• 17 hours ago
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon Visayas at Mindana.
00:04Wala nang uwian ang libu-libong nasa Quirino Grandstand sa Maynila sa mga oras na ito para sa pagpupugay o pahalik.
00:13Doon na nila hihintayin ang traslasyon ng imahe ng puong Jesus Nazareno papunta sa Simbahan ng Kiyapo bukas.
00:21Pabilang sa mga dumagsas sa pagpupugay, ang ilang pung senior citizen at may karamdaman na tiniis ang ilang oras na init at siksikan sa pila.
00:30Mula rin dito sa Quirino Grandstand sa Maynila. Nakatutok live si Oscar Oyla.
00:36Oscar.
00:39Yes, Emil. Balak nga ng ilang mga namamanata dito e wala nang uwian pa-morninga na hanggang sa traslasyon.
00:51Dangali pa lang, abot na hanggang sa may tapat ng luneta sa may Ross Boulevard, ang pila ng pahalik na ginagawa dito sa may Quirino Grandstand.
01:01Sa tansya ng mga polis, nasa mayigit isang kilometro na ang haba ng pila, lalot di naman ito basta diretsyo lang, kundi pinagmistulang bituka para di masyado lumayo.
01:13Sa pagtatanong namin, tumatagal ng tatlo hanggang apat na oras ang pagpila.
01:18Isa na sa mga napasabak dito ang pamilya Damasco, na nasa dalawang oras din daw bago nakarating sa poon.
01:26Partida, sa courtesy lane na sila, pinapila pagkat mayroon silang karamdaman.
01:32Ang 26 anyos nilang anak na si Mary Rose, may cerebral palsy at iniindang respiratory tract infection.
01:40Habang ang 68 anyos niyang ama naman, na si Mang Ulysis, may sakit sa puso at diabetes, at bunsod ng komplikasyon, ay hirap na ring makalakad.
02:10Magalingin po kami at mahalin kami makatulong pa ulit.
02:15Taon-taon na raw nilang ginagawa ito bilang panata, umaasa na balang araw ay gagaling din sila.
02:23Kung may mga pagsubok man, narating sa buhay natin, katulad sa amin may mga pagsubok pero nilalabanan pa rin namin.
02:32So huwag kayong maulang pag-asa dahil andyan si Heavenly Father, si Jesus Christ na handang tumulong sa atin.
02:39Siguro binibigyan lang niya tayo ng mga ganitong pagsubok para maalala natin siya.
02:45Samantala, tirikpaman din ang araw, kanya-kanya ng pwestong ilan sa mga namamanata sa may Burnham Green,
02:52ang open field dito sa may Kirino Grandstand.
02:55Kanya-kanyang set-up ng mapapahingahan, yung iba halatang na paghandaan.
03:00May mga dala pang folding chair at mahihigaan.
03:03Wala na raw uwian, dito na raw sila magpapalipas ng magdamag, lalot inaasahang ngayong gabi pa lang.
03:10Mapupununan ang deboto ang lugar.
03:13Tapusin talaga namin, yung lahat dyan na programa tapusin talaga muna namin.
03:20Hanggang sa mga gano'n na magpared, ibaba na si senyor sa Reno.
03:25Taon-taon namin ginagawa ito.
03:27Kami kahit wala kami bawon, pamasahin lang, okay lang sa amin para makapunta kami sa kanya.
03:33Masalamat para humiling sa kanya ulit.
03:36Dahil nang hiling namin sa kanya, binibigay niyo.
03:39Pasado alas tres ng hapon, pinasigla naman ang mga namamanata sa lugar ng isinagawang band parade.
03:46Sa pangunguna ng marching band na tumugtog ng mahimig panreliyon at tradisyonal na musika.
03:54Pasado alas sinko naman na ng hapon, nang idaos ang panalangin sa takip silim.
03:59Isang pampublikong dasal na idinaraos sa dapit hapon bilang paghahanda sa araw ng traslasyon.
04:06Bukas, alas sinko ng umaga, magsisimula ang traslasyon.
04:10Ang andas ng puong Nasareno, iikot mula Kirino Grandsand, lulusot sa iba't ibang kalsada sa Maynila,
04:17sa rutang may habang mahigit sa limang kilometro, hanggang sa makabalik sa Quiapo Church.
04:22Paalala ng mga otoridad, huwag nang magsama ng mabata at mga may karamdaman sa traslasyon,
04:28na inaasahang lalahukan ng mayigit sa 6 na milyong katao.
