-WEATHER: Bagyong Kristine, nasa loob na ng Phl Area of Responsibility
-Ilang barangay, binaha dahil sa malakas na ulan na dulot ng trough ng Bagyong Kristine
-Ilang klase sa eskwela, suspendido dahil sa masamang panahon
- DOJ: 17 miyembro ng Abu Sayyaf, hinatulang guilty sa 21 counts ng kidnapping at serious illegal detention ng 21 tao mula sa Sipadan, Malaysia noong 2000
-Oil price rollback, ipatutupad bukas
-16-anyos na umawat lang sa gulo, kabilang sa 2 patay matapos masaksak/Suspek at isa sa mga sugatan, una nang nag-away sa dinaluhang birthday party/ Suspek, iginiit na tatakutin niya lang sana ang sugatang biktima kaya may dalang balisong
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Ilang barangay, binaha dahil sa malakas na ulan na dulot ng trough ng Bagyong Kristine
-Ilang klase sa eskwela, suspendido dahil sa masamang panahon
- DOJ: 17 miyembro ng Abu Sayyaf, hinatulang guilty sa 21 counts ng kidnapping at serious illegal detention ng 21 tao mula sa Sipadan, Malaysia noong 2000
-Oil price rollback, ipatutupad bukas
-16-anyos na umawat lang sa gulo, kabilang sa 2 patay matapos masaksak/Suspek at isa sa mga sugatan, una nang nag-away sa dinaluhang birthday party/ Suspek, iginiit na tatakutin niya lang sana ang sugatang biktima kaya may dalang balisong
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mga Kapuso, may bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility. Ito po yung Tropical Depression Christine, na unang bagyo ngayong Oktubre.
00:08Malawak ang kalupaang bitbit na nasa Okaulapang, bitbit na nasabing bagyo, kaya kahit ilang lugar pa lang sa bansa ang direkta apektado nito,
00:15ang nalalabing bahagi ng bansay uulanin dahil sa trough o extension ng bagyong Christine.
00:21Sa ngayon po ay nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Catanduanes,
00:25Northeastern portion ng Northern Samar at Northeastern portion ng Eastern Samar.
00:31Base sa forecast na pag-asa, direkta ang maapektuhan ng bagyong Christine,
00:35ang Quezon Province, Bicol Region at Eastern Visayas, ngayong araw at bukas.
00:42Uulanin naman ang nalalabing bahagi ng bansa kasama na po ang Metro Manila dahil sa trough o extension ng bagyong.
00:49Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, halos buong bansa ang may tsyansa ng ulan ngayon pong Lunes kasama na ang Metro Manila.
00:57Posible ang heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
01:01Dahil nasa karagatan pa ang bagyong Christine, posible pa itong lumakas hanggang typhoon category,
01:06sabi po ng pag-asa, may tsyansa ang bagyong na mag-landfall sa Northeastern Cagayan sa darating na Biernes.
01:13Tumutok lang dito sa Balitang Hali para sa 11am bulletin uko sa bagyong Christine.
01:20Ramdam na sa buhol ang masamang panahon kasunod ng pagpasok sa Philippine area of responsibility ng bagyong Christine.
01:26Malakas na ulan at sinabayan ng kulog at idlat ang magdulot ng baha sa ilang lugar sa probinsya.
01:33Sa barangay Totolan sa bayan ng Dawis, nagmislulang ilog ang kalsada dahil sa baha.
01:37Tumagal ang ulan ng halos dalawang oras.
01:40Ayon sa pag-asa, trough ng bagyong Christine ang dahilan ng pag-ulan doon.
01:47Dahil sa banta ng pagbaha, dulot ng bagyong Christine, kanselado po ang klase sa ilang lugar sa bansa.
01:53Kamilang dyan ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa lalawigan ng Camarines Norte at Cavite.
02:00Gayun din sa mga bayan ng Kamalig at Naragasa Albay, pati na sa Cavinti, Lilio, San Pablo at Santa Rosa o Santa Cruz sa Laguna.
02:10Preschool hanggang senior high school naman ang walang pasok ngayong lunes sa Louisiana, Laguna.
02:15Sa Legazpi City sa Albay, suspendido rin po ang face-to-face classes at posibling mag-shift muna ang klase sa alternative learning modality.
02:23Antabayanan po ang iba pang anunsyo ng mga LGU ukol sa suspensyon ng klase dito sa Balitang Halim.
02:31Bagong-bagong balita, matapos ang lagpas dalawang dekada, guilty ang hatol sa labimpitong member ng Abu Sayyaf Group para sa kidnapping at serious illegal detention, ayon sa Department of Justice.
02:42Kaugnayan sa pag-kidnapped sa 21 Pilipino at dayuhan mula sa isang resort sa Cipadan, Malaysia noong April 2000 at pag-hostage sa kanila ng ilang buwan sa Sulu.
