elektrisya ng isang nagsarangpogo at tinangkang ibenta online.
05:03Siguro dahil nawala na ng trabaho at nakakuha naman siguro siya ng ganyang machines, just to have money, binibenta niya ng mura.
05:14P3,500 ang benta kung 5 to 10 meters ang ija-jam na signal, P52,000 naman kung 500 square meters ang range.
05:23Itong signal jammers na ito, silasabi nitong mga nahuli natin ay nag-o-order din sila sa China and then they are reselling this online.
05:32Na-monitor ng PNP Anti-Cybercrime Group ang bentahan kaya't nagkasa sila ng magkahiwalay na buy-bust operation.
05:39Walo ang naarestong nagbebenta ng signal jammers sa Pasig City, dalawa naman ang inarestong nagbebenta ng SIM card modem pool sa Muntinlupa.
05:47Sasampahan sila ng paglabag sa Anti-Cybercrime Law.
05:51Highly regulated ang mga device na ito at kailangan ng permiso mula sa National Telecommunication Commission para makabenta at makagamit.
05:59Eventually, magagamit naman talaga ito sa crimen. So why not disrupt them while hindi pa nagagamit?
06:07Alam naman natin ngayon, maraming nabibiktima sa scam using this machine. So bakit hantayin pa natin makapag-scam sila?
06:17Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katuto, 24 Horas.
06:29This one is for our local weavers. Dahil para maprotektahan ang kanilang sining at kabuhayan,
06:38nag-develop ang DOST Philippine Textile Research Institute ng mga tagong security markings para iwas peke.
06:46Tara, let's change the game!
06:49Bago pa man dumating ang mga Kastila, isa na ang pag-ahabi sa mga sinaunang sining at mga kabuhayan ng ating mga ninuno.
06:57Bawat rehyon sa bansa, may kanikanyang natatanging disenyo na sumasalamin sa kanilang kultura.
07:04Tulad ng Inabel ng Ilocos, Patadyog ng Antike, at Yakan mula Basilan.
07:10Ngayong paunti ng paunti ang local weavers sa bansa, dumadagdag pa ang bantanang counterfeit o peking hand-woven products sa merkado.
07:18What if we can help protect our local weavers?
07:23Ngayong paunti ng paunti ang local weavers sa bansa, dumadagdag pa ang bantanang counterfeit o peking hand-woven products sa merkado.
07:31What if we can help protect our local weavers?
07:34With the use of hidden security features?
07:36Enter, ang covert security yarns and markings for anti-counterfeiting.
07:42Developed by DOST Philippine Textile Research Institute,
07:46sa pangungunan ng chemist at DOST PTRI Director na si Dr. Julius Leano Jr.
07:52Hindi lang siya economic issue.
07:54Yung counterfeiting has something to do with the culture, yung misappropriation, yung misrepresentation.
07:59How can we use technology to be able to counter this problem?
08:04Tulad ng Philippine Peso Bills, matutukoy na rin sa ilalim ng UV light kung authentic ba o hindi ang isang hand-woven textile.
08:12Gamit ang dinevelop nilang special luminescent colorant.
08:16Those are materials called phosphors.
08:18When you shine light on them, they emit a certain wavelength of light.
08:23Hindi rin daw ito, basta-basta ang magagaya.
08:26Kami na nakakaalam nung specificity ng wavelength na yan.
08:29And we will not reveal what wavelength is assigned. May range yan.
08:32So pag sinabi mong 425, at in-assign ko yan sa isang weaver, dapat bakikita ko siya na siya lang ang gumagamit ng color na yan.
08:41Yun yung specificity niya.
08:42Mga kapusong, eto na yung luminescent colorant na ginawa nila sir.
08:47Yung mga fiber na mayroong colorant.
08:50Ito naman yung example ng textile na nalagyan na ng luminescent colorant.
08:56Meron siyang strips na talagang nagsihine, nagniningning kapag iniilawan natin ng UV light.
09:02Para makagagdag sa traceability, magkakaroon na rin ang hidden QR code ang bawat textile.
09:08Kung saan makikita ang digital passport o website para makita ang informasyon sa fabric, weaving community, at maging mismong weaver nito.
09:18Sa ngayon, nagsimula na ang grupo sa pilot testing sa Basilan at Ilocos.
09:23Nagwagi ang innovation ng gold sa nagdaang Seoul International Invention Fair.
09:29There you have it mga kapuso.
09:31Isang paraan ang paggamit ng innovation para maki-serve at maprotektahan ang sining at kultura natin.
09:38Para sa GMA Integrated News, ako si Martin Aviar, Changing the Game!
09:44Nakipagpulong ang MMDA sa barangay na nakakasakop sa Chino Roses Extension na nakararanas ng pagbagal sa daloy ng trapiko.
09:55Ang nakikitang solusyon ng MMDA ay ang pagbabago ng traffic schemes sa lugar.
10:01Nakatutok si Oscar Oida.
10:07Bukod sa mga local traffic enforcers, tumulong na ulit ang mga taowa ng MMDA sa pagmamando ng traffic dito sa Chino Roses Extension, Parting, Makati.
10:16Kamakailan kasi, muling nakakaranas ng pagbagal sa daloy ng trapiko doon.
10:21Partikular tuwing uwian ang isang paaralan sa lugar, na sinabayan paumano ng mga iligal na pagparada ng ilang pampaserong jeep.
10:30Tulad na lamang ng nadaanan namin kanina, kung saan makikitang sa mismong nakaparadang jeep pa, kumakain ang driver nito.
10:40Ayon kay MMDA Special Operations Group Chief Gabriel Go, nakipagpulong na rao sila sa barangay na nakasakop sa lugar,
10:48at may ilang napagusapang pweding gawing pagbabago sa mga ipinapatupad na traffic schemes sa lugar.