04:37Sa mga sandaling ito, ay umabot na sa mayigit 29,000 na namamanata
04:42ang nagpunta dito sa Kirino Grandsand para sa pahalik ng puong Jesus Nazareno.
04:47Emil?
04:49Maraming salamat, Oscar Oida.
04:52Nang paalala naman ng simbahan, na bukod sa tao ng pista ng puong Jesus Nazareno,
04:56pweding bumisita ang mga deboto sa Quiapo Church.
04:59Ano mang araw o oras, may daan din para makawakan ang paa ng puong
05:04na sya ring-nice ng mga puyepila sa pagpupugay o pakalik mula naman sa Quiapo, Maynila.
05:10Nakatudog live, si Mark Salazar. Mark.
05:14Emil, nauunawaan ng Quiapo Church, ano, yung kahalagahan ng sakripisyo sa mga deboto,
05:21yung sakripisyo ng masigip na kapistahan.
05:23Pero ang mensahe rin ng simbahan sa mga deboto,
05:26hindi naman kailangan ang debosyon ay dito lamang sa Quiapo Church.
05:31Hindi makailangan ang debosyon ay sa pahalik lamang o sa pagpupugay sa imahen ng Jesus Nazareno.
05:40Hindi raw mapipigilan si Lola Lorna na pumunta sa mismong dambana ng Jesus Nazareno sa kanyang kapistahan.
05:47Maliit na suklian niya ito sa pagkakaligtas niya sa kanser.
06:03Sabi ng maraming deboto, mas panatag silang dinidinig ang kanilang bulong kapag sa Quiapo sila nanalangin.
06:17Nung matay yung asawa ko, nung nagkasakit ang asawa ko noong 2017,
06:21every Friday talagang dumadalangin ako sa kanya.
06:26Ang tanging dalangin ko lang, bigyan kami ng lakas ng katawan.
06:31Maraming kaming natutupad na pangarap na pinutulungan niya kami.
06:36Ayon mismo sa Quiapo Church,
06:38ang orihinal na imahen ng poong Nazareno magkakahiwalay na ang mga parte.
06:43Orihinal na ulo ng poong makikita sa imahen na nasa altar ng Quiapo Church.
06:48Ang orihinal na katawan naman ang siyang ipinoposisyon tuwing traslasyon.
06:52Ang mga bahagi ng orihinal ay hiwahiwalay.
06:58Sa traslasyon, ang orihinal na bahagi dito ay ang katawan.
07:03Ang mga ibang bahagi, for security reasons, hindi namin sasabihin.
07:08Ang ulo na nakikita natin sa harapan ng altar ay orihinal.
07:13Ang imahen na pinipilahan para sa pagpupugay o pahalik sa Quirino Grandstand, isa namang replika.
07:19Hindi ro talaga pinapakawakan ang orihinal na mga bahagi ng poong para maprotektahan ito.
07:25Personal ang dibusyon ayon sa simbahan,
07:28kaya't iginagalang nila kung ang dibusyon man ay sumiksik at pungila para makahipo kahit sa replika lamang ng Jesus Nazareno.
07:36Hindi naman ang mga kawoy ang sinasamba ng mga diboto kung hindi ang katotohanang nakapuloob sa bawat replika.
07:43Ang katotohanan na minsan sa ating kasaysayan ay nakipamuhay ang Diyos sa atin.
07:49Upang madama niya ang ating abang kalagayan, hindi ang mga ribulto ang mga larawang nakakapagpagaling.
07:55Kung hindi ang ating pananampalataya.
07:58Pero bukas ang Chiapu Church at pwede anumang oras at araw para sa mga dibotong gusto ng time team na panalangin.
08:05Ang timeline at pambansang dambana ni Jesus Nazareno ay bukas 24 oras.
08:12Hindi po nagsasara ang mga pintuan ng ating simbahan.
08:15At any point in time, ang ating mga diboto pwede pong pumasok sa loob ng simbahan at magdasal.
08:23Ipinakita pa nga ni Father Robert Arellano kung saan ang daan sa likod ng Chiapu Church,
08:28papunta sa likod ng altar para makahipo sa paa ng Jesus Nazareno.
08:32Sa normal na araw, doon sila man gagaling sa labas, dito sa ating Evangelista Street.
08:39Papasok sila dito, dito sila lilinya, papasok sila dito sa linya,
08:44at dito maglalakad sila para pumunta sa likod ng ating altar.
