Bukod sa makakapal na putik at baha sa Albay, pagkain ang isa sa pinaka pinoproblema sa lalawigan! Ang ilang bahagi ng Libon, Albay na isolated matapos ang bagyo, na sa unang pagkakataon ay narating at nahatiran ng tulong ng GMA.
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mga Kapuso, bukod po sa makakapal na putik at baha sa Albay, pagkain ang isa sa pinaka pinoproblema sa lalawigan.
00:08Ang ilang bahagi ng Libuan Albay na isolated patapos ng bagyo.
00:12Sa unang pagkakataon narating at nahatira ng tulong ng GMA.
00:17Yan pong tinutukan live ni John Consulta.
00:20John.
00:22Ivantia, pitong barangay, ang nananatiling isolated sa Libuan Albay.
00:30Dahil nga sa kaliwat kanang landslide na efekto ng bagyong Christine, marami sa mga pamilya Ivantia ay wala nang makain.
00:39Sa unang pagkakataon ay napasok ito ng mga otoridad at ng GMA Kapuso Foundation at isang libong pamilya ang nabigyan ng tulong.
00:52Wasak-wasak ang mga kalsada sa barangay Pantaw sa Libuan Albay matapos gumuho ang lupa sa ilalim nito, dulot ng landslide.
01:02Kita sa aerial video ang kaliwat kanang landslide na dahilan kaya isolated ang pitong barangay sa Libuan.
01:08Dahil walang makalibas na tao o makapasok ng supplies mula pa noong Martes, wala nang makain ang mga residente.
01:15Marami pong kasing landslide so hindi pong mapasok-pasok.
01:19Sabi ng MGB gumagalaw pa ang lupa doon kaya hindi pa pwedeng galawin, hindi pa pwedeng i-clearing operation kasi baka malagay sa mga alanganin yung ating mga rescue.
01:30Sa kauna-unaang pagkakataon mula Manila, narating ng GMA Integrated News, GMA Kapuso Foundation at ng Militar ang isolated na barangay Pantaw.
01:40Sakayan ng mga helicopter ng Philippine Air Force at malakanyang bit-bit ang relief goods.
01:46Gamit ang presidential chopper at isang black hawk ng Philippine Air Force ay dinila nga itong mga relief goods ng GMA Kapuso Foundation dito sa barangay Pantaw.
01:57Ang isa sa mga hardest hit na barangay dito sa baya ng Libuan sa Albay.
02:04Paglapag namin, di maipintah ang saya sa mga residente na tumulong na sa pagubuhat ng relief goods para may pamahagi.
02:13Sang libong pamilya ang nahatiran ng relief goods.
02:16Nagpapasalamat ako sa inyo sa GMA na napasok ninyo at nadalang po natin ang food pack.
02:21Talagang isolated po itong mga barangay nito.
02:23Ginagawa natin ngayon yung agarang tulong para doon sa mga nasalanta ng bagyo kung saan talagang higit na kinakailangan yung pang-busy kung pangangailangan sa araw-araw.
02:32Nagpapasalamat tayo sa lahat ng donors and partners natin kasi dahil sa mga pinaabot nilang tulong, finally naabot na natin ang Libuan sa Albay.
02:42Magkakatid rin ang GMA Kapuso Foundation ng 100 kilo ng pet food sa Tabaco Albay Pet Shelter.
02:53Ibang tiya, matatagalan pa itong sitwasyon sa ilang mga barangay na ito na isolated pa dito sa Libuan Albay
03:01ayon sa ating information na kuha mula sa Libuan LGU ay hindi para sila makapagsimula ng kanilang mga retrieval operations at clearing operations
03:09dahil nga sa taas ng mga landslide area ay mayroong mga cracks na posibleng mauwi daw sa mga panibagong paguho kapag nagkaroon ng paggalaw sa ibaba.
03:18Yan ang latest na rito sa Albay. Balik sa iyo Ivan.
03:21Maraming salamat John Consulta.