• 4 years ago
"Maraming paraan na magagawa at hindi puwede si Duterte na makatakas forever."

Maaari daw humarap sa sanctions ang Pilipinas kapag hindi nakipagtulungan si Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa anti-drugs campaign at umano'y human rights violations ng Duterte administration.

Ayon ito sa dating chairperson ng Commission on Human Rights na si Loretta Rosales. Kasama si Rosales sa mga nagrekomendang imbestigahan ang Davao Death Squad kung saan di umano'y sangkot din si Duterte.

Anu-ano nga kaya ang magiging implikasyon ng pag-usad ng ICC investigation sa pamahalaan? Iyan ang sinagot ni Rosales sa episode na ito ng The Mangahas Interviews!

Recommended