• last month
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mga kapuso, ngayong araw nga po ay pinagdiliwang natin ang ika 39th anniversary ng EDSA People Power Revolution
00:07na nangyari nga po noong February 25, 1986.
00:11Kaya nanito pa rin po tayo ngayon sa EDSA People Power Monument
00:15para saksihan yung mga programa, mga aktividad na isa sa gawa maya-maya lamang po, no?
00:21Sa ngayon nakikita na natin na napakarami na pong mga tao rito.
00:25Yung iba ay inihahanda na yung gaganaping wreath-laying ceremony at flag-raising mamay ng alas 8 ng umaga.
00:34At of course, yung ilang mga programa pa na magsisimula ng alas 9 naman ng umaga.
00:38At bukod sa National Historical Commission of the Philippines,
00:41nanito na rin po yung mga police, mga kawani ng Philippine National Police para magbantay
00:49at yung mga paghahanda rin po na ginagawa dito sa mismong monument, no?
00:54Pinapakita nito ang ilan sa mga makabuluhang nangyari noong 1986 at sa People Power Revolution
01:01sa pamamagitan ng mga programa na ito ay aalalahanin o gugunitain ang nangyaring ang makasaysayang event na ito noong 1986.
01:11At gaya nga ng binanggit ko, simula mamay ang 9am ay magkakaroon ng pagkitipon dito
01:16ang ibat-ibang mga grupo para mag-rally at ipag-iwang anniversaryo ng People Power Revolution.
01:21Sa punto pong ito, ay tawagin na po natin ang ating mga kapanayam na si Christopher Pasion.
01:28Siya po ang Senior History Researcher ng NHCPO, National Historical Commission of the Philippines.
01:34Magandang umaga po sa inyo, Christopher.
01:37Magandang umaga po sa ating mga manonood.
01:39Una po sa lahat, itatanong lang po namin, ano po ba yung mga aktividad na isasagawa mamaya?
01:46Meron pa rin po ba yung mga re-enactment na ginagawa gaya noong mga nakaraang taon?
01:51Sa ngayon po, mas simple pong ating paggunita sa ikatatlumpot sham na anniversaryo ng People Power Revolution.
02:02Meron po tayong mga katuwang po ang Human Rights Violations Victims Memorial Commission
02:09na meron po silang mga programa na nakahanda.
02:11Kasama po sila sa organisasyon sa gobyerno na mag-aalay din po ng bulaklak po dito sa mantayag ng People Power.
02:18At siyempre po sa NHCP, katuwang po natin ang taong bayan sa pag-alala po ng mga makasaysayang mga kaganapan na bumuupo sa kwento ng ating bansa.
02:30Speaking of kwento, alam ko genzy ka at I'm sure wala ka pa noong mga panahon yun.
02:37Wala pa po.
02:37Nasaan ka ba?
02:40Actually millennial po ako.
02:42Ah millennial, alright.
02:44Pero meron ka bang kwentong EDSA, People Power, considering na siyempre nandyan ka sa National Historical Commission of the Philippines at marami kayong mga pagsasaliksik na ginawa?
02:55Siguro po nung ako po, yung sarili ko pong pag-aaral na bago pa po ako na napunta sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan,
03:04may mga nakapanayan po rin ako ng mga nabuhay po noong panahon ng EDSA.
03:09At isa po sa mga kinakwento po, na-interview ko po dati yung dati pong si late Pastor Bel Magalit.
03:18Siya po yung head po ng evangelical contingent, yung mga born again contingent noong sumama po ng EDSA.
03:24At sabi po niya, kwento po niya sa akin noong nabubuhay pa siya, na may isang yugto po sa EDSA,
03:32February 24 po, 1986, na kung saan talagang ano po, akala po nila, parating na daw po yung mga choppers,
03:41inaasahan po nila na sila ay bubombahin ng rocket launcher.
03:47At handang-handa na po sila noon, noong time na po na yun, dahil pa umaga pa lang po at wala pang masyadong tao,
03:54sinabi po niya na talagang handa na daw sila, ang hawak lang nila ay mga bibliya.
03:58Handa silang mamatay?
04:00Kasi yun po ang hawak lang nila, bibliya, rosaryo, yung siyempre po, yung panahon po nyo, mag-uumaga pa lang yung mga tao nagsiuwi, ano yung iba.
04:10So handa na po sila until noong nakita po nila na naglabas po ng puting flag, yung mga chopper po na ito.
04:19At sumama po yung 15 strike wing po ng Philippine Air Force po sa EDSA.
04:25So isang malaking eruption of jubilation po yung nangyari.
04:29At nina-describe nga po ng mga na-interview po namin na sumama ng EDSA,
04:33na ang EDSA, People Power Revolution daw po, isang malaking street party.
04:38Bawat oras po may mga programa, may mga evangelicals po, mga born again, may mga catholic na nagronda po, na nagvigil po.
04:50May mga muslim na sumama po.
04:53So sa iba't-ibang bahagin din po ng Pilipinas, sa Davao, sa Cebu, sa Ilo-Ilo po,
04:58ay nagsilabasan din po ang ating mga kababayan upang ipakita po ang kanilang sopota po para makamtan po natin ang kalayaan at demokrasya.
05:07At saka talagang source of pride talaga, kaya napakahalaga na hanggang ngayon,
05:11e inaalala pa rin yung ganitong katindi at makasaysayang event sa ating history bilang isang nation.
05:20Maraming salamat sa inyong ikinwento sa amin, Sir Christopher.
05:25At syempre sasaksihan natin mamaya yung mga programa nyo rito.
05:29Maraming salamat.
05:30Samantala mga kapuso, ngayon nga po, kahit na inaalala natin ang EDSA, People Power Revolution,
05:38ay hindi po holiday ngayon, kundi special working day sa araw na ito.
05:45Kaya maraming pa rin po sa ating mga kababayan ang may pasok, maliban na lang sa mga eskwelahan o universidad na nagdeklara ng suspension ng klase sa araw na ito.
05:53So mamaya magabalik pa rin po tayo at mga kapanayam po natin, si Father Jerome Ceciliano,
05:57ang Rector po ng Archdiocesan Shrine of Mary Queen of Peace,
06:02para bigyan pa tayo ng mga karagdagang detalye kawag na inga po sa mga giging programa ngayong EDSA, People Power Revolution anniversary.
06:08Balik po muna sa studio.

Recommended