08:50Sa likod rin ng altar, maraming replika ng Jesus Nazareno na pwedeng inspirasyon sa pagdarasal.
08:56Ito po yung tinatawag nating pilgrim images.
08:59Kapag yung mga ibang parokya o ibang simbahan,
09:03sila ay nagre-request na dalahawin ng mahal na po ang Jesus Nazareno,
09:06meron po tayong nakaabang ng mga pilgrim images.
09:11Kasabay Emil ng nagpapatuloy na pagpupugay dyan sa inyo sa Kirino Grandstand,
09:18dito sa Chiapu Church kung saan pwede rin pumila yung mga deboto
09:22para magbigay sa dalawang pilgrim images na nakapuesto sa likod ng Chiapu Church
09:28sa Benedict Building po yan, facing Evangelista Street.
09:32Samantala po ay nagbabaho ng kautosan ng Manila LGU na nagbabawal na mag-inom,
09:39likurban po ito, within 500 meters paligid po ng Chiapu Church
09:45at within 500 meters din sa paligid naman ng ruta ng traslasyon.
09:51Balik sa iyo dyan Emil sa Kirino Grandstand.
09:59Sumuko na ang aktres na si Rufa May Quinto Kaugnai
10:03ng kasong paglabag sa Securities Regulation Code
10:07bagamat naudlot ang pagpapiansa dahil sa pagsama ng kanyang pakiramdam.
10:12Pagdidiin ni Quinto, biktima lang din siya ng kumpanyang nagbebenta
10:17at nag-aalok ng securities sa Pilipinas na walang pahintulot mula sa SEC.
10:23Nakatutok si John Consuca, Exclusive.
10:29Mag-aala 6 ngayong umaga nang lumapag ang iroplanong sinakyan
10:32ng aktres na si Rufa May Quinto mula San Francisco sa Amerika.
10:36Kasama ang kanyang abogado, sumuko si Quinto sa mga tauwa ng National Bureau of Investigation.
10:41Nang amin siyang unang makaharap na gawa pa magbiro ng aktres.
10:59Matatandaang nag-issue ng warrant of arrest ang pasay RTC laban kay Rufa May
11:03sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code.
11:06Kaugnay yan ang kanyang pagiging endorser ng kumpanyang Dermacare
11:09na umunin sangkot sa pagbebenta at pag-aalok ng securities sa Pilipinas
11:13ng walang pahintulot mula sa SEC.
11:15Matapos dumaan kay NBI Director Jaime Santiago,
11:18pinroseso sa NBI ang mga papeles kaugnay sa kanyang pagsuko.
11:21Bago tumulak papuntang Pasay City,
11:23nagpa-unlock ng panayam sa GMA Integrated News si Rufa May.
11:36Dagnang aktres, biktima rin ito ng Dermacare nang kulin siyang endorser.
12:06Sinubukan ng GMA Integrated News na makuha ang palig ng Dermacare ukol dito.
12:09At pina ng aktres, wag sana siya husgahan at pakinggan muna ang buong kwento
12:14bago agad maniwala.
12:16Sana i-highlight niyo kung kanit sino ba yung kawatan dito.
12:20Hindi yung corporate artista, ikaw na yung laging nasa news.
12:25Diba? Nagsabihin, kailangan malinaw na hindi lang po ako,
12:30hindi yung mismo may-ari ang dapat habunin.
12:34Kanina, nagtungon na ang grupo ni Rufa May sa Pasay Hall of Justice
12:38upang maghahain ng piyansa.
12:39We were posting bail kanina, maghahapon.
12:42But then, mga around ano na yun eh, almost done na sana kami,
12:47biglang sumama yung paramdaman ni Rufa May Kito,
12:50medyo nag-shoot up yung blood pressure niya.
12:52Probably due to stress or jet lag, ipagod.
12:55But I think it's stress.
12:56We will continue the bail process tomorrow morning.
13:00First thing in the morning.
13:01Dawid din sa kaso ng Dermacare ang artista at businesswoman na si Neri Nahig Miranda,
13:06asawa ni parokya ni Edgar Frontman Chito Miranda.
13:08Matatanda ang dinakit pero pinalaya rin si Neri
13:11matapos kansilahin ng korte ang areswara't laban sa kanya.
13:14Hindi raw kasi na ipagbigay alam kay Neri
13:17ang tungkol sa preliminary investigation ng Office of the City Prosecutor ng Pasay.
