Ibinahagi ni NLEX coach Yeng Guiao ang hirap na naranasan ng kaniyang pamilya sa panahon ng Martial Law. Nakulong noong Martial Law ang kaniyang ama na si dating Pampanga governor Bren Guiao na delegate ng 1971 Constitutional Convention na tumutol noon kay dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
“Kaya nagtataka ako sinasabi maganda raw ang Martial Law. Paano naging maganda ang Martial Law kung walang kasalanan ‘yung tao tapos ikukulong mo na lang? Because he was political opposition,” ayon kay Guiao sa isang panayam kasama ang ilang sports personalities na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo.

Category
🗞
News