02:53Pinakawalan sila sa magkakahiwalay na pagkakataon matapos mabayaran ng ransom money.
02:58Sa desisyon ng Tagig RTC Branch 153 nitong October 16, sinintensyahan ang labimpito ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakakulong sa kada isa sa 21 counts ng kaso.
03:11Kabilang sa mga na-arrest noon ang Abu Sayyaf leaders na sina-commander Robot at commander Global na nasawi sa jailbreak sa Camp Bagong Diwa sa Tagig noong 2005.
03:21Ayon sa Department of Justice, patunay ang conviction o desisyon ng Korte sa pagpapanatirin nila sa rule of law ng walang alinglangan o takot.
03:35Good news muna tayo sa ating mga motorista dyan matapos po ang ilang linggong taas presyo.
03:39Abay may rollback naman sa presyo po ng ilang produktong petrolyo simula bukas.
03:44Base po yan sa mga anunsyo ng ilang oil companies, 70 centavos ang tapya sa kada litro ng diesel, 50 centavos naman para sa gasolina, may 85 centavos din po nabawa sa kada litro ng kerosene sa ilang kumpanya.
03:57Ayon sa Energy Department, dahil po yan sa pagbaba ng tensyon sa Middle East, nakikitang pagdami ng supply ng krudo sa pagpasok ng 2025 at pagbagal ng paglaki ng demand sa langis.
04:10Dalawang patay sa pananaksak sa Tondo, Maynila, kabilang sa kanilang isang minorde edad na umawat lang sa gulo.
04:18Balitan natin ni Joe Marapresto.
04:24Dugoan at nakahandusay ang babaeng ito ng datna ng mga otoridad sa Infanta Street sa Balot, Tondo, Maynila.
04:30Ang babae isaraw minorde edad na umawat lang sa gulo.
04:34Bago ang insidente, makikitang isang lalaki na bumaba mula sa kanyang motorsiklo. Kinumpronta niya ang isa sa mga lalaking nakatambay sa lugar hanggang sa bigla nalang nagkagulo.
04:45Dito na raw napatakbo ang minorde edad para umawat.
04:48Hindi na masyadong maaninagsakuhan ang CCTV pero ang lalaking bumaba mula sa motor, may dala raw balisong at iwinasiwas ito habang nagkakaroon ng gulo.
04:58Apat ang nasaksak, dalawa sa kanila ang namatay kabilang ang minorde edad.
05:04Ang bigtima natin ay isang 21 years old, yun yung unang namatay.
05:08Sumunod dahil merong isang sugatahan at kalaunan yun ay pumanaw rin. 16 years old naman po yun na babae.
05:17Base sa investigasyon ng polisya, bago ang pananaksak, una ng nakaaway ng sospek ang isa sa mga sugatang bigtima.
05:23Pareho raw kasi silang galing ng birthday party kung saan sila unang nag-away.
05:27Binastos umano kasi ng sospek ang ilan sa mga bisitang babae.
05:31Kabilang ang kasintahan ng sugatang bigtima.
05:47Nakaaway na raw sa kanila ang bigtima pero sinundan siya ng sospek kung saan na nangyari ang pananaksak.
05:53Agad din namang nahuli ang sospek.
05:55Depensa niya, kakausapin lang daw sana niya ang lalaki pero bigla raw siyang sinuntok nito.
06:00Atuluyan na rin kinuyog ng iba pang nakatambay sa lugar.
06:15Ayon pa sa sospek, nang dalhin siya sa barangay hall, ay muli siyang kinuyog pati ng ilang tauhan ng barangay.
06:22Bago pa po ako pananaksak na ito, pumikit na po ito.
06:25Tapos nadagdaga na lang po ito nung pagpasok ng barangay, dun ginulpi pa po nila ako.
06:29Sinusubukan pa namin hinga ng pahayag ang barangay tungkol dito.
06:32Sa ngayon ay nakaburol na ang minor na edad na bigtima.
06:35Napakasakit po.
06:38Siyempre po, yun lang pong gusupa po namin yun.
06:41Talagang napakasakit po sa amin, lalo po sa mga anak ko, mga kapatid niya po.
06:46Hindi namin siya mapapatawad kasi buhay yung inuwala sa kapatid ko.
06:49Sixteen lang yung kapatid ko, tapos may six months pa na anak."
06:52Nakatakda namang isa ilalim sa autopsy ang isa pang namatay,
06:55habang patuloy na nagpapagaling ang dalawang sugatan,
06:58kabilang ang isang kaibigan ng suspect na umawat lang din sa gulo.
07:02Joe Merapresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:49Music
08:16Kapuso para sa mga maiinit na balita,
08:18mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube.
08:21Sa mga kapuso naman abroad,
08:23subaybayan nyo kami sa GMA Pinoy TV at sa www.gmanews.tv.