13:21Para si GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 horas.
13:27Sinagip sa Cagayan de Oro City ang dalawang menor de edad
13:30na itinulak sa bangin ng kanilang mga nakaalitan.
13:34Nahulik kami yan sa pagtutok ni James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
13:42Pasado alas 11 kagabi ng magsuntukan ng umano'y menor de edad na ito
13:47sa sito Lambago, Barangay Lapasan sa Cagayan de Oro City.
13:51Ang isa sa kanila itinulak ang isa pa kaya nahulog ito sa bangin sa gilid ng Coastal Road.
13:58Bukod sa kanya, isang lalaki pa ang nahulog din pero hindi nakuhana ng video.
14:04Agad itong nirespondihan ang Police Station 3 Agora.
14:08Ayon sa Cagayan de Oro City Police.
14:23Kilala na rin ang polisya ang grupong nambugbog at naghulog sa dalawang menor de edad.
14:28Nirefer na ang insidente sa Barangay Lapasan pero hindi na nagreklamo ang pamilya ng mga ginulpi.
14:35Paigtingin naman lalo ang police visibility sa lugar at pinaalalahanan ang mga magulang
14:40na huwag payagan ang mga anak na tumambay sa Coastal Road lalo na sa gabi.
14:53Mula sa GMA Regional TV, ako si James Paolo Yap, Nakatutok 24 Oras.
15:00Sisimulan ang Department of Public Works and Highways, o DPWH,
15:04ang rehabilitasyon ng buong EDSA ngayong taon.
15:09Ayon kay Public Works Secretary Manuel Bonoon, alinsunod yan sa kagustuhan ng Pangulo
15:14na maging maayos ang biyahe roon para hindi matagtag.
15:18Sa unang semestre ng taon naman, sisimulan ang Bataan-Kavite Interlink Bridge
15:24na dalaan sa Manila Bay at magdudugtong sa dalawang lalawigan.
15:29Inaasahang mapapaekli dito sa 40 minuto ang kasalukuyang 4 na oras na biyahing Bataan-Kavite.
15:38Sa habang 32 kilometers, ito raw ang magiging second longest bay bridge in the world.
15:47Sa Quezon City, nawalan umano ng prelo.
15:49Kaya ibinanggan ang driver ang minamaneko niyang bus sa isa pang bus na dumaraan sa EDSA carousel.
15:55Nakatutok si Jun Valeracion.
16:07Wasak ang bahagi ng center island na ito sa EDSA bus carousel bago mag main avenue sa Cubao, Quezon City
16:13matapos banggain ng isang bus kaninang umaga.
16:20Sabi ng driver, nawalan daw ng prelo ang minamaneho niyang bus.
16:33Para mapahinto ang bus,
16:35binangga ko doon sa gutter. Ngayon binangga ko ngayon dito sa kasamahan kong isa para minto.
16:41Pagtalsik namin ang isa, gumano nyo yung sasakyan ko.
16:44Dahil sa pagkabig ng bus na nawalan ng prelo, tinamaan ito ang isang pribadong sasakyan.
16:49Mula sa parehong kumpanya ang dalawang bus na nagbanggaan.
16:52Kaya siya hindi ko na ma-manivela niya. Tumigas na eh.
16:56Base sa incident report ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation,
17:01isa ang nasaktang pasahero na nagtamo ng sugat sa bibig.
17:04Nagbara ang bahagi ng busway at bumigat ang trapiko sa EDSA,
17:08bago mag-alas 9 ng ubaga ng matuhuang bus.
17:11Para sa GMA Integrated News, June Veneration nakatutok 24 oras.
17:16Malapit na ang anihan, kaya nababahala ang isang grupo ng magsasaka
17:21na nalulugi-umanoo sa pagbaha ng imported rice na inangkat nitong 2024.
17:27Sagot naman ng Agriculture Department,
17:29bumaba ang lokal na produksyon na apektado ng El Niño at La Niña.
17:34Nakatutok si Bernadette Reyes.
17:40Umabot sa 4.7 million metric tons ang inangkat na bigas noong 2024.
17:45Ito ang record high o pinakamataas na tala ng inangkat na bigas ng Pilipinas.
17:49Bumaba ang ani noong isang taon kumpara noong 2023,
17:53ayon sa Department of Agriculture.
17:56Ayon sa Department of Agriculture, tumaas ang imported na bigas sa bansa.
