• last week
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00At kaugnay po ng mga casualties sa pagsalubong sa bagong taon, makakausap natin, Department of Health spokesperson, Assistant Secretary Albert Domingo.
00:08Doc Albert, Happy New Year. Good morning.
00:11Happy New Year, Ivan. Happy New Year sa lahat ng mga kapusong nakikinig at nanonood.
00:15Baka may updated numbers tayo, Asec, sa bilang ng mga sugatan dahil sa paputok.
00:20Yes. Papasok pa lang yun, Ivan. Yung hawak ko pa rin siyang simula yung kahapon, as of 6 a.m. ng January 1.
00:26Ang ating total po ay nasa 340 na po. Ito ay mas mababa ng 34% kumpara sa total noong panahon noong nakaraang taon.
00:36Tapos dun sa ating pinaka-bisperas, 141 na kaso yung ating nabilang. Mas mababa ng 64% kumpara sa nakaraang bisperas noong 2024.
00:46Yun nga lang may humahabol, Doc. Like kahapon, buong maghapon, yung mga namulot o baka ngayong umaga may humahabol pa.
00:54Yes. Tama yun, Ivan. Meron tayong mga late reports. At the same time, alam natin na marami pang mga kapuso ang hindi pa siguro nagagamit.
01:02Yung mga paputok hindi naubos or baka yung mga sinubukang sindihan na hindi sumabog na nakaiwan sa kali ay kinukuha.
01:10Ang paalala po namin, hindi na po dapat kinukuha yan. Dapat dinidiligan na ng tubig at linilinis at tinatapon nila po.
01:17Dahil yan pa rin po ay pulbura at maaari pa rin makasakit.
01:20Doc, ano ba ang analysis natin sa profile ng mga victims? Karamihan ba mga bata, mga kalalakihan? Ano ba ang profile?
01:27Yes, Ivan. Ang ating age group pa rin, marami ay mula sa 5 hanggang 19. Ang pinaka marami is 10-14.
01:36At ang kanilang kasarihan, halos siyam sa bawat sampu, 88% ay mga lalaki.
01:41So matotal, mga batang lalaki, yung mga na-victima dito, marami sa kanila mga actively involved, mga 55%.
01:49Yung iba po naman ay natamaan lamang, hindi naman sinasadya. At ano yung mga naging paputok na involved dito?
01:55Yung top 1 natin, yung BOGA. Top 2 is yung 5STAR. Parehong illegal po yan.
02:01Top 3 is yung QUITIS. Siya ay legal pero nakakasakit pa rin.
02:05Top 4 is mga homemade or mga hindi na maalala ng mga ating pasyente.
02:09And then top 5 is yung ating PICOLO na isa ring illegal na firework.
02:14Naalala ko dok sa mga nakaraang taon, yung number 1 lagi dyang PICOLO.
02:17Pero medyo narendahan nika ngayon PICOLO pero umalagwa naman ngayon yung BOGA.
02:25Exacto Ivan. Actually ang challenge kasi natin dyan, nakita ko ngayon yung news item kanino.
02:30Marami kasi mga bata and consistent sa epidemiology, maraming bata ang nakakakita ng mga do-it-yourself videos online.
02:38So ang dami yung mga iba-ibang version na ng BOGA. Dati pag sinabing BOGA ang iniisip yung PVC pipe.
02:44Pero I'm sure nakikita po ng mga kapuso reporters, iba-iba yung mga lata, may mga bote.
02:49Na mas lalong delikado kasi pag yung materyalis iba-iba, hindi standard, talagang sasabog talaga yan.
02:55Tapos highly flammable dok, denatured alcohol daw nilalagay dyan.
02:59Yes, isa pa yung challenge kasi magaling ang ating PNP at DTI at kanilang ini-enforce yung dun sa gunpowder, sa pulbura.
03:06In fact, yun yung basihan kung paano masasabing illegal o hindi. Merong dami ng pulbura na allowed.
03:12Pero ito, hindi pulbura ang ginagamit. Ang ginagamit iba, pwede nga denatured alcohol. Yung iba, gaas yata yung ginagamit.
03:18So talagang delikado at kailangan nang ito yung parabang next frontier na tututukan.
03:23Kumusta naman dok ang naging response sa mga ospital natin?
03:27Tuloy pa rin po ang pagiging code white ng mga ospital all the way until January 6.
03:32Sa handang-handa po ang lahat. Yung mga gamit di po nauubusan.
03:35At maraming salamat rin po sa ating mga frontliners, sa mga doktor, nurse, at mga support staff na doon.
03:41Mga nagbagong taon sa kanilang mga emergency room. Ready pa rin po ang mga ospital.
03:46While we note na malaki po, significant yung naging kabawasan sa bilang na mga nabiktima, one injury is still one too many.
03:56Moving forward, may mga naisip ko ba kayo na pwede pa nating i-tweak sa ating paalala, pananakot sa mga kababayan natin?
04:04Baka sa susunod na taon, mas maganda pa mga numero natin?
04:07Opo, so tatlong bagay yung naisip namin. Una yung polisya, ang pananaw pa rin po ng DOH ay mas maganda ang total ban.
04:15Ngunit kami naman po ay flexible, ano namin binabalance.
04:18Tingnan naman po natin yung halimbawa ng community fireworks.
04:21Napanood ko yung Kapuso sa Lubong, yung SB19 nandoon. So nandoon, maganda yun.
04:26Better naman, manood nilang tayo, huwag na tayong magsinde.
04:29No. 1 yun. No. 2, yung ating edukasyon na dapat ating baguhin yung tradisyon or kultura na sinasabi na kailangan magpasabog, kailangan magpaputok.
04:38At saka yun ang instinct na magkaroon ng right of passage para sa mga batang lalakin na pinakamanaming victim ngayon na hindi talaga ito katunayan ng pagkalala.
04:47Kaya iba po yun. So edukasyon.
04:48And then No. 3, yung parental supervision. Importante talaga.
04:52Dahil mga bata yung ating victim, mga nanay at tatay, kuya at ate, at mga tito-tita, lolo at lola, huwag nating hahayaan ng ating mga tsikiting.
05:02Doc Albert, maraming salamat. Happy New Year sa inyo dyan sa DOH.
05:06Happy New Year. Salamat.
05:07Nakausap po natin, Assistant Secretary Albert Domingo, tagapagsalitaan ng DOH.
05:18YouTube channel NGMA Integrated News.

Recommended