10:54Such as yung mga pagnumalabas po ng eskwelahan, wala pong magle left turn considering solid line po siya.
11:02Because that's one of the cause of traffic congestion also, yung mga naghihintay ng mga sasakyan para sundon yung mga bata.
11:08Isa pa sa nakikita nilang paraan ay ang paglimita ng pag-u-turn sa lugar.
11:14Instead of moving forward towards Taguig or moving towards dito sa Edsa, ang ginagawa nila, they just take a u-turn anywhere they want.
11:22So isa yan po sa nagiging problema.
11:24One of the solutions that we are looking into is yung isasarap po natin ang buong kahabaan ng Chino Roses na wala na po magiging open area to take a u-turn.
11:33At dahil madalas din daw nagiging problema ang mga puhaparada kung saan-saan para kumain sa mga karinderya sa lugar.
11:40Hindi naman natin pwedeng ipagkaila o pigilan ng ating mga kababayan na maghanap buhay.
11:45So I think this is one of the steps that we have to look into kung pano natin mabibigyan ng probably a temporary parking na kung saan kakain itong mga drivers.
11:55Or baka naman pwede po natin bigyan ng isang lugar na kung saan maaaring magtinda itong mga karinderya na hindi rin po sila makaka-cost ng traffic sa mga motorista.
12:05Pero paglilinaw ni Goh, pinag-aaralan pa lang nila ito ng maigi.
12:10We still have to study it. We still have to consult also the local traffic bureau kung ano po ang magiging feedback nila.
12:17Para sa GMI Integrated News, Oscar Oidar nakatutok 24 oras.
12:25Mga Kapuso, kung mailakad ngayong weekend, maging handa dahil malaking bahagi ng bansa ang pusibling ulanin.
12:33Base sa datos ng Metro Weather, may tsansa ng ulan bukas sa Palawan, Mindoro Provinces, Quezon.
12:38Pusibling ulanin ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao, lalo na ang Samarat, Leyte Provinces, Karaga at Sulu Archipelago.
12:46May mga pagulan din sa linggo, pero mas malawa ka ng ulan sa Kapon sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
12:53Mataas pa rin ang bandana baka o landslide dahil sa matitinding ulan, kaya maging alerto lalo na ang mga lugar na ilang araw nang inuulan.
13:00Sa Metro Manila, mababa naman ang tsansa ng ulan, pero magdala pa rin ang payong kung mailakad.
13:06Apektado pa rin ang bansa ng Shire Line, Amihan at Easterleys o yung mainit na hangin.
13:11Ayon sa pag-asa, pusibli ang hanggang 43 degrees Celsius na heat index sa Dagupan, Pangasinan at Cotabato City ngayong weekend.
13:20Hanggang 40 degrees Celsius sa Puerto Princesa at Cuyo, Palawan.
13:24Habang aabot naman sa 39 degrees Celsius sa Iba, Zambales at Bacnotan, La Union.
13:29Sa Metro Manila, nasa pagitan niya ng 33-35 degrees Celsius.
13:40Non-negotiable para kinakailin Alcantara at Kobe Paras ang quality time,
13:44sa gitna ng pagiging busy sa kanikanilang showbiz commitments and projects.
13:49Couple goals nga rao ang dalawa para sa fans, kaya ang isa sa kanilang mga tagahanga,
13:54nagpa-tattoo na dedicated sa kanila.
13:57Makitsika kay Aubrey Carampel.
14:03Dahil magkaiba ng field of work, very happy si Sparkle star Kailin Alcantara
14:08at Basketball star boyfriend na si Kobe Paras tuwing magkakasama sila sa trabaho.
14:14Tulad ng isang launching event na pinangunahan nila kagabi,
14:17naging extra special pa ang event para kinakailin at Kobe,
14:21dahil nakilala nila ang elderly fan na nagpa-tattoo dedicated para sa kanila.
14:27Gulab nga ako sabi niya, Kobe tignan mo, sabi ko ay, ang ganda ng hena, ah hindi totoo yan.
14:33Basketball, and then sunflower, and then may K2, that means Kobe and Kailin.
14:38Noong una parang ayoko dahil sabi nila masakit na magpa-tattoo,
14:42pero pag mahal mo ang isang tao, walang masakit, gano'n ko sila kamahal.
14:47Vising ngayon si Kailin sa Showbiz Commitments at sa pinaghahandaang drama series,
14:52habang si Kobe abala sa mubuksang negosyong bar and resto.
14:56Soon ay babalik na rin daw siya sa paglalaro ng basketball.
15:01I know a lot of people have been wondering where I've been.
15:05I've been enjoying my life, I've been finding myself, I've been trying to find who Kobe Paras is
15:11and I think now I have a better picture of who he is and hopefully people can see me on the basketball court soon.
15:18Very supportive diyan si Kailin.
15:20Asaya-asaya ako sinabi niya yun.
15:22That's his first love and will forever be his love.
15:26I will always be here to support him.
15:29Si Kobe full support din siyempre sa acting career ni Kailin, pati na sa goal na makapagpatayo ng bahay this year.
15:37Well, my parents and my brother, they've been in the limelight for a while so I'm pretty much used to it.
15:43But it's different because she's a special one.
15:45I'll always be here. She's amazing at what she does and she's truly beautiful inside and there's more blessings to come for her.
15:53Pero kahit busy sa kanya-kanyang ganap sa buhay, di raw mawawala ang time nila together.
16:00So when we do have the time, we try hard. It's hard sometimes but we try to go out and work out.
16:06Actually, I don't need a coach kasi siya na yung coach ko, yung trainer ko.
16:12Pobre Karampel, updated to showbiz happenings.

Recommended