18:00Hindi lamang para puna ng local supply,
18:02kundi dahil na rin sa pagpapababa ng rice tariff sa 15% mula sa dating 35%.
18:08Bagamat tumaas yung importasyon noong 2024,
18:12malaki naman yung binaba ng lokal na produksyon.
18:15Very significant yung reduction and yung import, of course, compensated doon sa losses natin.
18:23Because of El Niño, yung sunod-sunod na bagyo, La Niña,
18:28this 4.7 could also be reflective na hindi na or very limited na yung smuggled rice.
18:38Nababahala naman ang isang samahan ng mga magsasaka
18:41dahil maapektuhan dawang Pilipinong magsasaka ng pag-i-import.
18:44Parating na po yung anihan ng talay sa Marso.
18:47Baka po itong pagpapababa ng imported rice sa ating merkado,
18:51magpapababa talaga ang presa po ng palay.
18:55Hindi naman nakikinapang yung ating mga, diba, consumers?
18:59Mahal pa rin yung bigas sa palingke.
19:01Sa Murphy Public Market sa Quezon City,
19:03nasa 60 pesos ang kilo ng ilang imported rice.
19:06Same pa rin po. Medyo yung iba, nababa. Yung iba naman po, same price.
19:11Kami sa Department of Agriculture,
19:13ang pinakamandato at ang focus namin ay ang lokal na produksyon.
19:18Yung importation kasi, that's entirely out of the government hand.
19:23Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
19:32Happy midweek, tsikahan mga kapuso!
19:34Mommy dearest, in real life, sina Camille Prats at Katrina Halili,
19:38kaya sobrang relate sila sa kanilang role sa bagong Afternoon Prime series.
19:43Makakasama rin sa serya si Star Trek Ultimate Survivor Shane Saba.
19:48Makichika kay Larson Siago!
19:53Pictorial pa lang, kita na ang excitement ng cast
19:57ng bagong GMA Afternoon Prime series na Mommy dearest.
20:02Maagang blessing ng 2025 nga raw ito para kinakamil Prats,
20:07Katrina Halili at Shane Saba.
20:10Excited kaming lahat actually kasi ang tagal na namin inaantay.
20:13I'm excited pagdating sa paano ba siya tatanggapin ng mga tao,
20:19how will people react to the show, to the roles.
20:22So they were kinda surprised to see na may switch ng roles.
20:26That's something exciting for Kat and I also.
20:28Masaya po ako kasi isa po kami sa mga papalabas po ngayong taon
20:33and masaya po yung start ng New Year ko.
20:36Dahil parehong nanay, sobrang nakaka-relate sina Camille at Katrina
20:41sa Mommy dearest na tumatalakay sa relasyon ng ina at anak.
20:47Si Camille ipinagmamalaki ang maganda niyang relasyon
20:51sa panganay niyang si Nathan na teenager na ngayon.
20:55We love watching movies together.
20:58He's into a lot of things so ako na-enjoy ko lang yung small conversations.
21:03Tatambay lang ako sa room niya, hindi namin kailangan mag-usap
21:06but just my presence, I just want him to know that I'm there.
21:09And then alam mo eventually, Tito Lar, he would always look for me.
21:13Si Kat naman, super supportive.
21:15Sa unikaihan niyang si Katie na sobrang nahihilig sa pagkanta.
21:21Kasi gusto niya, oh sige na nga ana.
21:23Kahit sa totoo lang ang hirap kasi parang maghapon ako na dun sa mall show.
21:27Para sa kanya, ako na nga lahat.
21:29Ako makeup artist, ako nag-bebe sa kanya, ako na lahat-lahat.
21:32Bakit nangita tong tablet?
21:33Masaya naman si Shane nakasama niya sa Mommy D-Rest,
21:37si Nakamil at Kat na pareho raw niyang tinitingala bilang mga aktres.
21:43Si Katrina ang mentor ni Shane noon sa Starstruck
21:47at si Kamil naman ang gumanap bilang ina ni Shane sa Arabella.
21:52Noong nagdaang taon, may mabibigat na pagsubok na pinagdaanan si Shane
21:59at hindi siya sumuko.
22:01At ngayong 2025...
22:04Mas improved Shane, mas bolder, mas galang gagalingan.
22:16Lalo po akong magt-take ng risk sa iba't-ibang mga bagay.
22:21Mas lalo po akong hindi matatakot na matuto at subukan yung ibang bagay.
22:27Or Santiago updated sa showbest happenings.

Recommended