• 4 months ago
Aired (August 12, 2024): 11-anyos na estudyante mula Negros Occidental, para makapasok sa eskuwelahan, kinakailangang sumakay… ng zipline. Ang haba nito, nasa 300 metro habang ang babagsakan, nasa 100 metrong taas ng bangin!


Lubhang delikado lalo't ang kable, kinakalawang na rin.


Ang kuwento ng mahigpit na pagkapit ng isang estudyante sa kanyang pangarap, panoorin sa video na ito.


Para sa mga nais tumulong sa pamilya ni Eljames, maaaring magdeposito sa:
BDO BACOLOD-LIBERTAD BRANCH
BANK ACCOUNT NAME: RIQUE R. RETIZA
BANK ACCOUNT NUMBER: 007550156120
CONTACT NUMBER: 0927 164 3165

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Back to school na! Balik sa dating gawit at mga problema.
00:07Ang isang bata mula sa Murcia Negros Occidental, dahil sa tuktok ng bundok sila nakatira para makapasok ng eskwela, buwis buhay siyang tumatawid sa zip line.
00:21Grade 6 na ngayong pasokan, ang 11 anos na si L. James, pero hatid sundo pa rin siya ng kanyang tatay Ricky.
00:41Gusto raw kasing masiguro ni Ricky na ligtas na makakarating sa eskwela ang kanyang anak.
00:51Ang daan kasing patungong paaralan, matarik at mabato.
00:59Para makatawid ng bundok, kailangan pa nilang sumakay sa isang luma at kinakalawang ng zip line.
01:11Dapat nakawit, tapos kailangan mahulog.
01:18Kapit lang magpapara hindi malaglag.
01:22Napamin sir, closer nga.
01:24Nasana pala ba sir ako survive.
01:26Kung mamalasin na mapigtal ang zip line, na huwag naman sana,
01:35Ang babagsakan ng nakasakay nito, isang daang metro.
01:40Ito ang kwento ng bahigpit na pagkabit ng isang estudyante sa kanyang pangarap.
01:53Ang mag-ama nakatira sa sityo managaksak, liblib na komunidad sa kabundukan ng Mursa sa Negros Occidental.
02:05Para marating ito, kailangang maglakad ng isang oras papunta ng sityo.
02:12Kailangan ding tumawid ng ilog.
02:19Malalakarin pa tayo mga 15 to 20 minutes.
02:28Makalipas ang mahigit isang oras, narating na nila ang sityo managaksak.
02:34Naabutan nila roon ang lalaking ito, na walang kapakot-pakot na tumatawid ng kable, makabili lang ng asukal sa kabilang ibayo.
02:52Iilan lang ang nakatira rito sa sityo managaksak, at halos lahat magkakamag-anak.
02:58Dito nakatira ang pamilya ni Nael James.
03:04Alas kwatro pa lang ng umaga.
03:10Gumagayak na si Nael James, papasok ng eskwela.
03:13Pag tapos siya magbihis, kakain sa agam.
03:21Para makatipid, nagbabaon siya.
03:24Ito po ang baon ng anak ko para sa eskwilahan, para sa magutom.
03:33Si Ricky naman, inihanda na ang mga harness na gagamitin nilang mag-ama sa pagtawid sa zipline.
03:50Ang tatawirin kable ng mag-ama, nasa 300 meters ang haba.
03:56Nakakalula rin ang taas ng kable.
03:59Pero ang mag-ama, kalkulado na ang kanilang bawat kilos.
04:05Gayunman, aminado si Ricky na kinakabahan pa rin siya.
04:15Ang dalang harness ni Ricky, agad niyang ikinabit sa kable.
04:29Si Ricky ang unang tumawid.
04:31Kapag may rapal siya, pwede ko tayong sutein sa kitla.
04:50Dalawang minuto, nakakalula rin siya.
04:54Dalawang minuto lang, narating na ni Ricky ang kabilang dulo ng kable.
05:08Habang si El James, nagsuot na rin ang harness.
05:24Pero hindi pa man nakakarating si El James sa kabilang dulo.
05:33Bigla siyang huminto!
05:36Pero hindi pa man nakakarating si El James sa kabilang dulo.
05:45Bigla siyang huminto!
06:05Bigla siyang huminto!
06:35Ang mag-ama, sumakay na ng motor, papuntang eskwelahan.
06:58Ang mag-ama, sumakay na ng motor, papuntang eskwelahan.
07:06Si El James ay masayahing bata, matulungin, especially sa kanyang mga kaklase, at talagang masipag siya.
07:22Ang kadalasang naiiwan sa bahay, si Rose.
07:25Nung araw na yon, kinailangan naman niyang dalhin ang apat na taong gulang nilang bunsong anak na si Mary Rose sa daycare center na nasa kabilang bundok din.
07:55Bago pa man makarating sa kabila, huminto rin sina Rose.
08:25Hanggang sa ligtas na nakarating ang mag-ina sa kabilang dulo ng zipline.
08:55Ang kamay ko na iwan dito sa loob ng mutol.
