• 9 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong Miyerkules, MARCH 20, 2024:

- Paghahanda para sa "Oplan Biyaheng Ayos" para sa Semana Santa | Pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa Semana Santa, inaasahan sa Martes hanggang sa Miyerkules
- Pastor Quiboloy, ipinaaaresto na dahil paulit-ulit na hindi sumipot sa mga pagdinig ng Senado | Pastor Quiboloy at 5 iba pa, sinampahan ng mga kasong child abuse sa Davao City | Kasong Qualified Human Trafficking, isinampa laban kay Pastor Quiboloy sa Pasig | Immigration Lookout Bulletin Order vs. Pastor Quiboloy, inilabas ng DOJ
- Ilang patay na pusa sa isang cat pound, nakitang kinakain ng mga kapwa-pusa | Kapitan ng Barangay San Jose, iginiit na hindi nila pinababayaan ang mga pusa sa cat pound | Ayon sa Barangay Chairman, posibleng nag-away ang mga pusa kaya namatay | Doc Ferds: Matinding gutom at pagiging natural hunter ng mga pusa, posibleng dahilan ng pagpatay at pagkain nila sa kapwa-pusa | Barangay officials, pananagutin kapag napatunayang may paglabag sa Animal Welfare Act | Cat pound, iniimbestigahan ng Dasmariñas City Veterinarian Office
- Aso, pinaghahampas ng kapitbahay; natagpuang patay at nakasilid sa sako | Giit ng lalaking nanghampas sa aso, pinatay ang aso dahil nangagat at nakaperwisyo | May-ari ng aso: Walang dahilan para brutal na patayin ang aso | Pang-aabuso at pangmamaltrato sa domesticated animals, bawal sa ilalim ng Animal Welfare Act
- Nakawalang aso, pinaghahampas hanggang mapatay at saka sinako | Ilang pusa sa cat pound, natagpuang kinakain ang bangkay ng kapwa nila pusa - Panayam kay Philippine Animal Welfare Society (PAWS) Executive Director Anna Cabrera
- Ilang manggagawa, nagdarasal sa Baclaran Church bago pumasok sa trabaho
- Letran Squires at Perpetual Junior Altas, maghaharap sa Game 2 ng NCAA Season 99 Juniors Basketball Finals
- US Secretary of State Antony Blinken: The relationship between the Philippines and the US is in hyperdrive | Trilateral Leaders Summit sa pagitan ng Pilipinas, Japan, at Amerika, isasagawa sa April 11 | Amerika at Pilipinas, iginiit na hindi naka-direkta sa partikular na bansa ang alyansa ng dalawang bansa | Grupong Bayan, kinondena ang pagpupulong nina Blinken at Pangulong Marcos
- Mga resort sa Upper Marikina River Basin na isang protected landscape, pinuna ng Masungi Reserve Foundation | Ombudsman at DILG, iniimbestigahan ang pagpapatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills | Status ng Bohol Island bilang isang UNESCO Global Geopark, susuriin muli sa 2027
- Super Radyo DZBB primetime anchors, sasabak sa special anniversary radio drama ng "Sumasapuso" kasama si Toni Aquino
- Sunog, sumiklab sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig
- Mga nasunugan sa Brgy. Damayang Lagi, nananatili muna sa seminaryo at covered court | QC LGU, nagpaabot ng tulong sa mahigit 200 na nasunugan sa Barangay Damayang Lagi

Category

🗞
News

Recommended