• 2 years ago
AAng pag-aasawa ng maaga o "buya" ay bahagi ng kulturang Manobo. Ang pinakabatang ipinagkakasundo sa tribo, nasa dalawang taong gulang kaya marami sa kanila ang hindi na nakakapag-aral. Sagrado ito at ang pagtakas sa inayos na kasal maaaring mauwi sa tribal war.

Pero hindi lahat ng bata, sang-ayon sa buya. Sa kabila ng panganib na dulot ng pag-atras sa kasal, ang ilan tumakas at tinawid ang mahabang lakaran sa bundok sa ngalan ng edukasyon. Ang kuwento ng mga estudyanteng runaway bride at groom, panoorin sa video.

Recommended