09:08Samantala, bago umuwi, si El James tinapos na muna ang kanyang assignment sa eskwelahan.
09:14Tinatapos ko dito kasi hirap ko dito sa taas.
09:29Pagkatapos, sinundo ulit siya ng kanyang tatay Ricky para muling mag-zipline pa uwi.
09:44Pagkita ko ng anak ko na magtapos ng pag-aral. Yan ang hinihingi na ako. Pagkatapos lang sila ng pag-aral.
10:01Ang pamilya ni Nael James, pinagkakakitaan ng paggawa ng barbecue sticks.
10:07Yung kita ko sa isang buwan, mga isang libu.
10:11Pero pagtatanim talaga ng gulay ang kanilang hanap buhay dito sa bundok.
10:16Ito rin daw ang dahilan kung bakit mula sa bayan, pinili nilang dito manirahan, apat na taon na ang nakararaan.
10:23Dati doon kami nakatira sa baba. Kasal po na ang lupa namin, nasama sa pagbili ng aking lolo, kaya wala namin itong bahay.
10:31Kaya pumunta kami dito sa bundok at dito nagpatayo ng bahay.
10:35May disentiment silang hanap buhay sa bundok, malayo naman sila sa kabihasnan.
10:41Araw-araw nagpunta ko dito. Tapos pagkahapon, mabalig naman ako doon kasi mahirap.
10:47Dahil dito, ang walong taong gulang nilang anak na si Ezra, pinili munang tumira sa kapatid ni Ricky sa bayan.
11:06Kaya ganun na lang ang pagpupursige ni L. James na makatapos ng pag-aaral. Pangarap daw niyang maging seaman.
11:14Gusto ko mag-skill up para makabulay ka sa pamilya ko. Gusto ko makamahan sa harapan para hindi lakaagay sa supply mo.
11:25Meron daw ditong parang cable car, at ito ang ginagamit nila noon patawid ng bundok.
11:31Proyekto ito noon ng PENRO o ng Provincial Environment and Natural Resources Office, dekada 90.
11:38Ngunit matagal na raw itong hindi gumagana.
11:41Natapos na po yung project natin, tapos wala namang natin na-transport through that line.
11:47Ang cable nilagyan na lang ng harness ng mga taga rito para mapakinabangan nila sa kanilang pagtawid.
11:53Tinestorage na po namin ang mga activities sa kabila kasi part na siya ng Northern Exhaust Natural Park, strict protection zone po ng area.
12:01Kaya nung nabalitaan ng mga tiga DENR na ang lumang cable ay ginagamit ng zip line ng mga tiga sityo,
12:08naalarma sila.
12:10Hindi na siya safe. Nabigla kami na meron po palang gumagamit.
12:14Nakalungkot na may mga mata na ganito yung sitwasyon, papunta sa school.
12:19Makikita natin din natin yung determination nila na makapasok, makapag-aral.
12:24Pero hindi ito sapat na dahilan para maranasa nila ang nararanasa nila.
12:29May mga pagkakataon kasi na hindi natin may iwasan na dahil sa panganib or dahil sa kakulangan ng mga servisyo
12:35ay hindi pa pwede sa kasalukuyan na magtayo ng mga school.
12:40Ito po yung dahilan kung bakit pwede tayo gumamit ng alternative delivery mode sa mga pag-aaral ng mga bata.
12:46Mayroon tayong binibigay sa kanya ng mga activity sheets at modules na iperform niya at magkaroon siya ng special schedule
12:54na sa ganitong mga araw lamang pwedeng kumunta ng school.
12:58Gusto ko mag-start dito sa bus pero hindi na sila makasakay sa zip line.
13:01Sa dawad daw, kaya yung delikado. Sa dawad daw nga, the plus, the plus.
13:07Gusto mo namin wala kami magawa kasi wala naming pangbaya sa UPA. Kaya dito wala kami kumakayon.
13:13Ang suliranin ng mga tigasityo managaksak, idinulog ng aming team sa LGU ng Mursha.
13:21The plan and the recommendation is to relocate the family as soon as possible.
13:25Narefer sila namin sa livelihood financial assistance wherein sila na yung maka-assess kung anong gusto nilang livelihood.
13:33Tawagin ng pangamoy, pangasagapapano, nakasurvive sa mga situasyon.
13:39Hindi ko maibigay sa anak ko kung anong gusto nila.
13:42Sinasabi ko sa anak ko, pagtapos ng pag-aaral, marami na kayo mong ibibili ng anong gusto niya.
13:47Sipag lang, makararaos din kami.
13:48Sa milyones o bilyones na budget ng gobyerno para sa edukasyon o kapakanan ng mga magsasaka at ng mga tiga malalayong mga lugar,
14:00ang tanong ng mga taga rito, kailan kaya sila maaambunan?
14:18Subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel and don't forget to hit the bell button for our latest updates.

Recommended