• 2 months ago
Kung hindi sa mga tent, sa kulungan ng baboy muna sumisilong ang ilang taga-Camarines Sur matapos wasakin ng Bagyong #KristinePH ang kanilang mga bahay. Kinakapos pa sa pagkain at malinis na inuming tubig ang marami sa probinsya kung saan nakataas pa naman ang Signal No. 1 dahil sa Bagyong #LeonPH. Kinulang na rin ng gamot dahil sa dami ng mga nagkakasakit sa mga evacuation center.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi polo John Visayas at Mindanao.
00:04Kung hindi sa mga tent, sa kulungan ng baboy muna.
00:08Sumisilong ang ilang taga kamarinesur.
00:11Matapos wasake ng Bagyong Christine ang kanilang mga bahay.
00:15Kinakapos pa sa pagkain at malinis na inuming tubig ang marami sa provinsya,
00:19kung saan nakataas pa naman ang signal number one dahil sa Bagyong Leon.
00:24Kinulang na rin ang gamot dahil sa dami ng mga nagkakasakit sa mga evacuation center.
00:29At mula sa Naga City, nakatutok live si Ian Cruz.
00:34Ian.
00:37Mel, Vicky, Emil, isang linggo na nga matapos dumaan ang Bagyong Christine
00:42pero marami pa rin lugar dito sa Kamarinesur ang lubog sa baha.
00:46Kaya naman umaasa sila na wala nang ibabagsak na maraming ulan ng Bagyong Leon
00:51para nga maibsa na itong mga pagbabaha.
00:54Walong araw ng baha dito sa Minalabak, Kamarinesur.
00:57Kaya kailangang magbangka lalo na ang papunta ng sentro ng bayan.
01:02Ang pamilya ni John Rex walang naisalba sa baha
01:05pero sa pamangka rito muna kumakapit para may panggastos.
01:09Wala eh, ganito lang pagbabangka.
01:11Minsan nakakaanal kami ng mga pupunta ng sentro.
01:15Yan ang pinagkakitaan namin dito minsan.
01:19May malattent community ang mga tulay na aming nadaanan
01:22kung saan pansamantalang tumitira ang mga nalubugan ng bahay.
01:26Pero ang limang pamilyang ito walang ibang napagkanlungan kundi mga kulungan ng baboy
01:31kung saan kasama rin ang sarili nilang mga alagang baboy.
01:36Nahirapan din.
01:37Bakit?
01:38Kasi ang amoy, may mga bata pa.
01:41At ang kinakain nila,
01:43Ilang araw nalang undas na pero baka sa tinutuluyan nalang sila magtirik ng kandila.
01:49Wala pong mga mangyayarang undas kasi lubog pa ang sementeryo.
01:53Sa bayan ng bato, baha pa rin sa lipid limang baranggay
01:56kundi may mga kulungan nilang mababaw na.
01:59Kaya dapat kasi mayroon nang magkunaralip na itong ngakasaporta talaga.
02:03Ilang araw nalang undas na pero baka sa tinutuluyan nalang sila magtirik ng kandila.
02:10Sa bayan ng bato, baha pa rin sa lipid limang baranggay.
02:13Tatlo ang naitalang patay sa bayan at maraming bahay ang winasak na mga landslide, baha at malakas na alon ng Lake Bato.
02:21Kalsada po yung kinatatayuan natin ngayon pero makikita nyo may isang bahay sa gitna nito.
02:26Sabi ng mga residente, dating nakatirik malapit sa flood control ng kanilang lawa yung nasabing bahay
02:31pero sa napakalakas na alon dulot ng bagyong Christine, tinangay dito yung bahay na yan.
02:37Ang kailangan-kailangan dito is yung temporary shelter materials na maibigay dun sa mga totally damaged na mga bahay.
02:47We have almost about more or less 1,500 totally damaged.
02:54Ultimo munisipyo, hindi sinanto ng bagyo.
02:57Nalubog kaya putikan ang mga gamit sa unang palapag.
03:01Kasama dyan ang mga papeles ng local civil registrar at mga dokumento ukol sa mga butante na nasa pag-iingat ng local communec office.
03:10Sabi ng isang nakausap namin sa tanggapan, nakapagpadala naman sila ng data sa central office kaya may file para sa eleksyon.
03:18Sa rural health unit naman, may mga nagpa-check up ng evacuee dahil nagkakasakit.
03:23May lagnat po, obo, sipon, kaya nagpapasiguro na lang.
03:28Ang mga natusok o nahiwa sa kasagsagan o pagkatapos ng bagyo, tinurukan ng anti-tetanus vaccine.
03:37Ang problema, kapusa sa pangbakuna, mga gamot sa sakit at leptospirosis ang munisipyo.
03:43Ang RHU po natin, nalubog din sa baha. So yung mga gamot din po natin doon, wala din po. Kunti lang po ang naligtas po namin.
03:53Umaasa silang magpapadala ng dagdag na gamot ang DOH.
04:01Vicky, dahil may wind signal number one na nakataas sa eastern portion ng Camarines Sur,
04:07ay nagpapatuloy nga ang monitoring at pag-aabiso at pagbibigay babala ng local government unit ng Camarines Sur ukol sa parating na bagyo. Vicky?
04:18Maraming salamat sa'yo Ian Cruz.
04:23.

Recommended