• 3 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Miyerkoles, July 13, 2022:

- Panukalang batas na layon daw mag-alis at magbawas ng mga empleyado sa gobyerno, inihahanda na

- Alliance of Concerned Teachers, nanawagan sa DEPED na mapunan na ang target na 10,000 teaching positions bago mag-full face-to-face classes

- Flash flood at landslide, muling naminsala sa Banaue, Ifugao

- Pag-aaral sa muling paggamit ng bakunang 'Dengvaxia,' iminungkahi ng isang infectious disease expert

- Rice Tariffication Law, suportado at iminungkahing ipagpatuloy ni Finance Sec. Benjamin Diokno

- PNP-HPG, tututukan ang mga nagmamaneho ng ambulansya; mga gumagamit ng sirena kahit walang emergency, sisitahin

- Australian Amb. Steven Robinson, bumisita sa opisina ni VP at education Sec. Sara Duterte

- DA: Presyo ng asukal, tumaas dahil sa manipis na supply; paglalagay ng SRP, pinag-aaralan

- CHED, binawi na ang moratorium sa pagbubukas ng mga bagong kurso sa nursing para matugunan ang kakulangan sa health care workers

- Lalaking nagtago matapos umanong masangkot sa pagpatay, arestado pagbalik sa Metro Manila para sana magtrabaho

- CHED, hahayaan ang mga kolehiyo at unibersidad na magdesisyon kaugnay ng face-to-face classes

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.

Recommended